S H I R U

S H I R U

Share

11/04/2026

Maging mabuting binhi.

Sa bukid na may malalagong trigo may tao/kaaway na dumating para mag hasik/tapon ng mapanirang damo sa bukid, nung nag bunga ang trigo lumitaw rin ang mapanirang damo, kaya tinanong ng mga utusan sa may-ari "hindi po ba mabuting binhi lamang ang inihasik niyo sa inyong bukid" sumagot ang may ari "isang kaaway ang may kagagawan nito" at nag tanong ulit ang mga utusan "bubunutin poba namin ang mga damo ??" Sinabi ng may-ari huwag baka mabunot pati ang mga trigong nakatanim, kaya iyon ang ginawa ng mga utusan hinayaan nila ng lumago ang trigo at damo Hanggang sa itoy anihin, sinabi ng may-ari sa mga tagapag-ani "ipunin muna ninyo ang mga damo at iyong pag bigkasbigkasin at saka sunugin, pag katapos ipunin ang trigo sa aking kamalig kaya iyon ang ginawa ng mga tagapag-ani.

"Mateo 13: 37-43"

Ang naghahasik ng mabubuting binhi ay ang anak ng tao, ang bukid ay ang mundo/daigdig, ang mabuting binhi ay ang mga taong kabilang sa kaharian at ang mapanirang damo naman ay ang mga kabilang sa masama. Ang kaaway na naghasik ng damo ay walang iba kundi ang diyablo ang panahon ng pag-aani ay ang katapusan ng mundo/daigdig at ang mga tagapag-ani naman ay ang mga anghel kung paanong ang mga ay tinitipon at sinusunog, ganoon din ang mangyayari sa katapusan ng mundo/daigdig ipag uutos ng a**l ng tao sa kanyang mga anghel na tipunin nila mula sa kanyang kaharian ang lahat ng nagiging sanhi ng pag kakasala at ang lahat ng gumagawa ng masama. Ihahagis nila ang mga ito sa lumalagablab na pugon at doon ay mananangis sila at magngangalit ang kanilang mga ngipin. Ngunit ang mga gumagawa ng matuwid ay magliliwanag na parang araw sa kaharian ng kanilang Ama.

Want your business to be the top-listed Media Company in Mangaldan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address

Kung Asan Ako
Mangaldan
102122