AGOS
24/03/2026
Ito na ang huling bahagi, ngunit muling magdaragdag ng sapat na kaalaman.
Sa kasalukuyang panahon na ating nararamdaman, tiyak na inyong iisipin na ito ay dapat hindi muna dapat pag-usapan. Ngunit, ang mga ganitong bagay o impormasyon ba ay dapat lang na maitaon sa panahon ng tag-ulan o pag-baha? Kung ito pa rin ang iyong alam o pananaw, dapat mo na itong tapusin, ka-AGOS.
Para sa huling impormasyong ito na hatid ng AGOS, naway magsilbing paalala ito sa bawat residente ng Barangay Sto. Niรฑo 2nd na ang kahandaan at pagkakaroon ng kaalaman patungkol dito ay hindi lamang dapat itaon sa panahon, bagkus dapat sa pang araw-araw dahil tiyak na ang mga kaalaman o impormasyong ito ang magsasalba sa atin sa kapahamakan.
Muli, sabay na maki-AGOS tungo sa isang mas ligtas, handa, at payapang komunidad!
Ito ang AGOS na nagpapaalala, ang kaligtasan at kahandaan ay nagsisimula sa ating mga sarili.
Maraming salamat, ka-AGOS!
Isinulat ni Nickole Alonzo
Isinianyo nina Keizha Pascual at Nickole Alonzo
19/03/2026
๐๐๐๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ ๐ญ๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฅ๐ข๐ค๐๐ฌ
Sa panahon ng sakuna tulad ng pagbaha, napakahalaga ng maagap at organisadong paglikas upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa. Upang magabayan ang komunidad ay mahalaga ang paggamit ng evacuation map na nagpapakita ng mga ligtas na ruta at mga itinalagang evacuation centers.
Sa pamamagitan nito, mas napapadali ang pagdedesisyon kung saan at paano lilikas ang mga residente, lalo na sa oras ng emergency. Nakakatulong din ito upang maiwasan ang kalituhan at mabawasan ang panganib sa daan. Ang pagkakaroon ng kaalaman at paghahanda ay susi sa mas ligtas at mas maayos na paglikas.
Source: Brgy. Sto Nino 2nd San Jose City, Nueva Ecija
Isinulat ni Jamela Ramos
Isinianyo ni Maxine Galvan
19/03/2026
AGOS NG PAGKATUTO | 08
โPangangalagaโ
Mga ka-AGOS, mahalagahg tandaan na ang kaligtasan ng bawat isa at nagsisimula sa pagkakaroon ny tamang kaalaman at kahandaan upang maiwasan ang kapahamakan. Sa panahon ng sakuna tulad ng pagbaha, mahalagahg alam ng bawat residente na ang pagkakaroon ng malasakit sa ating kapaligiran ay nagsisilbi nating proteksyon sa ano mang sakuna na dulot ng pagbaha.
Sa ating ikahulint episode sa Floodline Radio Talk na pinamagatanf "Sama-samang Pagbangon Pagkatapos ng Baha" ating pinag-usapan ang kahalagahan ng ating partisipasyon bilang mamamayan upang mapanatili anf kaligtasan ng ating komunidad sa panahon ng pagbaha. Sa gabay ng ating butihung Resource Speaker na nagmula sa saknong ng College of Science at sa kanilang mga programang nagpapatupad ng kaayusan at kalinisan ng kapaligiran ay mas nagiging habda ang mga residente sa mga possibleng panganib na dulot ng pagbaha.
Tandaan mga ka-AGOS, ang sapat na kaalaman at maagang paghahanda ay mahalagang sandata upang maiwasan ang mas malaking pinsala at mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa. Sa pamamagitan ng pagiging handa at pagkakaroon ng disiplina at malasakit aynagiging gabay natin ito tungo sa ligtas na pamayanan.
๐ Sang-ayon Ako
โค๏ธ Makabuluhan
๐ Aliw Pero May Aral
๐ฎ May Bagong Pananaw?
๐ฅ Masakit Pero Totoo
๐ก Hindi Ako Sang-ayon!
Maraming Salamat, Ka-AGOS!
18/03/2026
๐๐๐ค๐ง๐จ๐ฅ๐จ๐ก๐ข๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ก๐ ๐๐ญ ๐๐จ๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง
Kapag dumarami ang basura, lalo na sa mga daluyan ng tubig, tumataas ang panganib ng pagbaha at paglala ng polusyon sa kapaligiran. Kaya mahalaga ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya na makatutulong sa paglilinis ng ating mga daluyan ng tubig.
Isa ang automated trash rake na maaring maging solusyon upang maiwasan ang pagbaha. Tumutulong ito sa awtomatikong pagkuha ng mga basurang naiipon sa tubig upang maiwasan ang pagbabara na nagiging sanhi ng pagbaha.
Source: DOST Regional Office No. IX https://www.facebook.com/share/p/18EN9niZdM/
Isinulat ni Jamela Ramos
Isinianyo ni Nickole Alonzo
๐๐๐ข๐ข๐๐๐๐ก๐| EPISODE 8: Sama-samang Pagbangon Pagkatapos ng Baha
17/03/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐-๐๐๐๐!
Mga ka-AGOS, handa na ba kayong muling bumangon matapos ang pinsalang dulot ng baha? Alam niyo na ba ang mga hakbang upang makabangon at makapagsimula muli ang ating komunidad?
Sa โSama-samang Pagbangon Pagkatapos ng Baha,โ tatalakayin natin ang kahalagahan ng pagtutulungan at tamang hakbang sa pagbangon matapos ang sakuna. Dahil sa sama-samang pagkilos, mas napapadali ang paghilom at pagbangon ng bawat isa.
Kaya samahan sina Host Cee at Host Jam kasama ang ating espesyal na Resource Speaker sa isang makabuluhan at napapanahong talakayan tungo sa mas matatag at handang komunidad!
๐๏ธ March 18, 2026 (Miyerkules)
โฑ๏ธ 10:30-11:00 AM
๐ป Live sa Radyo CLSU
Tandaan, ka-AGOS, sa bawat pagsubok ay may pagbangon kaya sabay-sabay tayong Aangat nang may sapat na Gabay at Oras tungo sa isang komunidad na nagtutulungan sa pagSagip sa kapwa!
๐๐ง๐ ๐๐ญ, ๐๐๐๐๐ฒ, ๐๐ซ๐๐ฌ, ๐๐ญ ๐๐๐ ๐ข๐ฉ
Mga ka-AGOS, alam niyo ba kung paano muling makabangon matapos ang pinsalang dulot ng baha?
Halinaโt samahan niyo kaming alamin ang mga hakbang at paraan upang makabangon ang ating komunidad matapos ang sakuna. Tandaan mga ka-AGOS, ang pagtutulungan at pagkakaroon ng sapat na kaalaman ay malaking tulong upang muling makapagsimula at mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa.
Kaya naman, ano pang hinihintay niyo? Halina at maki-tune in sa aming ika-walo at huling episode ng Floodline Radio Talk na pinamagatang โSama-samang Pagbangon Pagkatapos ng Baha.โ
๐๏ธ March 18, 2026
โฑ๏ธ 10:30โ11:00 AM
๐ป Live sa Radyo CLSU
Abangan!
16/03/2026
๐๐๐ฅ๐ข๐ง๐'๐ญ ๐ฆ๐๐ค๐ข-๐ข๐ฌ๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ข๐ฌ ๐ง๐ ๐ค๐๐ฉ๐๐ฅ๐ข๐ ๐ข๐ซ๐๐ง!
Malaking tulong ang pagsasagawa ng linguhang clean-up drive sa iba't ibang Barangay ng ating komunidad upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan. Kaya halinat maki isa at sama-samang alisin ang mga basura sa ating kapaligiran upang maiwasan ang mga problemang dulot nito kagaya ng pagbaha sa ating paligid.
Ang pakikilahok sa mga gawaing pangkomunidad ay isang malaking hakbang upang mapanatili ang kalinisan, kaligtasan, at maayos na pamantasan. Kaya halina't maki-isa, makibahagi ng pagbabago. Sama-sama nating panatilihing malinis at maayos ang ating paligid.
Source: DILG National Capital Region https://ncr.dilg.gov.ph/barkada-program-launched-to-push-community-based-cleanup-drives/
Isinulat at Isinianyo nina Cyrene Agustin at Nickole Alonzo
13/03/2026
๐๐ข๐ ๐ญ๐๐ฌ ๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ง๐ ๐ก๐๐ฒ๐จ๐ฉ
Kapag dumarating ang malalakas na bagyo, hindi lamang kaligtasan ng tao ang dapat isipin kundi pati na rin ang kapakanan ng ating mga alagang hayop. Tulad ng tao, sila rin ay nangangailangan ng paghahanda upang manatiling ligtas sa gitna ng sakuna.
Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman, maiiwasan ang panganib at masisiguro na sila ay ligtas sa oras ng kalamidad.
Kaya ating alamin ang mga dapat gawin upang maprotektahan ang ating mga alagang hayop.
Source: Pangasinan PDRRMO https://www.facebook.com/share/1D28GtsZSu/?mibextid=wwXIfr
Isinulat at Isinianyo nina Jamela Ramos at Keizha Pascual
12/03/2026
AGOS NG PAGKATUTO | 07
Mga ka-AGOS, mahalagang tandaan na ang kaligtasan ng bawat isa ay nagsisimula sa tamang kaalaman at kahandaan. Sa panahon ng sakuna tulad ng pagbaha at malalakas na bagyo, napakahalaga na alam ng bawat residente kung ano ang mga dapat gawin upang maprotektahan ang kanilang sarili, pamilya, at komunidad.
Sa ating ikapitong episode na pinamagatang โAgos ng Kahandaan: Gabay sa Ligtas na Pamayanan,โ ating tinalakay ang mahahalagang gabay upang mapanatili ang kaligtasan ng komunidad sa panahon ng sakuna. Sa tulong ng mga impormasyon at programa mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), mas nagiging handa ang mga residente sa mga posibleng panganib na dulot ng pagbaha.
Tandaan mga ka-AGOS, ang sapat na kaalaman at maagang paghahanda ay mahalagang sandata upang maiwasan ang mas malaking pinsala at mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa. Sa pamamagitan ng pagiging handa nagiging gabay natin ito tungo sa ligtas na pamayanan.
๐ Sang-ayon Ako
โค๏ธ Makabuluhan
๐ Aliw Pero May Aral
๐ฎ May Bagong Pananaw?
๐ฅ Masakit Pero Totoo
๐ก Hindi Ako Sang-ayon!
Maraming Salamat, Ka-AGOS!
๐๐๐ข๐ข๐๐๐๐ก๐ | Agos ng Kahandaan: Gabay sa Ligtas na Pamayanan
10/03/2026
๐๐๐๐๐๐๐ 7 ๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐-๐๐๐๐!
Mga ka-AGOS, gaano nga ba tayo kahanda kapag may paparating na sakuna tulad ng baha at bagyo? Alam mo ba ang mga hakbang na dapat gawin upang mapanatiling ligtas ang ating sarili, pamilya, at komunidad?
Sa โAgos ng Kahandaan: Gabay sa Ligtas na Pamayanan,โ tatalakayin natin ang kahalagahan ng tamang kaalaman at paghahanda sa panahon ng sakuna. Dahil ang isang komunidad na handa ay komunidad na ligtas.
Kaya samahan sina Host Mylene at Host Keizha kasama ang ating espesyal na Resource Speaker mula sa CDRRMO, Ma'am Sheridan Lindain, sa isang makabuluhan at napapanahong talakayan para sa isang mas handa at ligtas na pamayanan!
๐๏ธ March 11, 2026 (Miyerkules)
โฑ๏ธ 10:30-11:00 AM
๐ป Live sa Radyo CLSU
Tandaan, ka-AGOS, sabay-sabay tayong Aangat nang may sapat na Gabay at Oras tungo sa isang komunidad na handang Sumagip sa oras ng panganib!
๐๐ง๐ ๐๐ญ, ๐๐๐๐๐ฒ, ๐๐ซ๐๐ฌ, ๐๐ญ ๐๐๐ ๐ข๐ฉ
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Muรฑoz
4031