Sulat Ni Robs

Sulat Ni Robs

Share

17/08/2025

Abandonado

Sa liwanag na nilalakaran ko
Ay may nakabuntot na anino,
At sa bawat anino
'Yan ang dilim na bumabalot sa sarili kong mundo.

Ni hindi ko makita ang natatangi kong halaga
Sawari ko'y lagi akong mag-isa;
Walang kaibigan, kapamilya, at handang saakin ay sumama,
Tila para bang isang nakakadena na sa mata nila ako ay walang kwenta.

Gayunpaman, kahit na sa tingin ko na ako ay isang abandonado
Darating din ang araw na magkakaroon ng halaga ang isang taong gaya kong tila nasa preso,
Darating din ang araw na maiintindihan ng lahat ang hirap na pinagdadaanan ko
At sa pag-iisa ko, mahahanap ko rin ang tamang sagot sa tanong na "para saan at nabubuhay pa ako?" "ano pa ang halaga ko sa mundo?".

14/08/2025

Sa paraisong nakatago
Naroon ang ikaw at ako.
Sa kalawakang malayo
Doon nakatala ang ating mga pangako.

Ang guhit ng mga tala ay hindi na sana magbago,
Upang kahit magdelubyo
At kung matakpan man ng ulap ang mundo,
Naroon parin ang ikaw at ako.

Kung sumikat man ang araw
At ang guhit ng mga tala ay hindi matanaw
Umasa kang pagsapit ng gabi tayo sa langit ay nagsasayaw
At nagbibigay kinang sa bawat taong sa atin ay nakatanaw.

Ang pag-ibig na wagas, pag-ibig na walang katumbas,
pag-ibig na hindi kumukupas,
Nawa ay ang pag-ibig hanggang sa wakas.

13/08/2025

"Napaparami na ang nakaw na tingin
Ako'y nagmimistulang kulang sa pansin"

IVOS is IVOS right? righttttt!!

https://youtu.be/hk3cABYlVSk?si=kza3Z6Hi6wGdzbop

13/08/2025

tamang SAPANTAHA, maling akala.

Akala ko nung una ay pwede pa,
Akala ko nung una ako ay masaya,
Akala ko nung una hanggang dulo na,
Akala ko lang pala....

Ang akala kong "pwede pa" ay tapos na pala.
Ang akala kong ako'y "masaya" ay lungkot na
Ang akala kong "hanggang dulo" ay hanggang dito lang nga
Tama nga aking mga SAPANTAHA.

Tapos na pala dahil sa una palang alam kong susuko ka
Lungkot nga ang nadarama noong araw na nakangiti ako kahit alam kong masakit na
Hanggang dito lang dahil una palang ang simula ay siya ring wakas na aking inakala

Ngayong tama ang aking mga hinala
Sa susunod na pag-ibig, sana ay nasa tama.
Ngayong patunay na tama ang aking hinala
Hindi ko na hahayaang mapunta sa'kin ang taong una palang ako ay may SAPANTAHA.

12/08/2025

"Hanggang Kailan?"

Minsan natanong ko na rin ang aking sarili na "Hanggang kailan?" "Hanggang kailan kaya ako maghihintay?" "Hanggang kailan niya kaya ako mamahalin?".

Nang mawari ko ay "bakit kailangan ko pang itanong sa sarili kung hanggang kailan kung pwede namang pang-habang buhay 'diba?".

Kaya ikaw, hihintayin kita kahit gaano pa katagal, kahit hindi kana matanaw ng mga mata dahil para sa'kin wala ang pag-ibig kung hindi rin lang ikaw ang aking makakapiling, wala ang pag-ibig kung hindi ikaw ang sagot sa dalangin.

Anumang hadlang ang iharap sa akin ng tadhana; na kahit sa gitna man ng malalakas na ulan, kahit mawalan na ng sinag ang araw, kahit dumilim ang buwan, mawasak man ang daan, narito ako at patuloy na maghihintay at sabay nating haharapin ang malalakas na ulan, sabay nating ibabalik ang sinag ng araw, ang liwanag ng buwan, at gagawa tayo ng panibagong daan.

Ito lang ang aking pangako na kaya kong pangatawanan, umasa ka at sa'yo ako ay maghihintay at mamahalin kita hanggang sa dulo ng kawalan.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address

Manila
2009