Kimoks

Kimoks

Share

28/04/2026

Natapos na rin ang burador ng komiks #1 , kwento, sasabihin ng bawat karakter , salitang biswal upang magsalawaran sa bawat kahon ng kung anong magaganap sa bawat tagpo. Kaso nga lang wala akong kakayahan sa pagguhit 😀😁😅.

29/11/2025

Ka Andres

Photos from Kimoks's post 21/11/2025
21/09/2025

Nakita ko siyang manindigan kasama ng libong Pilipino laban sa korapsyon! Taas kamao Tarantadong Kalbo !

09/08/2025

DARAHUG Ang Mananabang ng Sta Maria - Kael Molo

Naka-atang sa mananabang ang buhay
Nang isasalba,isasakripisyo at iaalay
Alang-alang sa kapanatagan
at di-paghele sa pananamantala

Ang pag-aalay ng pintig sa sinapupunan
ay pilit-hugot na magluluwal ng kanyang hustisya
Hindi na sa bigat ng nagdadalang tao
Kundi ang gaan na kikintal sa di-paglaki nito.

Mabigat ang istoryang ito , titigil ka panandalian, hihinga ng malalim, iispin ang mga tanong at maghahati-hati. Hinihimay ang ano?, bakit?, saan? kailan?, paano?.

Mas abante pa ang paglilitis sa primitibo at pyudal na kalagayan kaysa sa sinasabing abanteng batas na di pantay at mabagal na pagresolba.

Kung gagawan ito ng short film (pagtingin ko lang) talagang aabangan . Pero nasa komiks na at hindi na mawawala sa isip ang istoryang ito. Mabuhay ka manlilikha ng obrang ito!

14/07/2025

BAYAN NG MGA DAKILA 01

Eksena ito na may bidang sumusulpot sa panahon ng digmaan, pinakilala sa gitna ng kilusan at kayang magbigay atas sa kanyang tropa.

Moderno na ang labanan para makita ang wasak na kalagayan ng Pinas.

At talagang may nakasanayan na ang Pinoy na tawag o bansag sa ibang lahi. Çh3kW@! 🙂

Kung ano ugat ng labanan at paglitaw ng bida? Baka kailangan pang bumili ng mga kasunod na komiks.

Mabuhay Bayan ng mga Dakila!
Shonenbat Collective

09/07/2025

SIKAMI - Pangalatoons

Para kang nanonood ng kartuns sa telebisyon na de-pihit sa byaheng Dagupan to Manila , storya ng pag-asawa, ang hugot bida karakter , ang ugnayan ng bata sa manika 🤔 at ang kwentong lovelife goodsh*t sa eksena ng labanan -pwede kang kiligin 🙂

May mga pabitin na drawing dahil sa husay ng likha, na iisipin mo may kwento sa susunod na pahina ayun pala tipo at pwedeng pabalat sa komiks.

Ayus, salamat sa inyo (ang dami niyo😅) at dagdag na naman sa koleksyon ko ito.

01/07/2025

Komiks - Ipe-Nuts 3 by Phillip Cruz

Kung bakit Ipe-Nuts? , hindi ko din alam.
Binili ko siya dahil nag-iisa na lang sa estante. Kung anuman ang kasiyahan na bumabalot dito, babasahi't namnamin ko na lang.

Pero ang tanong ko , hhmmm, paano kung naglakbay ang bida sa komiks na ito , para gumawa ng sarili niyang kapangyarihan na lalakas at maglulunas. Pero hindi sa kanya napupunta kundi sa mismo niyang kalaban. Makakahanap kaya siya ng paraan para mapasakamay niya ang bawat kapangyarihan na nakukuha niya sa bawat paglalakbay. ?

Hindi ko din alam, baka binili ko lang ito para namnamin at basahin dahil nag-iisa na lang siya sa estante.

29/06/2025

Beer at komiks

07/04/2025

Mga kwento ito na nangyayari sa bawat kanto.

Mula sa mga palabas sa telebisyon at hanggang mapasara ang isang istasyon.

Tropa at kasama mo sa lansangan hangang sa magsilaki, at kwentuhang kaluluwang gumagala at dumadalaw.

Kumintal sa isip at kurot sa puso ang eksenang isinakripisyo ang sikmurang kumakalam at gusto pang makasalamuha ang kapamilya.

Mabuhay at suporta sayo Kapitan Tambay!

P.S. Pasenya na sa sulat at video, tagahanga (lang) ako sa mga komiks na ginagawa ninyo.

Want your establishment to be the top-listed Arts & Entertainment in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address

Pinas
Manila