Pasayph.
18/06/2026
B**G GO SA UMANO’Y ICC WARRANT: “IPINAGPAPASA-DIYOS KO NA LANG ANG LAHAT”
Naglabas ng pahayag si Sen. B**g Go matapos kumalat ang mga ulat tungkol sa umano’y arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) laban sa kanya.
Sa kanyang statement, sinabi ng senador na ipinauubaya na lamang niya sa Diyos ang lahat ng mga nangyayari at iginiit na wala siyang nilabag na batas.
“Ipinagpapasa-Diyos ko na lamang po ang lahat. Buong buhay ko, wala po akong nilabag na anumang batas ng tao o batas ng Diyos.”
Binigyang-diin din ni Go na hindi kailanman naging bahagi ng kanyang mandato ang mga usaping may kinalaman sa operasyon ng pulisya.
“Police matters have never been part of my mandate.”
Kasabay nito, umapela siya na huwag umanong gawing usaping pampulitika ang mga ulat tungkol sa umano’y ICC warrant laban sa kanya.
“I hope and pray na hindi mapupulitika ang issue hinggil sa sinasabing ICC warrant daw laban sa akin.”
Sa kabila ng kontrobersiya, tiniyak ni Go na magpapatuloy siya sa kanyang trabaho bilang senador.
“Umasa po kayo na patuloy lang ako sa aking pagseserbisyo.”
Dagdag pa niya, hindi niya sasayangin ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng milyun-milyong Pilipino.
“Hindi ko sasayangin ang tiwalang ibinigay sa akin ng 27 milyong Pilipino.”
Sa ngayon, mahalagang tandaan na nananatiling alegasyon at hindi pa opisyal na nakukumpirma ang mga ulat tungkol sa umano’y ICC warrant laban kay Sen. Go.
Ctto📷
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Address
Pasay City
1300