Dear Diary PH
21/10/2025
“Morning reminder: Kung tinatamad ka pumasok, isipin mong may utang ka. Ayan, gising ka na agad. 💸🤣”
20/10/2025
Yung malayo pa sahod pero may nakaipit Palang 500 sa Phonecase mo 😅😅 #deardiaryph #fyp #funnyvideos
14/10/2025
"Inagaw ang Araw Ko!"
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak sa nangyari sa mismong araw ng kasal ko. Ilang buwan kong pinaghandaan, pinaghirapan, at pinangarap ang araw na ‘yon — ang araw na dapat ay tungkol sa amin ng asawa ko.
Pero alam mo ‘yung pakiramdam na parang bigla kang naging extra sa sarili mong pelikula?
Ganun ‘yung naramdaman ko nang biglang nag-propose ang boypren ng best friend kong si Liza , sa mismong gitna ng reception namin.
Habang nag-eenjoy ang mga bisita, bigla siyang lumapit sa stage, kinuha ang mic, at sinabi:
“Since love is in the air, gusto ko ring i-share ang special moment namin…”
Tapos biglang lumuhod ‘yung boyfriend niya at nag-propose.Nag
palakpakan ang lahat. May mga sumisigaw pa ng “Awww!” at “Congrats!”
Pero ako? Nakatitig lang. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.
Doon ko lang napagtanto… hindi man lang niya naisip kung anong disrespect ‘yon.
Araw namin ‘yon — hindi kanya, hindi kahit kanino.
--- C***
14/10/2025
"My Ex and Whys"
Grabe. Sobra na. Hindi ko na kaya ‘yung paulit-ulit mong panggigipit at pagmamando sa buhay ko—na para bang may karapatan ka pa. Ex na kita, pero kung umasta ka, parang pagmamay-ari mo pa rin ako.
Palagi mong sinasabi:
“Bakit di mo ako matanggap ulit?”
“Wala ba akong halaga sa’yo?”
“Mahirap ba akong mahalin?”
Pero tanong ko lang—sino ka pa ba sa buhay ko ngayon?
Sinubukan ko naman maging maayos at magpakatino sa’yo. Hindi dahil may pag-asa pa tayo, o dahil may nararamdaman pa ako. Ginawa ko lang ‘yon kasi ayokong madamay ang mga anak natin sa gulo. Pero bakit mo pa rin pinapahirap ang lahat?
Binabantayan mo bawat galaw ko—mga comment ko, kung sino ka-chat ko, kung anong account ang online. Nagagalit ka pa kapag hindi ako active sa main account ko, kasi akala mo may ibang FB ako.
Ano ‘to, investigator ka? Grabe, parang nawawala ka na sa katinuan.
Tanggapin mo na: hindi ka na bahagi ng buhay ko. Wala ka nang karapatang manghimasok. Kung mabait man ako sa’yo, pasalamat ka na lang. Huwag mong bigyan ng ibang kahulugan.
Ang totoo? Gusto ko nang makalaya.
Ang dami mong iniwang takot at trauma sa akin. Akala ko tapos na, pero andiyan ka pa rin—gumagawa ng fake accounts, ginagamit pa mga page mo para makipag-communicate. Kahit saan ako lumingon, sinusundan mo pa rin ako.
Gusto ko mang komprontahin ka ng harapan, pinipigilan ko ang sarili ko. Kasi alam kong baka gamitin mo ‘yon laban sa akin—baka ipagkait mo pa ang mga anak natin. At hindi ko hahayaang mangyari ‘yon. Mahal ko sila.
Pero malinaw sa akin ‘to:
Tapos na tayo.
Kahit ilang beses mo pa akong habulin, kahit anong drama pa ang gawin mo—hindi na ako babalik. Mas pipiliin ko pang magsimulang muli, kahit paulit-ulit, kaysa bumalik sa impyerno ng sakit, takot, at kontrol.
Sana mabasa mo ‘to. Sana tamaan ka. Sana matauhan ka.
Ang dasal ko? Makahanap ka ng taong tunay na para sa’yo—para tuluyan mo na akong bitawan. Bigyan mo naman ako ng katahimikan.
Goodbye.
Please, let me go.
—The woman you took for granted,
but whlo finally chose peace. 💔
---Vina
11/10/2025
" Babaeng Nilalait Noon"
Noong high school ako, ako ‘yung tipong laging nasa gilid ng classroom — tahimik, maitim, kulot ang buhok, at laging pinagtatawanan.
“Uy, Alyssa! Anong sabon mo? Kulay tsokolate pa rin eh!”
Tawa sila. Ako? Ngiti lang, pero sa loob ko, wasak.
Hindi ako ‘yung tipo ng babaeng hinahangaan. Wala akong branded na bag, wala akong make-up, at lalo na — wala akong kumpiyansa sa sarili.
Pero sabi ko sa sarili ko, darating din ang araw ko.
Pagkatapos ng high school, nagtrabaho ako bilang waitress, tapos sinuwerte — nakapunta ako abroad.
Doon ko natutunang alagaan ang sarili ko:
Tamang skincare, healthy living, confidence, at higit sa lahat, self-love.
Unti-unti, ‘yung babaeng nilalait noon… nagbago.
Pagbalik ko sa Pilipinas para sa reunion, halos hindi ako makilala ng mga dati kong kaklase.
Tahimik bigla ‘yung mga dati kong “kaibigan” na unang bumabatikos sa kulay ko.
Ngayon, sila na ‘yung nagtatago ng pawis at insecurity sa likod ng make-up.
Ako? Nakaupo lang, confident, habang hawak ‘yung designer bag na pinaghirapan ko — hindi para ipagyabang, kundi para ipaalala sa sarili ko kung gaano na ako kalayo mula sa babaeng nilait nila noon.
Hindi ko kailangan ng paghihiganti.
Ang pinakamagandang ganti, ay ‘yung makita nilang masaya ako — kahit wala na silang sinabi. ✨
---Alyssa 28
Click here to claim your Sponsored Listing.
14/10/2025