Uro Guide PH
03/09/2025
Reminder!
September is Prostate Cancer Awareness Month π©΅
Ang Setyembre ay itinakdang Buwan ng Pambansang Kamalayan sa Prostate Cancer upang itaas ang kaalaman tungkol sa isa sa mga pangunahing uri ng kanser na nakaaapekto sa kalalakihan.
π Ano ang Prostate Cancer?
Ito ay uri ng kanser na nabubuo sa prostate gland β isang bahagi ng reproductive system ng mga lalaki. Karaniwang mabagal ang paglago nito, ngunit maaari itong maging seryoso kung hindi ito maagapan.
π Sino ang Nanganganib na magkaroon nito?
- Lalaki na edad 50 pataas
- May kapamilya na nagkaroon ng prostate cancer
- Hindi sapat na pisikal na aktibidad at hindi malusog na pamumuhay
β
Paano ito Maagapan?
- Regular na pagpapasuri (PSA test at digital re**al exam)
- Malusog na pagkain at ehersisyo
Kumonsulta sa iyong doktor o magpunta sa pinakamalapit na health center upang maprotektahan ang sarili laban sa panganib ng prostate cancer.
π©Ί Maagang Pagsusuri, Buhay ay Masisiguro!
Huwag ikahiya ang pagpapatingin! Ang kalusugan mo ay mahalaga. Suportahan ang kampanya laban sa prostate cancer!
30/07/2025
Alamin ang Maagang Babala ng Prostate Cancer!
Ang prostate cancer ay maaaring tahimik sa simula, ngunit may mga sintomas na hindi dapat balewalain. Alamin ang mga palatandaan at agad magpatingin kung nararanasan ang alinman sa mga ito.
π Maagang kaalaman, maagang aksyon!
π Sundan ang Uro Guide PH para sa mas marami pang impormasyong pangkalusugan ukol sa ihi at ari ng lalaki.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Manila