Discover Malabon

Discover Malabon

Share

31/08/2022

Lasa ng pagmamahal, dedikasyon at pangarap ng isang ina sa nakalipas na labindalawang dekada ang patuloy na nagpapasarap ng timpla sa kusinang Pinoy. Tayo’y magbalik-tanaw sa pinag-mulan ng sikat na Rufina Patis sa Malabon.

Ang Rufina Patis ay na-diskubre ng isang may-bahay sa Malabon na si Rufina Salao de Lucas taong 1900. Siya ay isang tindera ng isda na kagaya ng nakararami ay naghahanap rin ng paraan kung paano ma-preserba ang mga natitira. Noong una ay naisipan niyang gawin itong bagoong para sa kaniyang pamilya. Dinudurog niya ang mga isda na hinaluan ng asin at inilalagay ito sa isang banga, doon ay na-diskubre niya ang pampalasang patis na nagbibigay dagdag linamnam sa ating mga katutubong pagkain. Nagsimula siya sa puhunang 50 pesos at mga banga sa kaniyang bahay-kubo. Taong 1941, marami na ang tumangkilik sa Rufina Patis kaya nagdesisyon si Ginang Lucas na gumamit na ng malalaking kahoy na bariles upang gamitin pangsala ang mga ito at maging malinis ang paggawa ng produkto.

Sa pag-lago, at pagbilis ng kanilang produksyon ng Rufina Patis, ito ay nakapasok sa iba’t ibang pamilihan. Hindi kalaunan ay naipatayo ni Ginang Lucas ang unang Processing and Bottling Plant ng Rufina Patis sa C. Arellano Street taong 1957. Sa paglipad ng kaniyang anak na si Jesus S. Lucas sa Estados Unidos taong 1958, nakita niya ang malaking potensyal ng kanilang produkto kung ito ay mailuluwas sa nasabing bansa, lalo na sa mga lugar na kung saan maraming Filipino. Ang Rufina Patis ay nagpasa ng maraming sampol sa Federal Government kaya naman sila ay nabigyang awtorisasyon upang makapagbenta sa American Market.

Noong 1968 ang Rufina Patis ay nagtayo ng kanilang pangalawang Processing and Bottling Plant sa Bonifacio Street corner Naval at dahil dito dumoble and produksyon nila ng patis.

Nakatanggap siya ng parangal sa Business Writers Association of the Philippines (B.W.A.P) mula kay dating Pangulong Carlos P. Garcia para sa kaniyang ‘”Vision, Ingenuity, Industry, Leadership and Determination.” Ginawaran siya ng The Lions Club of Malabon noong 1968 para sa kaniyang kontribusyon sa larangan ng bahay paggawa.

Si Ginang Lucas ay pumanaw noong taong 1961 kaya naman ang kaniyang anak na si Jesus Lucas ang nagpatuloy ng kanilang negosyo at naging General Manager ng kumpanya.

29/08/2022

Pagpupugay sa ating mga Pambansang Bayani.

8.29.22

Photos from Discover Malabon's post 24/08/2022

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan. Ating tuklasin ang nakaraan na nagbigay ng mayamang kultura sa kasalukuyan.

Ngayong ika-24 ng Agosto, ipinagdiriwang natin ang kapistahan ng Santo at Simbahan ng San Bartolome. Makasaysayan ang simbahang ito dahil bukod sa ito ay higit apat na daang taon na mula ng ito’y maitatag, ang kapistahan ng San Bartolome ay may malaking ambag sa pag-aaklas ng mga Katipunero laban sa mga Kastila.

Noong 1896, nagpatawag ng pagpupulong ang Supremo ng Katipunan na si G*t Andres Bonifacio, at dahil ang mga kastila ay naghigpit upang maiwasan ang pag-aaklas ng mga Pilipino laban sa kanila. Ang kapistahan ay naging daan ng mga katipunero upang maisatuparan ang kanilang plano na magdala ng tabak (bolo) na hindi makukuwestiyon ng mga nagbabantay na kastila at masabing sila ay nakikiisa lamang sa Kapistahan ni San Bartolome. Dahil ang santo ay kilala sa pagdadala ng tabak at bibliya na siyang sumisimbolo sa kanyang katapangan at pagnanais na mapalawig ang pagkilala sa kristiyanismo, kaya naman ang kapistahan ay hindi lang kilala sa makasaysayang pagkakatatag nito kundi pati narin sa kaganapan na siyang nagbigay buhay sa pag-laya natin sa mga Kastila.

Neto lamang ika-11 ng Agosto 2022 ay itinanghal bilang “Important Cultural Heritage” ang San Bartolome Church ng National Musem of the Philippines, nakasaad rin bilang “Important Cultural Property” na mapangalagaan sa bisa ng batas R.A 10066 o “National Cultural Heritage Act” ang naturang simbahan.

Photos from Malabon City Government's post 17/08/2022
07/06/2022

Congratulations to the winners of Culinary Contest: Malabon's Best Lugaw!

The CTCAO awarded the winners yesterday at the 6th Floor Session Hall.

Congratulations to:
1st Winner: Lola Ching's Lugawan in Barangay Dampalit
2nd Winner: Loida's Lugawan in Barangay Tugatog
3rd Winner: Reynaldo's Lugaw na Dilaw in Barangay Hulong Duhat

We are excited for our upcoming projects with the winners!

07/06/2022

📣Announcing the NCCA Gallery’s Call for 2023 Exhibition Proposals

📌Period of Submission: 15 June 2022 – 15 August 2022

The National Commission for Culture and the Arts (NCCA) will be opening applications for the Call for 2023 Exhibition Proposals on 15 JUNE 2022.
All chosen exhibitions shall be executed with the support of the NCCA.

📌Eligibility
Open to any Filipino citizen or any group or institution based in the Philippines.

📌Application Procedures
All applications will be accepted only through the provided Google Forms link that will be available on 15 June 2022.
1. State your Exhibition Title, Preferred Month of Exhibition, Type of Exhibition (Solo or Group), Name of Applicant (Solo or Group), and a Contact Person with their details;
2. Curatorial Brief;
3. Statement of the artist/s about the exhibition;
4. Artist/s portfolio inclusive of updated bio data, photos of sample artworks with details, and any previous write-up about the artist/s. Only up to FIFTEEN (15) pages of attachments shall be considered.

📄For more information on the 2023 Call for Exhibition Proposals, visit: https://ncca.gov.ph/2022/05/31/ncca-announces-2023-call-for-exhibition-proposals/

🔗See our 2022 Exhibits here: https://bit.ly/NCCAGallery

✉️For any questions and/or concerns, please contact: [email protected]

Want your establishment to be the top-listed Arts & Entertainment in Malabon?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Art

Culinary Team

Attire

Website

Address


Malabon