KPML
15/11/2022
PAHAYAG NG KPML SA TAGUMPAY NG DALAWANG BATANG PINOY
SA PANDAIGDIGANG LARANGAN NG CHESS AT JIU-JITSU
Nobyembre 15, 2022
TAOSPUSONG PAGBATI KINA
BINCE RAFAEL OPERIANO, 9, CHESS GOLD MEDALIST SA THAILAND
AT ALEIA AGUILAR, 5, YOUNGEST WORLD YOUTH JIU-JITSU CHAMPION
Maalab na pagbati ang ipinaabot ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) kina Bince Rafael Operiano, siyam na taong gulang, na nanalo ng gold medal sa Eastern Youth Asia Chess Championship sa Thailand, at Aleia Aguilar, limang taong gulang, na nagwagi sa 2022 Abu Dhabi World Youth Jiu-jitsu Championship.
Hindi na hinintay ng KPML na batiin sila sa Nobyembre 20 - World Children's Day, dahil ngayon pa lang ay ikinagagalak natin ang kanilang tagumpay sa kanilang sport na napili, at naging kinatawan ng Pilipinas sa ibang bansa.
Nakuha ni Bince Rafael Operiano, na Busac, Oas, Albay, ang gintong medalya sa Boys Under 9 category sa Eastern Asia Youth Chess Championship sa Bangkok, Thailand. Siya ang naging kinatawan ng bansa matapos niyang manalo sa National Youth and Schools Chess Championships Grand Finals Boys Under 9 Category, noong Setyembre 16 hanggang 23 na ginanap sa Dapitan City Cultural Sports Complex, Zamboanga Del Norte. Si Operiano ay tinaguriang susunod na Eugene Torre, ang Asia's First Grandmaster ng Pilipinas. Ayon sa National Chess Federation of the Philippines (NCFP), pagkakalooban si Operiano ng status bilang National Master (NM) pagsapit niya ng 10 taong gulang.
Nasungkit ni Aleia Aguilar ang ginto medalya sa kids 1-Under 16 kg sa 2022 Abu Dhabi World Jiu-Jitsu Championships nang matalo niya si Gabriela Vercosa ng Brazil sa huling laban noong weekend sa Jiu-jitsu Arena, Abu Dhabi, United Arab Emirates (UAE). Si Aleia ang bunsong anak nina Alvin Aguilar, na itinuturing na haligi sa mixed martial arts community sa bansa, at dating jiu-jitsu champion na si Maybelline Masuda.
Pinatutunayan ng kanilang pagkapanalo na kung may buong suporta ang kanilang magulang at sport officials ng bansa at dahil sa kanilang pagsisikap at determinasyong manalo sa kanilang sports ay nakamtan nila ang inaasam na kampyonato.
Kaya kami sa KPML ay nananawagan sa ating pamahalaan na bigyan ng buong suporta ang ating mga kabataan, lalo na sa larangan ng palakasan, paligsahan, at patalasan ng isipan upang sa maagang edad pa lamang ay kamtin nila ang tagumpay. Lalo na ang mga batang maralita na nangangarap ring makasali sa mga ganitong larangan.
Mabuhay kayo, Aleia at Bince! Taospusong pagbati!
14/11/2022
PAHAYAG NG KPML SA UNANG DEKADA NG INTERNATIONAL STREET VENDORS DAY
Nobyembre 14, 2022
PAGPUPUGAY SA LAHAT NG NAGLALAKO SA LANSANGAN!
ANG MGA VENDOR AY NABUBUHAY NG MARANGAL!
KABUHAYAN AT KARAPATAN NG MGA VENDOR, IPAGLABAN!
Mahigpit na nakikiisa ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa pagdiriwang ng International Street Vendors Day o Pandaigdigang Araw ng mga Naglalako sa Lansangan.
Ang mga vendor ay namumuhay ng marangal. Gayunpaman, dahil sa minsan ay walang mapwestuhan dahil sa taas ng upa sa palengke, at kulang pa ang kanilang kita kaysa kapital, napipilitan silang ilako ang kanilang paninda at pumwesto sa mga mataong lugar, tulad ng bangketa. Sariling diskarte upang mapakain ang pamilya. Nakakatulong din sila sa ekonomya ng bansa. May pandaigdigang pagkilala sa kanila sa ibang bansa.
Sa ating bansa, hindi pa naisasabatas ang International Street Vendors Day tuwing Nobyembre 14. Subalit sa ibang bansa ay idineklara at inaalala na nila ang araw na ito. Ayon sa pananaliksik, ang International Street Vendor' Day ay sinimulan noong 2012 ng StreetNet International na sumusuporta sa pag-oorganisa sa mga street vendor sa buong mundo upang tugunan ang kanilang mga karaniwang pangangailangan. Napakahalaga nito dahil malaking porsyento ng mga naglalako sa kalye at palengke ay patuloy na nahaharap sa panliligalig at karahasan sa kanilang mga lugar ng pagtatrabaho araw-araw.
Kung ating matatandaan, dalawang dekada na ang nakararaan, nang manalasa ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa pamumuno noon ni Bayani Fernando, kung saan ang mga vendor ay hinahabol ng MMDA upang sunugin ang kanilang mga paninda. Dahil dito, noong Agosto 30, 2002 ay naorganisa ang grupo ng mga vendor na tinawag na Metro Manila Vendors Alliance (MMVA) upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan bilang manininda at bilang tao. Nagdiwang sila ng kanilang ikalawang dekada ng pag-iral ngayong 2022.
Noong panahong iyon, nakapaglabas pa nga ng privilege speech ang dalawang kongresista noong panahong iyon - ang "Fuel for the Fire: Kerosene for a Filipino Holocaust" na talumpati ni Rep. Augusto "Boboy" Syjuco ng 2nd District, Iloilo, noong Agosto 21, 2002, at ang talumpati ni Sanlakas partylist representative JV Bautista, na pinamagatang "Maliliit na Manininda ng Kamaynilaan: Dapat bang Kamuhian o Dapat Tulungan?" noong Oktubre 8, 2003.
Pawang mahahalagang talumpati at dokumento na pagpapatunay na ang mga vendor ay tao rin na hindi dapat kamuhian, kundi bahagi sila ng ating lipunan at may mga karapatang dapat ding igalang.
Sa ngayon, makikita nating maraming maralita ang nabubuhay sa paglalako ng paninda sa kalsada. May mga nakasakay sa bisikletang may sidecar, o kaya'y kariton kung saan naroon ang kanilang mga paninda. Nariyang buhat ng magtataho ang dalawang lalagyan ng taho upang ilibot sa mga komunidad. May mga karitong tulak ng baka. May mga nagtitinda ng sorbetes. Pawang mga naglalako ng paninda nila upang mabuhay ng marangal. Pagpupugay sa kanila ang araw na ito.
Mabuhay ang lahat ng mga street vendor! Mabuhay ang lahat ng mga naglalako sa kalsada! Mabuhay ang Metro Manila Vendors Alliance (MMVA) at iba pang samahan ng mga vendor sa iba't ibang panig ng bansa.
Ngayong International Street Vendors Day, atin silang pagpugayan, dahil nabubuhay sila ng marangal at binubuhay nila ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng sakripisyo, pag-iipon, at pagsisikap.
Mga pinaghalawan:
https://cambodia.oxfam.org/latest/press-release/press-release-9th-international-street-vendors-day-celebration
https://metromanilavendorsalliance.blogspot.com/
https://turnstiletours.com/happy-international-street-vendors-day/
13/11/2022
Headline sa dyaryong Pang-Masa, Nobyembre 13, 2022:
Magkapatid na minor, Ni-rape slay ng amain
Sa Nov 20 ay World Children's Day
at sa Nov 25 ay International Day for the Elimination of Violence Against Women
STOP Violence Against Women and Children (VAWC)!
HUSTISYA SA MAGKAPATID NA BIKTIMA NG R**E SLAY!
13/11/2022
Sa Nobyembre 25 ay International Day for the Elimination of Violence Against Women (Pandaigdigang Araw Upang Mapawi ang Karahasan sa Kababaihan).
ANO ANG NAIS MONG SABIHIN O PANAWAGAN MO O NG INYONG SAMAHAN SA ARAW NA ITO?
Paki-comment po sa ibaba.
Pakipindot ang pic bago magkomento.
Maraming salamat po.
13/11/2022
Hindi pa naisasabatas sa ating bansa ang International Street Vendors Day tuwing Nobyembre 14.
Subalit sa ibang bansa ay idineklara at inaalala na nila ang araw na ito. Sasabay ba tayo? Anong palagay ninyo?
Mabuhay ang lahat ng mga naglalako ng mga paninda sa Nobyembre 14, International Street Vendors Day!
Pakibasa po ang mga detalye sa kawing o link na:
https://www.bloomberg.com/news/articles/2015-11-13/for-international-street-vendors-day-a-look-at-street-vendors-around-the-world
https://cambodia.oxfam.org/latest/press-release/press-release-9th-international-street-vendors-day-celebration
https://grain.org/en/article/6574-international-street-vendors-day-and-the-need-for-collective-struggle
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Address
Pasig City