Hugotero
゚viralシ #
Pag alam mong mahal ka ng partner mo, kahit na marunong kang makuntento, 'wag ka pa ring maging kampante. Maraming pwedeng mangyari sa mga oras na mapapabayaan mo ang inyong relasyon. 'Wag ka rin namang abusado kasi magulat ka nalang isang araw pag gising mo sawa na siya sa'yo. Pagod na kakasuyo. At ang masaklap na p'wedeng mangyari ay hindi ka na nya mahal. Pwedeng mangyari ito sa babae man o lalaki. Parehas lang naman kasi eh, nagkakaiba lang sa sitwasyon at sa mga taong involve.
Ano kasi tayo, pag alam nating mahal tayo ng tao, hindi na natin naiisip na nasasaktan din sila. Basta ang nasaisip mo lang, "Mamahalin ako nun kahit ano pa ang gawin ko." May kaunting tama pero sabihin man natin na nangako sya na mamahalin ka niya ano man ang gawin mo at sabihin mo man na mamahalin mo siya panghabang buhay, ang problema kasi wala namang perpektong tao. Lahat pwedeng magkamali ano mang oras niya gustuhin. Choice naman kasi ng tao yun.
Kaya nga diba, kapag naiin-love tayo lagi nilang pinapayo na "Use your BRAIN before your HEART." lisipin mo kung paano mo aalagaan ang yung taong gusto mo. Kasi kung tutuusin iisa lang yan sa mundo. Kaya mo nga siya pinangarap na maging iyo diba? Magkaroon man siya ng mga kamukha, wala ka nang makikita ulit na katulad niya. Ang susunod mo nalang na gagawin ay magpasalamat dahil may nagmamahal sa'yo at tanggap ka. Mantakin mo sa dami ng tao sa mundo na alam naman natin na mas better kaysa sa'yo, ikaw ang pinili niya. Yun bang maging kontento ka nalang sa kung anong mayroon ka para maging masaya. Magiging permanente lang ang lahat sa buhay mo kung marunong ka lang makuntento.
Hindi sigurado ang lahat… pero sigurado ako sa nararamdaman ko sa’yo. 🖤
Part 5
Click here to claim your Sponsored Listing.