MCPI - Learning Resource Center
16/11/2024
03/05/2022
Pamanang Lokal ng NCCA
Ang buwan ng Mayo ay Pambansang Buwan ng Pamana!
Ang taunang pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Pamana o National Heritage Month ay isinasagawa ngayong taon sa temang "PAMANANG LOKAL: Binhi ng Kulturang Pilipino" bilang pagbibigay diin sa kahalagahan ng pangangalaga at pagsulong ng mga lokal na pamana sa isang komunidad at ang kontribusyon ng mga ito sa paghubog ng pagkakakilalanlang kultural ng mga Pilipino. Layunin din nito na hikayatin ang mga pamayanan na pangalagaan ang kanilang pamanang lokal, matulungan sila sa pagtukoy ng kani-kanilang mga kamanahang kultural, at mapukaw ang kanilang interes sa paglahok sa mga programa ukol sa pangangalaga ng pamana.
Maaaring bisitahin ang listahan ng mga aktibidad sa NHM microsite (ncca.gov.ph/nationalheritagemonth) at maaari rin ninyong i-download ang NHM 2022 Agency Kit sa https://bit.ly/NHM2022AgencyKit.
Makiisa sa Buwan ng Pamana!
Ngayong Mayo na!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
8105