UP Variates

UP Variates

Share

22/04/2026

STATEMENT

Noong Abril 19, walang habas na pinaulanan ng bala ng 79th Infantry Batallion ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Barangay Salamanca, Toboso, Negros Occidental kung saan halos 168 na pamilya at 653 na mga indibidwal ang napilitang magbakwit sa kanilang mga tahanan.

Kaugnay nito, ibinabalita ng UP Diliman University Student Council na isa sa mga nasawi ang ating kapwa Iskolar ng Bayan na si USC Councilor Alyssa Alano dahil sa pasistang atake at panunupil ng militar sa Negros.

Mariing kinukundena ng UP Diliman USC ang ginawang pagpatay ng AFP kay Alyssa na isang inosenteng sibilyan.

Lubos ding tinututulan ng UP Diliman USC ang karumaldumal at paulit-ulit na paglabag ng reaksyunaryong gobyerno at ng kanilang mga mersenaryo sa karapatang pantao ng mamamayan ng Negros at maging sa mga aktibistang sumasandig sa laban ng masang api.

Sa kasalukuyan, si Councilor Alano ang Education and Research Councilor ng USC UP Diliman.

Nakipamuhay at nakipag-aralan si Alyssa sa hanay ng mga kapatid nating magsasaka mula sa Negros upang alamin ang kanilang tunay na kalagayan sa harap ng pangangamkam sa lupa, pagsasamantala, at militarisasyon.

Nananatili ang Negros bilang isa sa mga rehiyong may pinakamatinding militarisasyon at paglabag ng karapatang pantao. Pinaigting ng Memorandum Order 32, na naglagay sa Negros sa “State of Lawless Violence”, ang pagtaas ng presensya at operasyong militar sa rehiyon.

Walang habas ang mga mersenaryo sa pangangamkam ng lupa at pananamantala. Tumitindi ang pandarahas, pandadakip, at pagpatay ng mga magsasakang Negrense.

Nakita at naintindihan ni Councilor Alano ang kahalagahan sa paggamit ng kaniyang talino at lakas upang ipaglaban ang mga karapatan ng mga estudyante at batayang sektor, lalo sa pagtindi ng krisis sa ekonomiya.

Si Alyssa ay naging isang mahusay, masikhay, mapagmahal, at dakilang lider-estudyante at tunay na anak ng bayan.

Nagluluksa ang konseho at buong komunidad ng UP sa pagkawala ni Alyssa. Mahigpit ding nakikiramay ang konseho sa kanyang mga naiwang pamilya, kaibigan, at mahal sa buhay.

Buong tapang at buong pusong tinanggap ni Alyssa ang hamon sa bawat Iskolar ng Bayan–ang paglingkuran ang sambayanan. Hinding-hindi natin siya malilimutan.

Nalulungkot ang buong konseho sa pangyayari, ngunit higit dito, pinipili ng UP Diliman USC na buong tapang at buong tatag na ipagpatuloy ang laban para sa hustisyang panlipunan at katarungan para sa lahat ng biktima ng pasismo ng kasalukuyang nabubulok na estado.

Hangga’t hindi nabibigyan ng solusyon ang ugat ng kahirapan, marami pa ang katulad ni Alyssa na handang pag-aralan ang lipunan at magiging handang ipaglaban ang isang lipunang malaya sa pagsasamantala. Hinding-hindi mapuputol ang diwa ni Alano sa malawak na hanay ng mga Iskolar ng Bayan na pahihigpitin pa lalo ang pagkakaisa para tuluyang magapi ang isang sistema ng lipunang mapang-api at mapagsamantala.

Iskolar ng Bayan, ipagpatuloy natin ang militanteng diwa ni Alyssa Alano!

Tumindig tayo, kasama ang bawat Iskolar ng Bayan, komunidad ng UP, at mamamayang Pilipino para sa tunay na kalayaan, katarungan, at hustisyang panlipunan!

Sumandig tayo sa laban ng mga magsasaka at lahat ng masang-api! Palakasin natin ang boses at pwersang yayanig sa sistemang mapang-api!

Alyssa, ang iyong buhay ay mananatiling isang maningning at matalas na tanglaw para sa bawat Iskolar ng Bayan, na patuloy na mangahas na makibaka at paglingkuran ang sambayanan!

Hustisya para kay Alyssa Alano!
Uphold International Humanitarian Law!
Militar sa Kanayunan, Palayasin!
Inutang na Dugo ng Pasistang Rehimen, Singilin, Singilin, Pagbayarin!

06/04/2026

me: 𝒢𝒪𝒪𝒟𝒩𝐸𝒮𝒮 𝒢𝑅𝒜𝒞𝐼𝒪𝒰𝒮, tapos na holy week!
my mind: Regression Analysis, 𝓪𝓷𝓸, 𝓽𝓪𝓻𝓪? Review sa 136, 🇦​​🇳​​🇴​, ​🇹​​🇦​​🇷​​🇦? Attend tayo tutorial, 🅰🅽🅾, 🆃🅰🆁🅰?

Hey, you! 𝐘𝐄𝐒 👍(っ◔◡◔)っ ♥ YOU ♥ 🫵 Handa ka na ba para sa exam? PWES, mayroong pasabog ang ARC. 𝓣𝓐𝓡𝓐 na at dumalo sa Stat 136 LE2 Tutorial, brought to you by [REDACTED] . Turn your depression into regression now!

WHAT: 𝐒𝐭𝐚𝐭 𝟏𝟑𝟔 𝐋𝐄 𝟐 𝐓𝐮𝐭𝐨𝐫𝐢𝐚𝐥
WHEN: 𝐀𝐩𝐫𝐢𝐥 𝟏𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐅𝐫𝐢𝐝𝐚𝐲) | 𝟓:𝟑𝟎 - 𝟕:𝟑𝟎 𝐏𝐌
WHERE: 𝐔𝐏 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐨𝐟 𝐒𝐭𝐚𝐭𝐢𝐬𝐭𝐢𝐜𝐬 𝐑𝐨𝐨𝐦 𝟑𝟎𝟗
nugagawen: 𝐚𝐭𝐭𝐞𝐧𝐝, 𝐚𝐭𝐭𝐞𝐧𝐝, 𝐚𝐭𝐭𝐞𝐧𝐝!!!

Register below:
https://tinyurl.com/UPVStat136LE2TutorialReg

30/03/2026

Bunsod ng pambobomba ng imperyalistang US-Israel sa Iran at ilan pang bahagi ng Middle East, tuluyang tumaas ang presyo ng langis sa iba’t ibang panig ng mundo. Kasunod nito ang pagsasara ng Strait of Hormuz na dinaraanan ng 20 porsiyento ng global na kalakalan ng langis. Retaliyasyon ito ng huli sa naturang pang-aatake.

Sa kagustuhan ng Estados Unidos na makontrol ang industriya at likas na yaman ng Gitnang Silangan, dumaranas ng napakalaking krisis maging ang Pilipinas ngayon. Bilang importer ng langis at isa ring bansang walang regulasyon ukol dito, lubos na apektado ang mga pangunahing bilihin matapos ang lumulobong gastos sa transportasyon. Mistulang nagka-domino effect din sa halaga ng kuryente na nagtutulak ng mataas na gastusin sa produksyong pang-industriya at agrikultura. Wala ring takas ang lokal na ekonomiya sapagkat bumabagsak din ang piso kontra dolyar gawa ng bumubulusok na paggasta sa importasyon.

Dahil sa pagpapatupad ng Oil Deregulation Law o kawalan ng kontrol ng pamahalaan sa presyuhan ng langis, patuloy na naipapasa ang pasakit sa sambayanang Pilipino. Idagdag pa ang bigat ng Value Added at excise taxes. Ang gobyernong Marcos Jr. ay wala ring malinaw na plano ukol sa magiging kalagayan ng mga Pilipinong apektado ng giyera. Idinadaan lamang ito sa mga band-aid solution gaya ng kakarampot na ayudang hindi naman sumasapat para maitawid ang isang ordinaryong pamilya sa gitna ng krisis na ito. Patuloy ang kasalatan sa isang pangmatagalan at makataong tugon. Binibigyang prayoridad pa ang paglalaan ng pera para sa confidential at intelligence funds, maging counter-insurgency programs kaysa pondohan ang tunay na serbisyo-publiko.

Dulot nito, maigting ang panawagan ng UP Variates na mawakasan ang giyera ng US sa Iran. Mariin din ang aming pangangalampag sa kasalukuyang administrasyong unahin ang kapakanan ng mga Pilipinong apektado ng malawakang krisis at ibasura ang Oil Deregulation Law. Kaisa ang organisasyon sa hiling na maibaba ang presyo ng langis at masuspindi ang mga napakalalaking buwis gaya ng VAT at excise tax. Nararapat na maitulak ang pagsasabansa ng industriya ng langis at malinang ang sariling pagkukunan ng enerhiya mula sa sariling likas na yaman ng bansa.

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Quezon City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address

Room 108, School Of Statistics Cor. T. M. Kalaw Street
Quezon City

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 8am - 5:30pm
Wednesday 8am - 5:30pm
Thursday 8am - 5:30pm
Friday 8am - 5:30pm
Saturday 9am - 5pm