Tito Bro
11/05/2026
Minsan hindi natin napapansin…
si mama pala yung unang gising
at huling natutulog.
Siya yung tahimik na nagluluto,
naglalaba,
nag-aalaga,
nag-aalala…
kahit pagod na pagod na rin siya.
Habang lumalaki mga anak,
akala nila normal lang lahat.
Normal yung may pagkain.
Normal yung malinis na damit.
Normal yung may yakap pag masakit ang mundo.
Pero pag tanda nila…
doon nila maiisip na
hindi pala basta ‘normal’ yun.
Pagmamahal pala yun ng isang nanay.
Kaya nakakataba ng puso makita na
yung dating mga batang inaalagaan niya…
sila naman ngayon yung nagbibigay bulaklak
at nagsasabi ng
Thank you Ma.
Sa lahat ng nanay na tahimik lang nagsasakripisyo araw-araw… salamat po.
03/05/2026
Habang lumalaki ako, simple lang yung paulit-ulit na pinapakita sa’kin…
Hindi kailangan engrande.
Hindi kailangan perfect yung lugar.
Basta may pagkain, may kwentuhan, at may kasama
yun na yung “complete.”
Minsan sa hapag,
minsan sa likod-bahay,
minsan sa bahay ng kamag-anak…
at ngayon, kahit sa Disneyland pa.
Funny how yung mga ganitong maliliit na sandali,
yun pala yung pinaka-tumatatak.
Hindi mo maaalala kung saan…
pero maaalala mo kung sino yung katabi mo.
Hindi yung lugar ang nagiging espesyal…
kundi kung sino yung kasama mong lumalaki sa bawat sandali.
25/04/2026
Hindi naman ito espesyal na gabi.
Walang okasyon.
Walang handa na planado.
Pero kumpleto kami.
Habang kumakain, may nag-aabot ng baso.
May nagmamadali kumuha ng ulam.
May tumatawa lang sa gilid.
Ganun lang.
Simple.
Pero napansin ko…
Hindi na palaging ganito.
May kanya-kanya nang schedule.
May lakad.
May sariling mundo na unti-unting binubuo.
At darating yung araw… hindi na sila sabay-sabay uupo sa mesa.
Kaya kapag nagkakasabay ulit sa mesa…
Hindi na siya ordinaryo.
Tahimik lang.
Pero buo.
Araw-araw hindi natin hawak.
Pero habang nandito sila sa harap mo…
kumakain, tumatawa, nag-aagawan ng ulam…
Sapat na yun.
Ganito lang talaga sa bahay namin.
20/04/2026
May nagluluto…
may nagpapatugtog…
may kumakain kahit hindi pa tapos yung ulam.
May music sa kusina,
may kalat sa counter.
Ganun lang talaga.
Ganito kami pinalaki.
Hindi naman kailangang planado.
Kasi minsan,
yung ganitong gulo…
ito na yung ayos.
Hindi dahil malinis.
Kundi dahil kumpleto.
12/04/2026
Salamat Lord… sa mga ganitong pagkakataon.
Pero kung tutuusin,
hindi yung concert ang pinaka-maaalala ko.
Yung biyahe.
Yung tawanan sa sasakyan.
Yung simpleng pagkain na sabay-sabay, kahit magulo minsan.
Mas lalo na…
makita ko ‘to sa mata ng mga anak ko.
Doon mo talaga marerealize
hindi sa laki ng event ang saya,
kundi sa mga simpleng sandali kasama ang pamilya.
Doon talaga ang saya.
Handa na kami ng barkada ko sa Bruno Mars parade bago ang concert.
Mas masaya talaga kapag magkakasama.
06/04/2026
Kahit ngayon…
mata pa rin ni Tatay ang unang nakakakita
kung saan ako kulang.
Kahit sa simpleng paghuhugas ng pinggan.
Salamat po, Tay…
sa mga turo na hindi natatapos.
Kung may pamilyang nagmamahal sa’yo,
may pagkain sa mesa,
at may bubong sa ulo mo…
sapat na ‘yan.
Pinagpala ka na.
05/04/2026
Tatlong henerasyon sa iisang sala.
May konting sayaw.
May tawanan.
May batang pinapasa-pasa.
Ganito lang talaga…
Kapag inuuna ang Diyos,
kusang buo ang pamilya.
Tonight, sabay-sabay tayo.
Simple prayer lang.
For the family.
For the kids.
For our parents.
If may pinagdadaanan ka,
you can join.
Hindi kailangan perfect.
Basta present.
Araw-araw lang.
Ganun lang.
Hindi lahat dinadaan sa salita.
Mas madalas,
nakikita lang nila kung paano ka kumilos.
Tapos ginagaya na nila.
Kaya minsan,
dun sila natututo.
Click here to claim your Sponsored Listing.