Probinsyanang Raketera
22/07/2026
Nakakalungkot. Nakakagalit. At mapapatanong ka talaga, "𝘽𝙖𝙠𝙞𝙩 𝙥𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙡𝙖𝙡𝙖 𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙡𝙖𝙡𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙨𝙖𝙢𝙖𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙢𝙪𝙣𝙙𝙤?"
Pero ang totoo, hindi na ito bago.
Sa 𝟮 𝗧𝗶𝗺𝗼𝘁𝗵𝘆 𝟯:𝟭–𝟱,
sinabi ni Pablo na sa mga huling araw, darating ang mga panahong 𝙢𝙖𝙜𝙞𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙙𝙚𝙡𝙞𝙠𝙖𝙙𝙤 dahil sa ugali
ng mga tao.
1. 𝙈𝙖𝙨 𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙧𝙞𝙡𝙞 𝙠𝙖𝙮𝙨𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝘿𝙞𝙮𝙤𝙨.
Kapag ang "ako" ang laging nasa unahan, nawawala ang malasakit sa iba. Uunahin ang sariling gusto at kapakanan, kahit may masaktan o may mapahamak.
2. 𝙈𝙖𝙨 𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖 𝙣𝙖 𝙨𝙖 𝙞𝙗𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙚𝙧𝙖 𝙠𝙖𝙮𝙨𝙖 𝙨𝙖 𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮.
Hindi pera mismo ang problema,
kundi kapag 𝘀𝗼𝗯𝗿𝗮 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗺𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹 𝗱𝗶𝘁𝗼.
Kapag pera na ang naging sentro ng puso,
unti-unting numinipis ang konsensya.
3. 𝙐𝙣𝙩𝙞-𝙪𝙣𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙬𝙖𝙬𝙖𝙡𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙬𝙖 𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙡𝙖𝙨𝙖𝙠𝙞𝙩.
Kapag wala nang awa ang puso, parang nagiging normal na lang ang pananakit, panlalamang, at karahasan. Kaya dumarami ang mga krimeng
parang wala nang pakialam sa buhay ng iba.
4. 𝙈𝙖𝙧𝙖𝙢𝙞 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙪𝙠𝙝𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙠𝙖-𝘿𝙞𝙮𝙤𝙨, 𝙥𝙚𝙧𝙤
𝙢𝙖𝙡𝙖𝙮𝙤 𝙣𝙖𝙢𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙪𝙨𝙤 𝙨𝙖 𝙆𝙖𝙣𝙮𝙖.
"𝑴𝒂𝒚 𝒂𝒏𝒚𝒐 𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒃𝒂𝒏𝒂𝒍𝒂𝒏 𝒏𝒈𝒖𝒏𝒊𝒕 𝒊𝒕𝒊𝒏𝒂𝒕𝒂𝒏𝒈𝒈𝒊 𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒑𝒂𝒏𝒈𝒚𝒂𝒓𝒊𝒉𝒂𝒏 𝒏𝒊𝒕𝒐." (2 𝑻𝒊𝒎𝒐𝒕𝒉𝒚 3:5)
Hindi sapat na mukhang relihiyoso lang sa labas.
Ang tunay na pagbabago ay nagsisimula kapag hinayaan nating baguhin ng Diyos ang puso natin.
5. 𝘼𝙣𝙜 𝙡𝙪𝙢𝙖𝙡𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙨𝙖𝙢𝙖𝙖𝙣 𝙖𝙮 𝙥𝙖𝙖𝙡𝙖𝙡𝙖 𝙣𝙖 𝙩𝙤𝙩𝙤𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙎𝙖𝙡𝙞𝙩𝙖 𝙣𝙜 𝘿𝙞𝙮𝙤𝙨.
Hindi ibinigay ng Diyos ang mga babalang ito para takutin tayo, 𝗸𝘂𝗻𝗱𝗶 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗶𝗵𝗮𝗻𝗱𝗮 𝘁𝗮𝘆𝗼. Habang palala nang palala ang mundo, mas kailangan nating
kumapit sa Kanya at mamuhay ayon sa Kanyang kalooban.
Hindi natin kayang pigilan ang lahat ng kasamaan
sa mundo, pero puwede nating piliing huwag hayaang manaig ito sa puso natin. Sa panahong marami ang lumalayo sa Diyos, 𝗽𝗶𝗹𝗶𝗶𝗻 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀 𝗹𝘂𝗺𝗮𝗽𝗶𝘁 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗻𝘆𝗮.🙏 Dahil ang tunay na pag-asa ng
mundong ito ay hindi nasa tao,
kundi kay Jesu-Cristo.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Address
5208