DevKinetics

DevKinetics

Share

21/01/2023

𝗣𝗔𝗔𝗑𝗒 π— π—”π—žπ—”π—”π—žπ—œπ—§ π—‘π—š π—–π—¨π—¦π—§π—’π— π—˜π—₯𝗦 π—šπ—”π— π—œπ—§ π—”π—‘π—š π—œπ—¬π—’π—‘π—š 𝗣π—₯π—’π—™π—œπ—Ÿπ—˜ 𝗒 𝗣𝗒𝗦𝗧?

Dahil madalas sa online o Facebook tayo nag hahanap ng customers, dapat ay matino at nakakaenganyo ang iyong profile o service listings dahil ito ang pinaka punto mo sa iyong negosyo. Narito ang ilang tips para maka-enganyo ka ng customers online o sa Facebook:

Lagyan ng kumpletong detalye ang mga ino-offer mong service. Kung ikaw ay isang massage therapist, ilagay mo ang mga types ng massage na kaya mong i-offer. Ayusin ito at siguraduhing kumpleto ang spelling ng mga detalye. Kailangan ay tama ang pagkakasulat at nakaayos ito sa paraang maiintindihan kaagad ng customer.

Lagyan ng presyo ang iyong serbisyo. Ipinagbabawal na ngayon ng DTI o Department of Trade and Industry ang paglalagay ng β€œPM for the price” sa mga online sellers. Ganito rin sa pag offer ng serbisyo. Lagyan mo ng kumpletong pricing rates ang iyong serbisyo dahil isa rin ito sa hinahanap ng customer.

Mag lagay ng pictures ng serbisyo. Isa ito sa nakakadagdag ng kredibilidad mo bilang service provider. Mas nalalaman ng customers na ikaw ay isang legit na mangagawa dahil sa mga pictures na kaya mong ibigay. Isa pa, mas lumalaki ang tiwala ng customer dahil nakikita niya ang pictures ng iyong mga gawa. Dahil dito, malaki ang tyansa na i-contact ka ng customers.


Magkaroon ng nakakahikayat na headline. Sa Facebook, ang mga unang detalye lamang ng post ang naipapakita. Kaya’t gandahan mo ang unang linya ng iyong advertisement sa iyong serbisyo. Mas straight to the point, mas maganda. Pwede mong pangunahan ito ng β€œQuality at abot kayang home service massage!”, pagkatapos ay ilagay mo na ang iba pang detalye.

❗❗❗ Importante na may maayos at maging kabasa-basa ang iyong mga post o profile sa pag offer ng serbisyo. Ito ang nagbibigay ng unang impression sa customers kaya’t importante na nakakaenganyo ito at makakuha kaagad ng atensyon ng publiko.

17/01/2023

π—šπ—”π—”π—‘π—’ π—žπ—”π——π—”π—Ÿπ—”π—¦ 𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 π— π—”π—šπ—Ÿπ—œπ—‘π—œπ—¦ π—‘π—š π—”π—œπ—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘ π—¨π—‘π—œπ—§π—¦?

Summer nanaman at madalas nanamang magagamit ang mga Air Condition units. Ngunit gaano ba dapat kadalas magpalinis ng AC unit? Kung lagi mo itong ginagamit, dapat ay kada 2-4 weeks ay naglilinis ka ng iyong AC Filter. Linisan ito nang dahan-dahan dahil maninipis lang ang mga filter ng Aircon. Importanteng i-check ito dahil pwede pamugaran ito ng mga bacteria at germs galling sa alikabok kung hindi malilinis, at magdulot ng sakit sa iyo o iyong pamilya.

Madalas ay every 6-12 months ay dapat kang magpalinis ng iyong Air Condition sa mga technician. Ngunit kung may mga alagang pets sa bahay o di kaya’y nasa isang restaurant ang iyong AC unit, dapat mo itong palinisan every 3 months. Importante na AC technician ang titingin at maglilinis ng inyong mga Aircon para maiwasan ang pagkasira.

Kung hindi malinis ang iyong AC unit ay pwede itong maglabas ng di kanais-nais na amoy o di kaya’y hindi na ito lalamig ng mabuti. Pwede rin itong magdulot ng allergies sa mga taong gumagamit ng AC unit na hindi nalilinisan dahil nalalanghap nila ang alikabok na dulot nito.

Ugaliing mag palinis at magpa-check ng inyong mga AC unit sa mga technicians para mas mapatagal ang buhay ng inyong mga Air Condition units. Maaring i-check ang serbisyo.com para sa mga certified Aircon Technicians sa mga lugar ninyo.

π—£π—”π—šπ—Ÿπ—œπ—Ÿπ—œπ—‘π—œπ—¦ π—‘π—š π—”π—œπ—₯𝗖𝗒𝗑 𝗔𝗬 π—¨π—šπ—”π—Ÿπ—œπ—œπ—‘, 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗛𝗨𝗠𝗔𝗕𝗔 π—”π—‘π—š 𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 π—‘π—š π—¨π—‘π—œπ—§

Want your business to be the top-listed Business in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Address

Manila