MOO Mercedes
04/03/2026
25/02/2026
𝐅𝐃𝐒 𝐟𝐨𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡 | 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐭𝐮𝐭𝐨 𝐬𝐚 𝐑𝐞𝐬𝐩𝐨𝐧𝐬𝐚𝐛𝐥𝐞 𝐚𝐭 𝐌𝐚𝐚𝐲𝐨𝐬 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐛𝐚-𝐛𝐮𝐝𝐠𝐞𝐭 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐠-𝐢𝐢𝐦𝐩𝐨𝐤
Sa isinagawang Family Development Session (FDS) ngayong buwan sa bayan ng Mercedes, mas pinalalim ang kaalaman ng ating mga 4Ps beneficiaries tungkol sa tamang pagba-budget at pag-iimpok.
Isa sa mga pangunahing gawain sa FDS ngayong buwan ay ang paggawa ng cash flow, kung saan natutunan ng mga kalahok kung paano ilista at suriin ang kanilang kita at gastusin. Sa pamamagitan nito, mas malinaw nilang nakita kung saan napupunta ang kanilang pera at paano makakapaglaan ng ipon para sa pangangailangan at emergency.
Bilang bahagi ng FDS, ilang piling kalahok ang nagbahagi ng kanilang mga natutunan sa ating “Pulot of the Day.” Ibinahagi nila ang kanilang realizations tungkol sa pag-prioritize ng needs kaysa wants, pag-iwas sa hindi kinakailangang gastos, at ang kahalagahan ng paglalaan ng kahit maliit na halaga para sa ipon.
Ang bawat kwento at insight ay patunay na ang tamang kaalaman at gabay ay nagbubunga ng mas responsableng pagdedesisyon para sa kapakanan ng pamilya.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
4601
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |