Barangay Sauyo

Barangay Sauyo

Share

Photos from Barangay Sauyo's post 07/10/2026

🌿 π‚πŽπ”π‘π“π„π’π˜ πŒπ„π„π“πˆππ† | 𝐃𝐒𝐐𝐂

Isang makabuluhan at produktibong Courtesy Meeting ang isinagawa ng Sangguniang Barangay ng Sauyo sa pamumuno ni Punong Barangay Noel F. Vitug kasama sina Kagawad Rizza Joy P. Magtibay, Kagawad Carlos D. Apo, Kagawad Symond R. Del Mundo, Kagawad Camille J. Dela Cruz, Kagawad Karen Quilo-Diaz, Kagawad Dindo M. Alvarez, at Kagawad Luz P. Savilla, kasama ang mga kinatawan ng Department of Sanitation and Cleanup Works of Quezon City (DSQC).

Dumalo rin sina Street Sweeper Head Imelda Maneclang, Sanitary Inspector Marife Balanoyos, at TWG Staff Gerome Ramos.

Layunin ng pagpupulong ang paglilinaw at pagtalakay sa overall score ng Barangay Sauyo para sa Barangay Seal of Good Housekeeping ng Quezon City Local Government, gayundin ang pagbibigay ng mga suhestiyon at rekomendasyon upang higit pang mapahusay ang mga programa at serbisyo ng barangay.

Naging pagkakataon din ito upang magkaroon ng mas malalim na talakayan tungkol sa mga konkretong hakbang kung paano pa mapapalakas ang pagpapatupad ng mga programa, partikular sa kalinisan, pangangalaga sa kapaligiran, waste management, at pagpapanatili ng isang malinis at maayos na Barangay Sauyo. 🌱

Patuloy ang Sangguniang Barangay ng Sauyo sa pakikipag-ugnayan sa mga tanggapan ng Quezon City Government upang matuto, mapabuti ang mga sistema, at higit pang maiangat ang kalidad ng serbisyong hatid sa bawat Sauyonian.

Photos from Barangay Sauyo's post 06/10/2026

πŸš‘ ππ€π†πŽππ† π€πŒππ”π‹π€ππ’π˜π€ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 ππ€π‘π€ππ†π€π˜ π’π€π”π˜πŽ πŸš‘

Oktubre 5, 2026 | Dumalo ang Sangguniang Barangay ng Sauyo, sa pamumuno ni Punong Barangay Noel F. Vitug, kasama sina Kagawad Rizza Joy P. Magtibay, Kagawad Carlos D. Apo, Kagawad Symond R. Del Mundo, Kagawad Camille J. Dela Cruz, Kagawad Karen D. Quilo-Diaz, Kagawad Dindo M. Alvarez, at Kagawad Luz P. Savilla, sa Flag Raising Ceremony na ginanap sa Quezon City Hall.

Matapos ang seremonya, personal na itinurn-over ng Quezon City Government ang isang bagong ambulansya para sa Barangay Sauyo, sa pangunguna nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto.

Ang bagong ambulansya ay malaking dagdag sa ating kakayahan na makapaghatid ng mas mabilis at mas maayos na serbisyong pangkalusugan at emergency response para sa ating mga kabarangay.

Maraming salamat po, Quezon City Government, Mayor Joy Belmonte, at Vice Mayor Gian Sotto, para sa bagong ambulansyang makatutulong sa mas malawak at mas mahusay na pagseserbisyo sa ating komunidad. πŸ’™πŸ€

Photos from Barangay Sauyo's post 06/10/2026

🎸 GUITAR LESSON β€” 4 SESSIONS 🎢

Matagumpay na naisagawa ang 4-session Guitar Lesson noong August 22, September 12, September 19, at October 3, 2026, sa pangunguna ng ating trainor na si Mr. Roldan S. Diaz. 🎸

Layunin ng programang ito na mapaunlad ang talento at kasanayan ng ating mga kalahok sa pagtugtog ng gitara.

Patuloy na sinusuportahan ang programang ito ng ating Punong Barangay Hon. Noel F. Vitug at Vice Chairperson, Committee on Women, Children, LGBTQIA+, and Family Relations, Hon. Karen D. Quilo-Diaz.

Maraming salamat sa lahat ng lumahok at patuloy na sumusuporta sa programa! 🎢

Photos from Quezon City Government's post 06/10/2026
05/10/2026

LIVE NOW | The Visitation of Our Lady of the Most Holy Rosary, La Naval de Manila in District 6, Quezon City

Mary: Queen and Mother of Peace

Parish of the Our Father | October 5, 2026

Photos from Barangay Sauyo's post 05/10/2026

71st Regular Barangay Council Session🀝

05/10/2026

Good day

What: Expanded Solo Parent Welfare Act (RA 11861) Orientation
Date: October 07, 2026
(Wednesday) at 1 pm
Venue: District Office
Address: SB Park, Neptune St. Brgy. Tandang Sora.

Reminder:
-NO LATE
-NO short shorts
-NO crop top
-NO Slippers
-NO SLEEVELESS

Kung sakaling magkaroon ng announcement patungkol sa work suspension/ alternative work arrangements dahil sa hindi inaasahang sama ng panahon. Mangyaring hintayin muna ang opisyal na abiso bago pumunta sa lugar ng orientation.

Kindly disseminate, thank you!

02/10/2026

🌹 π—›π—”π—Ÿπ—œπ—‘π—”'𝗧 π—¦π—”π—Ÿπ—¨π—•π—¨π—‘π—šπ—œπ—‘ π—¦π—œ π—œπ—‘π—”π—‘π—š π—•π—œπ—₯π—›π—˜π—‘! 🌹

Mga minamahal naming parishioners ng The Our Father Parish,

Buong galak naming ibinabalita na darating sa ating parokya ang Our Lady of the Rosary La Naval de Manila! Isang natatanging biyaya ito para sa ating komunidad, lalo na ngayong ipinagdiriwang natin ang ating ika-40 anibersaryo: "TOFP at Forty: Remembering the Journey, Renewing the Mission."

πŸ“… Oktubre 5, 2026 (Lunes)
πŸ•’ Tinatayang oras ng pagdating: 3:00 PM
β›ͺ Banal na Misa: 6:00 PM
πŸ•’ Vigil: 7:30 – 10:00 PM

πŸ“… Oktubre 6, 2026 (Martes)
β›ͺ Send-Off Mass: 7:00 AM

Inaanyayahan namin kayong makiisa sa pagsalubong kay Our Lady of the Rosary La Naval de Manila. Isama ang buong pamilya, mga kapitbahay, at mga kaibigan. Sama-sama nating ihahatid ang ating pasasalamat, panalangin, at pag-ibig sa Ina ng Diyos. πŸ™

Magdala ng rosaryo at pusong handang manalangin. Ipagkakatiwala natin kay Maria ang ating mga pamilya, ang ating parokya, at ang ating misyon sa mga susunod na taon.

Hinihintay ka namin, Our Lady of the Rosary La Naval de Manila! 🌸

02/10/2026

πŸ€ MB CUP SEASON 3 | TRY-OUT REQUIREMENTS πŸ”₯

Pagbati, mga manlalaro! πŸ€

Pasok ka sa ating nalalapit na MB Basketball Try-Out kung ikaw ay:

βœ… 15 - 35 years old
βœ… Bona fide resident ng inyong barangay sa Quezon City
βœ… Willing na i-represent ang barangay kung saan ka nakatira
βœ… Physically fit at ready na lumahok sa ating tournament

πŸ“‹ MGA DAPAT DALHIN SA ARAW NG TRY-OUT

Bawat player ay kailangang magsubmit ng THREE (3) supporting documents bilang proof of residency sa Quezon City. Ang tatlong documents ay dapat piliin mula sa approved list ng supporting documents:

β€’ π‘πžπ¬π’ππžπ§πœπ²: π•π¨π­πžπ«'𝐬 πˆπƒ/π‚πžπ«π­π’πŸπ’πœπšπ­πž
β€’ Valid primary government-issued ID na nakalagay ang current home address
β€’ PSA Birth Certificate na nagpapakitang QC ang birthplace
β€’ Utility Bill (electricity, water)
β€’ Internet Bill
β€’ Telephone Bill
β€’ Bank Statement na may name at address
β€’ Credit Card Statement
β€’ Official government correspondence na may address (National Government Agencies)
β€’ Tax Documents o Tax Assessment Notice
β€’ Lease/Rental Agreement
β€’ Property Title or Deed
β€’ Real Estate/Property Tax Receipt
β€’ Certificate of Employment o company document na may residential address
β€’ Certificate of Enrollment
β€’ NBI Clearance na may current Quezon City address
β€’ Police Clearance na may current Quezon City address
β€’ QC ID o Barangay Clearance

πŸ“Œ HUWAG DING KALIMUTANG ISUBMIT ANG MGA SUMUSUNOD:

β€’ Recent 2Γ—2 photo with name tag
β€’ Registration Form
β€’ Accomplished Data Privacy Consent Form
β€’ Signed Waiver
β€’ Parent's Consent Form para sa mga minors

(Note: ang accomplished data privacy consent at registration form ay makukuha sa amin sa araw ng inyong try-out. Para sa advance copy ng Waiver at Parent's Consent Form, maaari po kayong makipag-ugnayan sa ating MB Cup District Representatives)

⚠️ REMINDER PARA SA MGA MINOR PLAYERS

Para sa mga 15-17 years old, pakidala rin ang inyong MB Cup Basketball Clinic Graduation Certificate.

πŸ€ BE READY AND COME PREPARED!

Make sure na kumpleto ang inyong requirements bago pumunta sa inyong Try-Out Schedule.

Para sa karagdagang information at inquiries tungkol sa inyong Try-Out schedule, maaari kayong makipag-ugnayan sa ating District Representatives:

πŸ“ District 1 – Coach Mikko Tay
Contact #: 09618347988

πŸ“ District 2 – Coach Teng Torcuator
Contact #: 09063406467

Coach Jojo Acana
Contact #: 09063406467

πŸ“ District 3 –Coach RJ Garcera
Contact #: 09207354769

πŸ“ District 4 – Coach John Mahari
Contact #: 09054124512

πŸ“ District 5 – Coach Rico Velasco
Contact #: 09562749929

πŸ“ District 6 – Coach Jimbo Pereabras
Contact #: 09532571168

Coach Mark Galguiera
Contact #: 09568759144

See you, mga manlalaro! Ihanda na ang inyong sarili, kumpletuhin ang requirements, at ipakita ang inyong galing sa court. Kita-kits sa Try-Out! πŸ”₯

Want your organization to be the top-listed Government Service in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address

Barangay Sauyo Hall
Manila
1116

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Sauyo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Subscribe

We will notify you when anything happens in Manila.