Random Finds
03/03/2026
“HONTIVEROS, NANAWAGAN SA ISRAEL, ESTADOS UNIDOS, AT IRAN NA TIGILAN NA ANG DIGMAAN”
Nanawagan si Risa Hontiveros sa United States, Israel, at Iran na itigil na ang digmaan at pairalin ang kapayapaan sa Middle East.
Sa isang panayam, iginiit ni Hontiveros na kinakailangang magsagawa ng agarang ceasefire at bumalik sa negosasyon ang tatlong bansa sa halip na ipagpatuloy ang kaguluhan.
“Kumbaga ang taas ng stakes for all countries in the world, kasama tayo (the Philippines), kaya ang urgent call din ay bumalik sa negosasyon. May negosasyon ongoing... so urgent call, tigil putukan sa giyerang ’yan, bumalik sa negosasyon at pilit na pagkasunduan ’yong mga isyu na sabi ay dahilan daw kung bakit nangyayari ito,” ani Hontiveros.
Ayon sa senador, malaki ang epekto ng tensyon hindi lamang sa mga bansang direktang sangkot kundi pati sa buong mundo, kabilang ang Pilipinas, lalo na sa usapin ng seguridad, ekonomiya, at kapakanan ng mga overseas Filipino workers sa rehiyon.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
Manila