Labedo Prints & Design

Labedo Prints & Design

Share

Photos 26/05/2025

BIYAHE TAYO, SA PINAMALAYAN ANG DESTINO

Sakay ng tradisyunal na bangka, dumarating ang mga manlalakbay mula sa Marinduque at Sibale Island (Concepcion, Romblon) sa Pantalan ng Pinamalayan, isang bukas at buhay na lagusan patungong bayan ng Pinamalayan sa Oriental Mindoro. Sa loob ng maraming taon, naging mahalagang ugnayan ang pantalan na ito sa pagitan ng mga isla. Ito rin ang nagsisilbing pinakamabilis ruta o daan mula Romblon at Marinduque patungong mainland ng Oriental Mindoro. Bukod sa pagiging isang sentrong pantalan, ang Pantalan ng Pinamalayan ay sumasalamin sa makasaysayang koneksyon ng mga mamamayan at sa masiglang kultura ng Bayan. Sa bawat alon na dumadapo sa baybayin, hatid nito ang alaala ng kahapon at ang “Pag-asa ng Kinabukasan”. Isa itong buhay na paalala ng pagkakaugnay-ugnay ng mga isla at ang tibay ng pamana at pagkakakilanlan sa kabila ng distansya at alon. Ang Pantalan ng Pinamalayan (Pinamalayan Port) ay sumasalamin sa KONEKSYON, KULTURA, at PAMUMUHAY sa malaparaisong baybayin.

Want your business to be the top-listed Computer & Electronics Service in Pinamalayan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address

Pinamalayan

Opening Hours

Monday 9am - 6pm
Tuesday 9am - 6pm
Wednesday 9am - 6pm
Thursday 9am - 6pm
Friday 9am - 6pm
Saturday 9am - 6pm
Sunday 9am - 6pm