KATSU MOTO

KATSU MOTO

Share

Photos from KATSU MOTO's post 26/09/2025

TINGNAN: Puspusan ang isinasagawang road-clearing operations ng mga kapulisan mula sa Masbate 2nd Provincial Mobile Force Company sa kahabaan ng Cataingan–Pio V. Corpus Road sa bayan ng Cataingan, Masbate.

Hindi alintana ng mga pulis ang hirap at panganib habang tinutulungan nilang alisin ang mga nagkaharang na puno at debris upang muling madaanan ang mga pangunahing lansangan.

Sa mga karatig-bayan, nagpapatuloy rin ang malawakang paglilinis at pag-aalis ng mga nakaharang sa kalsada, bagay na pinangungunahan at binabantayan ng mga awtoridad. Marami pa ring kalsada ang sarado bunsod ng mga nabuwal na puno at iba pang iniwang pinsala ng nagdaang Bagyong Opong.

Tiniyak ng pulisya na magpapatuloy ang kanilang pagtutok upang maibalik ang normal na daloy ng trapiko at masigurong makarating agad ang tulong sa mga apektadong komunidad.

Photos from KATSU MOTO's post 26/09/2025

Mga iilan lang ito sa Pinsala na dinulot ng Bagyo dito sa Lungsod ng PLACER,MASBATE

Want your business to be the top-listed Media Company in Masbate?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address

Masbate
5600