Tinta At Tula
'Di naman talaga ako gwapo—
Ang totoo, tulad mo ay
Kagaya din kita
Humaharap din ako sa salamin
At sumasambit ng
"Tanginang pagmumuka 'yan"
Madalas rin mag pa kyut sa kamera
Sabay tawa, ewan 'no?
Minsan gwapong-gwapo tayo sa sarili natin o gandang ganda
Minsan naman ay magmumukmok
At mapapabuntong hininga't
bakit 'di ako kagaya ng mga nakikita kong naglalakad sa kalsada
Magbabalak mag-myday
sabay cancel kasi biglang mapapangitan
'di ako na ga-gwapuhan sa sarili ko
Madalas nakukuha lang ng anggulo
Kaya't maayos tignan,
Ibang-iba ako sa personal.
Salamat sa bawat pag-bigkas
Sa'kin ng
'may hitsura ka naman bakit ka nahihiya',
'Ang pogi mo kaya',
At pag-hahart sa bawat my-day ko
Napakalaking bagay nito sa akin.
Tanggapin mo iyong sarili
Mag-ayos at palaging ngumiti,
Pogi ka, may hitsura ka, 'di ka ngalang kuntento.. kaya't nanghihina ka.
Kagaya ng nakikita mong ibang tao na pogi at gwapo kagaya ka rin nila,
Napapangitan din sila sa sarili nila..
Maging kuntento lang, may sari-sarili tayong katangian
na ika-kagwapo natin.
-Tinta At tula
Yakap / unikko ijo
Gaano man ka-gulo ang mundo at paligid,
Narito ako palagi sa 'yo.
At kung 'di ako ang nais mo,
Masaya akong inibig kita
Kahit pa ilang-libong taong
Kalungkutan pa ang kapalit nito.
Intindihin mo na lang
Ang bawat buhos ng ulan,
Kagaya mo, may mga bigat
Tayong pinapasan na
Dapat nating pakawalan.
Ayoko ng kiss / Frank Ely