Strada al Successo
"Magmamahal ka na nga lang, sa teacher pa". Yes, inlove na inlove ako sa teacher ko. Well, siguro normal lang naman yun saating mga estudyante. Nakaka inspire lang pumasok lagi, makinig, pumunta sa front seat at makipag eyes to eyes sa kanya. Haaayy, sana naging kasing age ko si ma'am nang maligawan. ππππ
nevermore
2017
"Confession of a son"
Tatay, haligi ng tahanan ang tawag natin sa kanila. Sya dapat ang gumagabay sa anak nya. Sya dapat ang sumusuporta sa pamilya nya.
Naiinggit ako sa iba, sa may mga tatay na responsable. Yun bang kapag hihiling ka sa kanya ng isang bagay ay gumagawa sya agad ng paraan?. Yung mga tatay na kakargahin ka at ipapasyal ka? yung tatay na sinisigurong magiging isa syang magaling na modelo sa kanyang mga anak?.
Kasi sakin iba, hindi ito ang tatay na nakita ko sa paglaki ko. Kasi si papa nagtatrabaho ng mabuti, nagtatrabaho ng mabuti hindi dahil para samin kundi para sa bisyo nya. Yung bang tipo na kapag uuwi ako ng bahay ay pulutan at alak agad ang makikita mo. Tapos pagdating sa pagkain ay hindi sya nagpapaubaya, okay lang sa kanya na hindi kami kumain basta sya oo. Sa totoo lang? San kaya pwede makahanap ng tatay na pwede ipamalit sa kanya no? Naaawa ako sa sarili ko pati na sa sarili ko, lalong lalo na kay mama. Nagagalit sya sakin kahit wala ako ginagawang kasalanan. Minumura nya ko, pinagtataasan ng boses.
Kung mayaman lang ako? mas gugustuhin kong lumayo nalang kami at mahiwalay sa kanya. Kasi sa ngayon puro sama ng loob ang nararamdaman ko pag nakikita ko sya. Siguro sasabihin nyo na mabuti nga ako may tatay. Gusto mo ba na makipagpalit sakin? kasi willing ako :). Aayusin ko ang sarili ko para kay mama at sa mga kapatid ko. Para kapag nakapagtapos ako ay mabibigyan ko sila ng magandang buhay na hindi kailanman binigay ni papa. Kaya kayong may mga mabubuting magulang, alagaan nyo sila :).
nnhs student.2017
"Restart"
Admin sana ma post ito. Alam nyo kasi matagal na akong ginugulo ng konseptong ito eh. Bata pa lang ako eh madami na akong naiisip kung anong mangyayari kapag namatay tayo. Alam nyo yun? Kung ano ba mangyayari satin pag nawala na ba tayo sa mundong ginagalawan natin. Sa totoo lang bago ko pa nalaman ang "reincarnation" when I was in grade 8 ay dati ko na itong naisip noong grade 6 palang ako. Na amaze nga ako na nag eexist pala yung idea kong yun. So eto na, ngahon ginugulo nanaman ako ng bagong konseptong ito. Pano kung pag namatay tayo ay babalik ulit tayo sa oras na tayo ay ipinanganak. Time repeats itself. Pano kung naka fixed na yung mga mangyayari satin. Kaya yung mga namatay nang tao ay mabubuhay ulit sa past at mamamatay in the same way na nangyari sa kanya dati. Nakuha nyo?. Well naniniwala naman ako sa rebirth. Just sharing. :)
STEM
2017
Congrats sa mga Completers natin ππ s/y 2016-2017 βΊπππ
Click here to claim your Sponsored Listing.