FEU Advocate

FEU Advocate

Share

29/05/2026

: Look back at the stories that transpired within the past weeks with .

Labor unions and progressive groups join Labor Day protest; FEU COMELEC proclaims student council and academic organization officers for S.Y. 2026-2027; Tamaraws urge abstention validity; Duterte supporters protest ICC’s warrant on Dela Rosa; FEU posts 86.84% passing rate in LET March 2026 secondary level; FEU Comm students, faculty gather for Tamaraw Media Awards 2026; FEU Tamaraws conclude UAAP Season 88 men’s volleyball with silver finish; FEU officially takes over UAAP Season 89.

Photos from FEU Advocate's post 28/05/2026

: Sa unang pagwagayway ng watawat pagkatapos ng digmaan sa Alapan noong taong 1898, nasaksihan ang bakas ng matapang at malawakang paninindigan ng sambayanang Pilipino laban sa katiwaliang nagkait ng isang mapagpalayang kinabukasan.

Bagama’t pansamantalang nahinto ang himagsikan dahil sa Kasunduan sa Biak-na-Bato na nagpatalsik sa mga lider ng rebolusyon, hindi tumigil ang puwersa ng mga Pilipino sa patuloy na paghamon sa katiwaliang namamayani sa sariling bayan. Sa pagbabalik ni Emilio Aguinaldo, mas lalong sumiklab ang patriyotismo sa bawat isa, na naging daan upang makamit ang kasarinlan ng Pilipinas.

Gayunpaman, hindi natapos sa Alapan ang mga hamong kinahaharap ng bansa; hanggang sa kasalukuyan, patuloy ang mga hakbang laban sa katiwalian. Katulad ng mga protestang naganap laban sa korapsiyon, pang-aabuso, paglabag sa hustisya, at pagyurak sa mga karapatan.

Patuloy mang sinisikap na patahimikin ang mga mamamayan, hindi ito naging hadlang sa kanilang patuloy na paghahangad ng kaayusan at pagbabago.

Sa paggunita ng ika-128 anibersaryo sa labanang nagpalaya ng bansa mula sa katiwalian, nawa’y bitbitin ng bawat Pilipino sa kasalukuyan ang aral ng pagtindig at pagboses para sa pagbabago.

Want your business to be the top-listed Media Company in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address

4/F Room 408 Accounts, Business And Finance Building, Far Eastern University, Nicanor Reyes Street, Sampaloc
Manila
1015