Pastor Rene Quimo Jamandre
03/06/2026
Regular Session
(June 2, 2026)
Ang Sangguniang Bayan ay muling nagbigay-pugay sa kahusayan at tagumpay ng ating mga kababayan sa pamamagitan ng paggawad ng Certificate of Commendation sa ating mga bagong g**o na matagumpay na nakapasa sa March 2026 Licensure Examination for Teachers (LET) at ngayo’y ganap nang mga Licensed Professional Teachers (LPT).
Ang kanilang tagumpay ay bunga ng walang sawang pagsisikap, tiyaga, at dedikasyon sa kanilang napiling propesyon. Ang kanilang tagumpay ay hindi lamang personal na tagumpay kundi isang karangalang hatid nila sa kanilang pamilya, barangay, at sa buong Bayan ng San Nicolas.
Kasabay nito, kinilala rin ng Sangguniang Bayan ang iba pang mga awardees na nagbigay ng karangalan at inspirasyon sa ating komunidad sa pamamagitan ng kanilang natatanging tagumpay at kontribusyon sa kani-kanilang larangan. Ang kanilang mga pagkilala ay patunay na ang sipag, disiplina, at determinasyon ay nagbubunga ng tagumpay at nagiging inspirasyon sa iba.
Nawa’y magsilbi silang huwaran sa ating mga kabataan at maging inspirasyon sa lahat na patuloy na mangarap, magsikap, at magtagumpay. Higit sa lahat, nawa’y gamitin nila ang kanilang mga kakayahan at tagumpay upang makatulong sa pag-unlad ng ating bayan at sa kapakanan ng ating kapwa.
Muli, taos-puso nating binabati ang lahat ng mga bagong Licensed Professional Teachers at iba pang mga awardees. Nawa’y patuloy kayong maging ilaw ng kaalaman, huwaran ng kabutihan, at instrumento ng positibong pagbabago para sa ating bayan at sa buong bansa.
26/05/2026
(May 25, 2026)
Patuloy na inilalapit ng Sangguniang Bayan ang pamahalaan sa mamamayan sa pamamagitan ng muling pagsasagawa ng Flying Session sa Barangay SALPAD. Isa itong hakbang upang maging mas bukas, malinaw, at mas mapakinggan ang boses ng bawat mamamayan hinggil sa kanilang mga pangangailangan, mungkahi, at mga suliraning kinakaharap sa komunidad. Sa pamamagitan ng programang ito, nabibigyang-daan ang mas maayos na komunikasyon at pagtutulungan sa pagitan ng pamahalaan at ng mamamayan tungo sa mas progresibo at maunlad na bayan.
22/05/2026
May 19, 2026
Regular Session
Sa pag bukas ng ating sesyon sa araw na ito, ating pinarangalan ang mga kabataang patuloy na nagbibigay ng karangalan sa ating bayan.
Taos-puso nating binabati at kinikilala ang lahat ng mga matagumpay na nakapasa sa Civil Service Examination (CSC), gayundin ang iba pang mga kabataang nagbigay ng karangalan at inspirasyon sa ating komunidad sa pamamagitan ng kanilang mga natatanging tagumpay.
Nawa’y magsilbi kayong inspirasyon sa mas marami pang kabataan upang ipagpatuloy ang pagsisikap, sipag, at dedikasyon para sa kinabukasan ng ating bayan.
Kasunod nito ay ipinagpatuloy ng Sangguniang Bayan ang regular na sesyon para sa pagtalakay ng mga ordinansa, resolusyon, at iba pang mahahalagang usaping may kaugnayan sa kapakanan at patuloy na pag-unlad ng ating bayan. Ang mga panukalang inihain ay masusing pinag-aralan at tinalakay upang matiyak na ang bawat hakbang ay makatutugon sa pangangailangan ng ating mga mamamayan.
Patuloy po tayong nagkakaisa sa pagsusulong ng mga programang makapagbibigay ng mas maayos na serbisyo at magandang kinabukasan para sa bawat mamamayan ng San Nicolas.
Congratulations sa inyong lahat at mabuhay kayo! 🎉
21/05/2026
( May 13,2026)
Ako po ay lubos na nagpapasalamat dahil muli po akong naging bahagi ng programang ito. 💙 Taos-puso rin po akong nagpapasalamat kay Sir John Dale Marzo, gayundin kay Brgy. Captain at sa lahat ng Brgy. Officials,BHW, sa lahat ng nakiisa at tumulong , sa kanilang suporta, pagtitiwala, at pagbibigay ng pagkakataon na makapaglingkod sa ating mga kababayan
Sa Conrado F. Estrella Regioal & Trauma Center , Medical Hospital, kami rin po ay lubos na nagpapasalamat sa kanilang walang sawang suporta, pakikiisa, at pagbibigay ng serbisyong medikal para sa kapakanan ng ating komunidad.
Maraming salamat po sa matagumpay na Medical Mission na ito. Nawa’y patuloy pa po tayong maging instrumento ng pagtulong at malasakit para sa ating komunidad. 🩺✨
10/05/2026
Cheers to all moms this Mother’s Day! 🌹
Your strength, patience, and love make the world a better place.
Thank you for being a source of comfort, hope, and inspiration to your families.
May your day be as wonderful and special as you are. ✨💕
06/05/2026
Regular Session ( May 05 , 2026 )
During the Regular Session, recognition was given to the students who emerged as winners in various competitions. Their achievements reflect not only their talents and skills but also their dedication, perseverance, and commitment to excellence.
The awarding ceremony served as an inspiration to fellow students, encouraging them to strive for success and actively participate in future activities. The council extends its heartfelt congratulations to all the winners and expresses pride in their accomplishments, which bring honor to the community.
May this recognition motivate them to continue pursuing their goals and to use their talents for the betterment of others.
30/04/2026
Flying Session (April 27, 2026) – Brgy. Malico
A Flying Session was successfully conducted on April 27, 2026, at Brgy. Malico. The session aimed to address urgent matters requiring immediate action and attention from the council.
During the session, key concerns within the barangay were discussed, along with proposed solutions to ensure the welfare and continuous development of the community.
The officials present actively participated in deliberations,
demonstrating their commitment to public service and good governance.
The Flying Session concluded with clear resolutions and directives to be implemented promptly for the benefit of Brgy. Malico residents.
27/04/2026
Regular Session ( April 20, 2026 )
Naganap ang ating regular session bilang bahagi ng ating patuloy na serbisyo sa komunidad. Dito, napag-usapan ang mga importanteng concerns, programs, at projects na makakatulong sa ikauunlad ng ating lugar.
As we continue, committed tayo sa maayos, tapat, at makabuluhang pamamahala para sa kapakanan ng bawat isa.
14/04/2026
Regular Session
Sa ating isinasagawang Regular Session,
ipinapaabot namin ang aming taos-pusong pagbati sa lahat ng mga tumanggap ng sertipiko bilang pagkilala sa inyong mga natatanging tagumpay. Ang inyong sipag, tiyaga, at dedikasyon ay tunay na kahanga-hanga at karapat-dapat lamang na parangalan.
Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang lalo pa ninyong pagbutihin ang inyong mga gawain at ipagpatuloy ang pagtahak sa landas ng tagumpay.
Muli, binabati namin kayo—kami ay lubos na ipinagmamalaki ang inyong tagumpay.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Pangasinan
2447