DepEd Ako

DepEd Ako

Share

02/08/2024

Kamusta mga ka-MATATAG? Buhay pa ba sa bagong panukahalang schedule? 🥲🫠

04/07/2022

Ang buong Kagawaran ng Edukasyon ay masayang sumasalubong sa pagdating ng ating bagong Secretary for Education, Vice President Sara Z. Duterte!

Kami ay nasasabik sa mga hakbangin at ideya na dala ng iyong administrasyon na makabubuti pa lalo sa estado ng edukasyon sa bansa.

Sama-sama nating itaguyod ang kapakanan ng Pilipinong mag-aaral at g**o!

On inaccurate depiction of the Philippine territory in imported learning materials | Department of Education 20/01/2022

𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚
𝗦𝗮 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝘁𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗹𝗮𝗹𝗮𝗿𝗮𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝘁𝗲𝗿𝗶𝘁𝗼𝗿𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗶𝗺𝗽𝗼𝗿𝘁𝗲𝗱 𝗹𝗲𝗮𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘁𝗲𝗿𝗶𝗮𝗹𝘀

Enero 20, 2022 – Patuloy na itinataguyod ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang adbokasiya para sa probisyon ng tamang impormasyon sa ating mga mag-aaral base sa konteksto ng kasaysayan ng Pilipinas at sa mga may legal na batayan.

Ang pagtuturo ng kasaysayan at legaI na impormasyon ay isa sa mahalagang pundasyon natin upang mahubog ang mga paniniwala, karakter, at pagmamahal sa bansa ng mga mag-aaral.

Sa dami ng pagkukuhanan ng impormasyon, kabilang ang mga globo, mapa, reference books, storybooks, at katulad na mga publikasyon, computer programs, at iba pang mga learning materials mula sa lokal o mga ginawa at inangkat abroad, nananawagan ang Kagawaran sa lahat ng mga indibidwal, mga entidad, o mga institusyon na kukuha ng anomang learning materials na siguruhin na ang nilalaman ng mga materyal na ito ay nakaayon sa scientifically proven principles o napapaloob sa konteksto ng kasaysayan ng Pilipinas at mga claim nito.

Habang tayo ay nananawagan sa lahat ng education stakeholders na samahan tayo sa pagpupursiging mabigyan ang ating mga mag-aaral ng tama at wastong kaalaman, pinaaalalahanan din natin ang lahat na maging maingat. Lubhang mahalaga na maingat na suriin ang mga naturang learning resources, lalo na sa mga inangkat na learning materials, na maaring naglalaman ng mga paglalarawan o impormasyon na hindi wastong sumasalamin o sa malala, ay taliwas sa kung ano ang Pilipinas, bilang bansa, mga paninindigan nito sa mga bagay na may kinalaman sa Philippine national territory, historical accounts, at sa kultura, kaugalian, at tradisyon ng mga tao.

Bagaman maaaring may ibang pananaw ang ibang mga bansa sa mga usapin na may kinalaman sa kanilang angking teritoryo, nararapat tandaan na tayo, bilang mga Pilipino, ay dapat kilalanin ang ating teritoryo na itinakda ng batas.

[Full article (English): https://www.deped.gov.ph/2022/01/20/on-inaccurate-depiction-of-the-philippine-territory-in-imported-learning-materials/]

On inaccurate depiction of the Philippine territory in imported learning materials | Department of Education January 20, 2022 – The Department of Education (DepEd) has consistently advocated for the provision of accurate information to our learners based on the Philippine historical context and those with legal bases. Teaching historical and legal facts is one of the cornerstones of our approach to mold ...

Want your school to be the top-listed School/college in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address

Manila
Manila