Cor Devotum
29/07/2025
๐๐ช๐ก๐ฎ๐ค 29 | ๐๐๐๐จ๐ฉ๐ ๐๐ ๐๐ค๐จ ๐๐๐ง๐ข๐๐ฃ๐ค๐จ ๐๐ ๐ฝ๐๐ฉ๐๐ฃ๐๐
๐๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฃ๐๐๐ฃ ๐จ๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ฅ๐๐ฉ๐๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐ ๐ฝ๐๐ฉ๐๐ฃ๐๐ ( ๐๐๐ฃ ๐๐๐ฏ๐๐ง๐ค, ๐๐๐ฃ๐ฉ๐ ๐๐๐ง๐ฉ๐, ๐๐ฉ ๐๐๐ฃ๐ฉ๐ ๐๐๐ง๐๐ ๐๐ ๐ฝ๐๐ฉ๐๐ฃ๐๐ )
Amang Makapangyarihan,
kami poโy dumudulog sa Inyong harapan sa pamamagitan nina San Lazaro, Santa Marta, at Santa Maria ng Betania โ mga huwaran ng pananampalataya, paglilingkod, at pananalangin.
Sa kanilang halimbawa, nawaโy matutunan naming tanggapin si Kristo sa aming mga puso at tahanan. Ipagkaloob Mo po sa amin ang biyayang maging tapat sa aming bokasyon bilang mga alagad ng Iyong Anak.
๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ฅ๐๐ฉ๐๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐ ๐ฝ๐๐ฉ๐๐ฃ๐๐, ๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฃ๐๐๐ฃ ๐ฃ๐๐ฃ๐ฎ๐ค ๐ ๐๐ข๐.
Amen.
Ang imahen ng Magkakapatud na Taga Betania ay mula sa Bisita ng San Nicolas de Tolentino, Babatnin
27/07/2025
Maraming salamat po, Santa Ana, La Niรฑa Maria, at San Joaquin, sa inyong dakilang patnubay at panalangin para sa amin, inyong mga deboto. Sa gitna ng aming mga pagsubok, kayo po ang aming naging sandigan at huwaran ng pananampalataya, kababaang-loob, at matatag na pananalig sa Diyos. Sa inyong mga banal na halimbawa, kami ay naaalalang manalangin, maglingkod, at magmahal nang tapat ayon sa kalooban ng Ama. Dalangin po namin na patuloy ninyo kaming ipanalangin at gabayan sa aming araw-araw na pamumuhay, upang kami rin ay maging kasangkapan ng pag-ibig at kapayapaan ng Diyos. Mula sa aming mga pusoโmaraming, maraming salamat po.
26/07/2025
๐๐๐ฎ ๐๐๐ฎ, ๐๐ค๐ค๐ง๐๐ฎ!! ๐๐๐ซ๐ ๐ผ๐ฅ๐ค ๐ผ๐ฃ๐!
๐๐๐ก๐๐๐๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฅ๐๐จ๐ฉ๐๐๐๐ฃ ๐จ๐ ๐๐๐ข๐๐๐ฃ๐จ๐๐ฃ๐ ๐ฟ๐๐ข๐๐๐ฃ๐ ๐๐ฉ ๐๐๐ง๐ค๐ ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐ฉ๐ ๐ผ๐ฃ๐ ๐๐ ๐๐๐๐ค๐ฃ๐ค๐ฎ!
Maulan man ang panahon at may bahang dala ng kalikasan, hindi ito hadlang sa pusong nagkakaisa sa pananampalataya.
Sa kabila ng unos, patuloy tayong nagdiriwang at nagpapasalamat sa panalangin at patnubay ng ating mahal na Patronang si Santa Ana. Nawaโy pagpalain niya ang bawat pamilya at parokyano ng Hagonoy ng lakas, kaligtasan, at panibagong sigla sa paglilingkod.
๐๐๐ซ๐ ๐๐๐ฃ๐ฉ๐ ๐ผ๐ฃ๐ ๐๐ ๐๐๐๐ค๐ฃ๐ค๐ฎ!
๐๐ผ๐๐ฝ๐ผ๐๐ ๐๐ผ : National Shrine and Parish of St. Anne - Social Communication
25/07/2025
Maligayang Kapistahan ni Santiago Apostol de Quingua!
Isang maalab na pagbati ng pananampalataya at kagalakan sa lahat ng deboto at mamamayan ng Quingua sa pagdiriwang ng kapistahan ng inyong minamahal na patron, Santiago Apostol!
Nawaโy patuloy kayong pagpalain ng ating mahal na patron na si Seรฑor Santiago โ ang matapang na tagapagtanggol ng pananampalataya, ang saksi ng katotohanan, at ang matapat na alagad ni Kristo. Sa kanyang inspirasyon, nawa'y maging matatag din tayo sa ating pananalig, maging handang tumugon sa tawag ng paglilingkod, at maging saksi ng pag-ibig ng Diyos sa ating kapwa.
ยกViva Seรฑor Santiago!
Pagbati sa : Parokya ni Santiago Apostol- Plaridel, Bulacan
24/07/2025
Panalangin sa Panahon ng Kalamidad
(San Nicolas de Tolentino, Santa Lucia de Namayan, Santa Lucia de Caliligawan, Mahal na Birhen Delos Remedios, at Mahal na Birhen Tala ng Karagatan)
Aming mapagmahal na Diyos, kami poโy dumudulog sa Inyong habag sa oras ng panganib at kaguluhan. Sa gitna ng unos, baha, lindol, o anumang kalamidad, kamiโy umaasa sa Inyong pagkalinga at pagtubos.
Sa tulong at panalangin ni San Nicolas de Tolentino, tagapagtanggol ng mga nagdurusa at tagapamagitan ng mga nangangailangan, ipagkaloob Mo sa amin ang kapanatagan ng loob at katatagan ng pananampalataya.
Sa pamamagitan ni Santa Lucia de Namayan at Santa Lucia de Caliligawan,isang martir ng liwanag at pananalig, liwanagan Mo po ang aming mga isip upang hindi kami magpadala sa takot at kawalan ng pag-asa.
Mahal na Birhen Delos Remedios, Ina ng saklolo, Ina ng kagalingan, kami poโy humihingi ng Iyong mapagpalang pagkalinga. Ikaw po ang aming lunas at aliw sa oras ng pangangailangan.
At sa Inang Patrona ng buong Parokya, ang Mahal na Birhen Tala ng Karagatan, aming Ina sa gitna ng unos ng buhay, gabayan Mo po kami sa ligtas na daan. Tulungan Mo kaming marating ang baybayin ng kapayapaan at katiwasayan.
Kami po ay nagtitiwala sa Iyong masaganang habag, O Panginoon, at sa pamamagitan ng mga panalangin ng Iyong mga banal, kami ay humihiling ng kaligtasan, katatagan, at patuloy na pananalig.
Amen.
22/07/2025
๐๐๐๐ช๐๐๐ฎ ๐๐ฃ๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ ๐๐๐ฉ๐ง๐ค๐ฃ๐ ๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐๐๐ง๐๐ ๐๐๐๐๐๐ก๐๐ฃ๐๐ถ๐ต
Si Santa Maria Magdalena ay isa sa mga tapat na tagasunod ni Hesus. Ayon sa Ebanghelyo, siya ay pinalaya ni Hesus mula sa pitong masasamang espiritu (Lucas 8:2). Mula noon, buong puso siyang naglingkod at sumunod kay Hesus. Isa rin siya sa mga naroon sa ilalim ng krus noong ipinako si Hesus, at siya ang unang nakakita sa Muling Pagkabuhay ng Panginoon (Juan 20:11โ18), na siya ring ipinag-utos sa kanya na ipamalita sa mga alagad.
Maligayang Kapistahan ni Santa Maria Magdalena!
Ipagdiwang natin ang kanyang pananampalataya, tapang, at pagmamahal sa Panginoon. Nawa'y tularan natin ang kanyang debosyon sa ating sariling buhay pananampalataya.
Viva Santa Maria Magdalena!!
Pagbati sa Santuario Diocesano y Iglesia Parroquial de Santa Maria Magdalena
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
3000