Philippines Watch

Philippines Watch

Share

11/07/2026

HABAGAT, PATULOY NA HUMAHAMPAS SA CALAMIAN ISLANDS! ⛈️

UPDATE: Simula kagabi pa ay hinahampas pa rin ng makapal na kaulapan ng ang sa . Kasali sa Calamian Group of Islands ang , Palawan.

Maging alerto sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

📸: Himawari-9 Enhanced IR

11/07/2026

IPO-IPO O WATERSPOUT, NAMATAAN SA PAYAO, ZAMBOANGA SIBUGAY

PANOORIN: Nakuhanan ng video ni Sumalinog Ding ang isang posibleng waterspout o ipo-ipo na nabuo sa dagat ng Barangay Poblacion, Payao, Zamboanga Sibugay nitong Biyernes, July 10, 2026.

Makikita sa bidyo ang malakas na ikot ng hangin na umabot sa bahagi ng komunidad, kung saan ilang bubong ang napaulat na natangay o lumipad dahil sa lakas ng hangin.

Ayon sa mga ulat, posibleng may kaugnayan ang pagbuo ng nasabing weather phenomenon sa pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat, na nakakaapekto sa kanlurang bahagi ng Mindanao dulot ng epekto ng Bagyong Inday (Bavi).

Patuloy pang inaalam ang kabuuang pinsala at epekto sa mga residente ng lugar.

Video: Sumalinog Ding

Photos from Philippines Watch's post 11/07/2026

HABAGAT, TULOY-TULOY NA HUMAHAMPAS SA ROMBLON, MATINDING BAHA, SINALUBONG ANG ODIONGAN AT ALCANTARA! 🙏

Patuloy na nakararanas ng masamang panahon ang lalawigan ng Romblon dahil sa walang humpay na pag-ulan dulot ng na pinalalakas ng Typhoon , na dating si Bagyong .

Sa Alcantara, inabot na ng matinding pagbaha ang Barangay Gui-ob at maging ang national road sa Barangay Madalag, habang sa Odiongan ay pansamantalang isinara ang Barangay Claro M. Recto Bridge sa kahabaan ng Recto–Odiongan Road matapos itong bahain at maging hindi na madaanan ng mga sasakyan.

Pinapayuhan ang mga residente at motorista na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng mga lokal na awtoridad habang nagpapatuloy ang banta ng pagbaha sa lalawigan.

📷 Rodel Faculan | PIA MIMAROPA

🙏🌧️

Photos from Philippines Watch's post 11/07/2026

BAHA SA ROMBLON 🌊⚠️

LOOK: Patuloy na lumalala ang pagbaha sa ilang bahagi ng Romblon dahil sa walang humpay na pag-ulan dulot ng na pinalakas ng Bagyong .

Inabot na ng baha ang national road sa Barangay Madalag, Alcantara, Romblon, habang hindi rin madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan ang Barangay Claro M. Recto Bridge sa kahabaan ng Recto–Odiongan Road sa Odiongan, Romblon dahil sa mataas na tubig-baha.

Pinapayuhan ang mga motorista at residente na umiwas muna sa mga apektadong lugar at manatiling alerto sa posibleng karagdagang pagbaha.

📸: PIA MIMAROPA

11/07/2026

60-ANYOS NA SENIOR CITIZEN SA ILOILO, BINARIL HABANG NATUTULOG

BREAKING NEWS: Nasawi ang isang 60-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang natutulog sa terrace ng kanilang tahanan sa Brgy. Cabunga, Passi City, Iloilo.

Agad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga awtoridad upang matukoy at madakip ang salarin. Patuloy ding iniimbestigahan ng pulisya ang posibleng motibo sa insidente.

Maaaring maharap sa kasong murder ang suspek kapag nakilala at naaresto.

📷: via April Cuesta, News5 Stringer

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address

Manila
Manila