4K Partylist
13/05/2026
MAGANDANG BALITA! PASADO NA SA 2ND READING ANG EXPANDED ANTI-VAWC ACT π§‘
Pasado na sa Second Reading ang panukalang Expanded Anti-Violence Against Women and Their Children (E-VAWC) Act, isa sa mga panukalang batas na isinusulong ni Assistant Minority Leader at 4K Party-list Representative Iris Montes para sa mas matibay na proteksyon ng kababaihan at mga bata.
Layunin ng panukalang batas na palawakin ang saklaw ng βviolence against women and their childrenβ upang maisama hindi lamang ang tradisyunal na anyo ng pang-aabuso, kundi pati ang mga karahasang isinasagawa o pinahihintulutan ng Estado. Pinalalawak din nito ang depinisyon ng psychological violence upang masaklaw ang pamimilit sa kababaihan at mga bata na makasaksi ng pang-aabuso sa loob ng pamilya o pornograpiya.
Kasama rin sa panukala ang pagtugon sa mga pang-aabusong gumagamit ng information and communications technology (ICT), electronic devices, at digital media. Sa ilalim nito, mapapanagot ang mga sangkot sa pagpapakalat ng intimate videos, mahalay na content, at malisyosong paggamit ng pagkakakilanlan online.
Ipinag-uutos din ng panukala sa Department of Social Welfare and Development, mga lokal na pamahalaan, at Department of Health na tiyaking may sapat na shelter, counseling, rehabilitation, livelihood assistance, at medical support para sa mga biktima ng VAWC.
11/05/2026
Habang lumalalim ang panalangin, mas dapat lumalim din ang pananampalataya.
10/05/2026
Dalawang magkaibang paraan ng pagmamahal at pagpapahalaga ang ipinakita ng mga samahan ng 4K sa lalawigan ng Quezon ngayong Araw ng mga Ina.
Sa Unisan, Quezon, mula sa kinita nila sa pagtitinda sa lingguhang tiangge, inilibre ng ating mga kababaihan ang mga pangulo ng samahan sa bawat barangay sa isang simpleng salon pamper day bilang pasasalamat sa kanilang dedikasyon at paglilingkod bilang mga ina at lider ng komunidad.
Samantala, sa San Antonio, Quezon, nag-volunteer naman ang ating mga kababaihan sa pamamahagi ng gift packs kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ng isang good samaritan na patuloy ring tumutulong sa komunidad.
Sa ibaβt ibang maliit na paraan, patuloy nating pinatutunayan na ang malasakit at pagmamahal sa kapwa ay tunay na buhay sa samahan ng 4K.
10/05/2026
MANALO NG P2,000 PANDAGDAG PUHUNAN NGAYONG MOTHERβS DAY!
πΌππππ πππππΌ ππ ππΌππΌπ πΌππ ππππΏπ ππ ππΌππππππΌπ?
PAANO MANALO?
1. I-share sa comment ang nakatatawa o nakakaantig na linya ng inyong nanay.
2. Ilakip sa comment kung saang barangay at bayan ka nakatira
3. Mag-react sa post
4. I-share ang post
5. Siguraduhing naka-follow sa ating Official FB Page
6. Gamitin ang hashtag na
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Quezon