Ang Sentro
21/12/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐ ๐ข๐ฌ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ฌ๐ข๐ฉ: ๐๐๐๐๐ง๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ฌ๐ญ๐ซ๐๐ญ๐๐ก๐ข๐ฒ๐!
Sa bawat galaw ng mga piyesa, at mga galaw โpang depensaโhinahangad ang matamis na sandaling pagbigkas ng mga katagang โCheckmate!โ upang maisaradong panalo ang labanan sa apat na kuwadradong laroโChess!
Tahimik na magkaharap sa isang lamesaโtanging galaw lamang ng mga piyesa ang iyong maririnig sa makapigil hiningang tagisan na nangyari noong Disyembre 1-3, 2025 sa mga piling silid sa gusali ng Senior High School sa ating sintang paaralan, City of Malolos Integrated School-Sto. Rosario (CMIS-SR) nang ganapin ang Chess City Meet.
Maaga pa lamang ay nagsimula ng dumating ang ibaโt-ibang delegasyon mula sa ibaโt-ibang paaralan sa ating mahal na lungsod ng Malolos upang ipakita ang talas ng isip at galing ng mga atletang Malolenyo sa larangang itoโinaasam ang matamis at kagalak-galak na tagumpay upang maging delegasyon ng ating lungsod sa darating na Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA). Isinaayos ang mga silid na pagdadausan ng laro ng mga atleta, hanggang dumating ang kapana-panabik na simula. Una muna na isinaayos ang mga magkakatapat na manlalaro, hanggang sila ay nagkamayโhudyat na nagsimula na ang laban sa Ahedresan.
Makikita ang seryosong mga mukha na nakatitig sa mga piyesa ng Ahedres, unti-unting iginagalawโprogresibo patungo sa tagumpay. Bawat tira ay tila ginto na kailangan pagtuunan ng pansin at pag-isipan ng maigi. Sumasalamin sa mga panahon na sila ay nagbuhos ng oras, pawis, pagod, at pagmamahal sa larangang ito upang mag-ensayo ng walang humpay, nang maging magaling at maging handa sa magiging laban. Hindi madali at tunay na nakakapagod laruin ito dahil kahit hindi buong katawan ang gumagalaw ay ang isipan naman ang gumaganaโsa dami ng posibleng galaw na kailangan paghandaan, maisahan, at lagpasan ay patuloy ang paggana ng utak upang mag-analisa ng mga posibleng galaw patungo sa katagang โCheckmate!โ.
Pamilya ang naging motibasyon, at araw-araw na pagpapatalas ng mga galaw ang ginawang paghahanda ni Daniella Bianca S. Cruz, isa sa kinatawan ng ating Secondary Girls (SG) upang magpakita ng kahanga-hangang mga galaw sa Chess City Meet 2025. Kaniyang nakuha ang ginto sa kategoryang Blitz at Standard sa Indibidwal na kategorya. Nang dahil dito, siya ang magiging representatibo ng lungsod ng Malolos sa paparating na CLRAA, handang dumurog at manaig muli!
โMy motivation in playing chess is teaching me patience, every mistake builds humility; every win reminds me that strategy, focus and discipline pays off. On the board, I learn to think ahead, stay calm under pressure and accept responsibility for my decisions. Our coach allows us to study openings, solve chess puzzles everyday, play real games, play basic end games, and review our own games.โ ang pahayag ni Kassaundra Carpio na isa sa ating kinatawan sa Secondary Girls (SG), matapang na ibinahagi ang kaniyang pamamaraan ng pag-eensayo at paghahanda, kasama na din kung ano ang mga naging motibasyon niya sa naturang laro.
Paglalaro ng mga โChess puzzlesโ bago matulog at madalas na paglalaro kasama ang kanyang ama upang mas maging matalas sa Blitz at sa mahahabang laro ang naging pamamaraan ni Marcel Genevieve T. Santos, isa sa kinatawan ng Secondary Girls (SG) upang paghandaan ang kanyang mga laro.
Kasama na lumaban sina Mark Dhailen M. Temblique, KZ Emmanuel B. Vicente, at Ersey N. Mendoza na kinatawan ng Secondary Boys (SB), buong husay na ipinakita at inirepresenta ang ating sintang paaralan hanggang sa pinaka abot ng kanilang makakaya! Palakpak!
Ayon naman sa kanilang magaling na g**ong tagapagsanay na si Ginoong Mark Gil N. Santos, pagkatapos ng oras ng klase ay saka sila naglalaan ng oras upang puspusang mag-ensayo. Bukod pa doon, pag-uwi ng mga manlalaro ay hinihikayat silang maghanap at rumesolba ng mga โChess puzzlesโ bilang ensayo. โโyung desire na makuha nila ang Gold Medal sa kanilang piling larangan pagdating sa sports which is Chess. Masaya ako na matagumpay sila dahil ang tagumpay nila ngayon ay tagumpay nila sa hinaharap. Chess is life.โ ang naging motibasyon naman ni Ginoong Mark upang sila ay hasain at mas lalo pang maging mahusay sa larangan ng Ahedres!
Mula sa pahayag ni Cyrus Nico Balute na mula sa paaralan ng Malolos Marine Fisheries School and Laboratory (MMFSL),indibidwal na pagsasanay, pagdayo sa mga toda, pagsali ng mga tournaments at palaro ng mga sikat na samahan katulad na lamang ng Mobile Chess Club ang kaniyang naging gawi upang pumuntos sa Chess City Meet 2025. Kaniyang naging motibasyon ang kagustuhang irepresenta ang kanilang paaralan, at kagustuhang makarating sa pinakamataas na antas sa larangan ng isports. Nakuha niya ang ika-apat na puwesto sa kategoryang Blitz na mayroong 4 na puntos at 4.5 na puntos naman sa kategoryang Standard. Nakuha naman ng MMFSL Secondary Boys (SB) Bronze sa Standard Team Event at Silver sa Blitz Team Event. Ang tagis umatake at dumepensa, iba din!
Sa bawat pagmamahal sa ginagawa ay mayroong matamis na gantimpala! Ang bawat paglalaan ng oras mag-ensayo nila Daniella, Marcel, at Kass upang maghanda noon sa Chess City Meet 2025 ay nagbunga na, sila ang nakakuha ng ginto sa Chess Standard Event (Team Category) at Silver sa Blitz Chess (Team Event)! Bawat pag-iisip ng mariin, paggalaw ng mayroong saysay, at paghahanda ay natumbasan ng matamis na tagumpay! Pagbati sa talim ng istilo at malawak na kaisipan na inyong naiukit sa larangan ng Ahedres!
Sa hulihan ng lahat, mahirap man gawin o laruin ang Ahedres, kung ikaw ay tunay na nagpupursigi sa larangang ito, pipiliin mong aralin, intindihin, at patuloy bigyang direksiyon ang bawat bitaw ng mga galaw, ayusin at pag-isipang maigi ang mga tira, at mahalin pa ito lalo na tila ba iyong ikamamatay kung wala ito. Sa ganoong paraan, iyong makakamtan ang bawat panalo at tagumpay!
๐๐ซ๐ญ๐ข๐ค๐ฎ๐ฅ๐จ ๐ง๐ข | ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐ ๐๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฅ๐ ๐๐ซ๐ฎ๐ณ
๐๐ซ๐๐๐ข๐ญ๐จ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฅ๐๐ซ๐๐ฐ๐๐ง | ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐ ๐๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฅ๐ ๐๐ซ๐ฎ๐ณ ๐๐ญ ๐๐ฅ๐ข๐ฃ๐๐ก ๐๐จ๐ช๐ฎ๐
16/12/2025
๐๐๐ ๐๐จ๐ฌ๐๐ซ๐ข๐๐ง๐ฌ, ๐๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฆ๐๐ฅ๐๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฌ๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐
๐๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐๐ฅ ๐จ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ง๐ญ๐ฌ ๐๐๐๐ โจ
Ipinagmamalaki ng ๐๐ข๐ญ๐ฒ ๐จ๐ ๐๐๐ฅ๐จ๐ฅ๐จ๐ฌ ๐๐ง๐ญ๐๐ ๐ซ๐๐ญ๐๐ ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐๐ญ๐จ. ๐๐จ๐ฌ๐๐ซ๐ข๐จ ang paglahok ng mga ๐๐๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐๐ข๐ ๐ก ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐๐จ๐ฌ๐๐ซ๐ข๐๐ง๐ฌ sa ๐๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐
๐๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐๐ฅ ๐จ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ง๐ญ๐ฌ 2025 noong Disyembre 11, 2025 na ginanap bilang bahagi ng ๐๐๐ฎ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐๐ค ๐ง๐ ๐๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐ ๐๐ข๐ญ๐ฒ ๐จ๐ ๐๐๐ฅ๐จ๐ฅ๐จ๐ฌ. Sa ibaโt ibang larangan tulad ng akademiko, pananaliksik, musika, at sining, ipinakita ng ating mga mag-aaral ang kanilang galing, disiplina, at dedikasyon.
Sa ๐๐๐ญ๐ก๐๐ฆ๐๐ญ๐ข๐๐ฌ ๐๐ฎ๐ข๐ณ ๐๐๐๐จ๐ง๐๐๐ซ๐ฒ ๐๐๐ฏ๐๐ฅ, nagwagi ng ๐๐ค๐๐ญ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐๐ฐ๐๐ฌ๐ญ๐จ si ๐๐จ๐ฎ๐๐ง๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐๐ฅ๐ sa paggabay ni ๐๐ง๐ ๐ซ. ๐๐๐จ ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐จ ๐๐จ๐ซ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐๐ง. Sa ๐๐๐๐๐๐ณ๐ข๐ง๐ ๐๐ซ๐จ๐ฉ๐จ๐ฌ๐๐ฅ ๐๐ซ๐ข๐ญ๐ข๐ง๐ , nakamit ng pangkat nina ๐๐จ๐ฌ๐ฌ๐ข๐๐ก ๐๐๐ฆ๐ฎ๐๐ฅ ๐๐๐ซ๐๐๐ฅ๐จ, ๐๐๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ง๐ญ๐จ๐ฌ, at ๐๐ฒ๐ฅ๐๐ง ๐๐ข๐๐๐ณ๐จ ang ๐๐ค๐๐ฅ๐ข๐ฆ๐๐ง๐ ๐๐ฐ๐๐ฌ๐ญ๐จ, habang naging ๐๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐๐ข๐๐ซ๐ฌ naman ang pangkat nina ๐๐ง๐๐ซ๐๐ข ๐๐จ๐ฌ๐๐ฉ๐ก ๐๐๐ฅ๐ฆ๐, ๐๐ฅ๐ฅ๐๐ง ๐๐จ๐ก๐ง ๐๐ง๐๐ซ๐๐ฐ ๐๐๐ง๐ญ๐จ๐ฌ, ๐๐ญ ๐๐ง๐๐ซ๐๐ ๐๐๐ฅ๐ ๐๐ซ๐ฎ๐ณ, ang parehong grupo ay ginabayan ni ๐๐ง๐ ๐ซ. ๐๐จ๐ซ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐๐ง.
Hindi rin nagpahuli ang sining at pagtatanghal. Sa ๐๐ข๐ค๐ก๐๐ฐ๐ข๐ญ๐ข๐ง, sina ๐๐ข๐๐๐ฅ๐ฒ ๐๐๐ฏ๐๐ฅ๐ฅ๐จ, ๐๐๐๐ณ๐๐ง๐ญ ๐๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐จ๐๐๐ฅ, ๐๐ญ ๐๐จ๐ก๐ง ๐๐๐ฎ๐ฅ ๐๐๐๐๐ฅ๐ฅ๐๐ซ๐จ sa ilalim ng paggabay ni ๐๐ซ. ๐๐ซ๐๐ข๐ ๐. ๐๐จ๐ฆ๐ข๐ง๐ ๐จ, ay pinabilib ang mga manonood. Samantala, ipinamalas ng ๐๐ข๐ฅ๐๐ฒ๐๐ง ๐๐๐ง๐๐ ๐๐ฅ๐ฎ๐ ang husay at damdamin sa kanilang pagtatanghal sa ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ง ๐๐ข๐๐๐จ ๐๐จ๐ง๐ญ๐๐ฌ๐ญ sa patnubay ni ๐๐ฌ. ๐๐๐ซ๐ข๐ณ๐ ๐๐. ๐๐ข๐ซ๐จ๐ง.
Isang mainit na ๐ฉ๐๐ ๐๐๐ญ๐ข sa ating mga ๐๐จ๐ฌ๐๐ซ๐ข๐๐ง๐ฌ at taos pusong pasasalamat sa mga ๐ ๐ฎ๐ซ๐จ๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ฆ๐๐๐๐ฒ ๐๐ญ ๐ง๐๐ ๐ญ๐ข๐ฐ๐๐ฅ๐ sa kanilang kakayahan. Patunay ang mga tagumpay na ito na patuloy na nangingibabaw ang ๐ญ๐๐ฅ๐๐ง๐ญ๐จ ๐๐ญ ๐ก๐ฎ๐ฌ๐๐ฒ ng mga ๐๐จ๐ฌ๐๐ซ๐ข๐๐ง๐ฌ!
๐๐ข๐๐ฎ๐ก๐จ | ๐๐๐ง๐ง๐ ๐๐๐๐ซ๐ข๐ง๐ ๐๐๐๐จ๐ง๐ข๐
๐๐๐ฉ๐ฌ๐ข๐ฒ๐จ๐ง | ๐๐๐ง ๐๐ฒ๐ซ๐๐ก๐ฌ
๐๐ซ๐๐๐ข๐ญ๐จ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฅ๐๐ซ๐๐ฐ๐๐ง | ๐๐๐ฉ๐๐ ๐๐๐ฒ๐จ ๐๐๐๐-๐๐
28/11/2025
๐๐ ๐ ๐๐จ๐ฌ๐๐ฌ ng ๐๐๐ซ๐ฎ๐ง๐ฎ๐ง๐ ๐๐ง: ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐๐๐๐ข๐ง๐ ๐๐จ๐ง๐ญ๐ก ๐๐ฐ๐๐ซ๐๐๐๐ฌ
Buong pagmamalaki naming ipinakikilala ang mga ๐ง๐๐ ๐ฐ๐๐ ๐ข sa patimpalak na ๐๐ฌ๐ฅ๐จ๐ ๐๐ง para sa pagdiriwang ng ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐๐๐๐ข๐ง๐ ๐๐จ๐ง๐ญ๐ก!
๐ฅ๐๐ง๐๐ง๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฐ๐๐ฌ๐ญ๐จ HANINA MAE SORIANO (7-MOLAVE)
๐ฅ๐๐ค๐๐ฅ๐๐ฐ๐๐ง๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฐ๐๐ฌ๐ญ๐จ: KASSAUNDRA CARPIO (7-BAKAWAN)
๐ฅ๐๐ค๐๐ญ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฐ๐๐ฌ๐ญ๐จ: JOHN KELVIN TANIG (7-TALISAY)
๐๐๐ค๐-๐๐ฉ๐๐ญ ๐ง๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฐ๐๐ฌ๐ญ๐จ: THEA BALITE (7-LAGUNDI)
Mabuhay ang mga kabataang may hilig sa ๐ฉ๐๐ ๐๐๐๐๐ฌ๐ at ๐ฉ๐๐ ๐ฅ๐ข๐ค๐ก๐ ng mga ๐ฆ๐๐ค๐๐๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ก๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ง๐ฌ๐๐ก๐!
๐๐๐ฉ๐ฌ๐ข๐ฒ๐จ๐ง | ๐๐๐ซ๐ข๐๐ฅ ๐๐ฌ๐ฉ๐๐ซ๐๐ ๐จ๐ณ๐
๐๐ข๐๐ฎ๐ก๐จ | ๐๐ฅ๐ฒ๐ฏ๐ ๐๐๐ฉ๐๐ซ๐๐ฌ
18/11/2025
Noong ๐๐จ๐๐ฒ๐๐ฆ๐๐ซ๐ 7, 2025, matagumpay na isinagawa ang ๐๐ง๐ญ๐ซ๐๐ฆ๐ฎ๐ซ๐๐ฅ๐ฌ 2025, ๐๐ฒ๐ฆ๐ง๐๐ฌ๐ญ๐ข๐๐ฌ. Isinagawa ito sa ๐๐๐ ๐๐ฎ๐ข๐ฅ๐๐ข๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐๐๐โ๐๐ญ๐จ. ๐๐จ๐ฌ๐๐ซ๐ข๐จ sa pangunguna ng kanilang Coach na si ๐๐โ๐๐ฆ ๐๐ข๐ซ๐๐๐ฅ๐ ๐๐จ๐ฒ ๐๐๐๐๐ซ๐ญ๐จ.
Isa sa mga tampok na pagtatanghal ngayong taon ay ang ๐๐ฒ๐ฆ๐ง๐๐ฌ๐ญ๐ข๐๐ฌ, isang disiplina sa palakasan na nakatuon sa ๐ฅ๐๐ค๐๐ฌ, ๐๐ฅ๐๐ค๐ฌ๐ข๐๐ข๐ฅ๐ข๐๐๐, ๐๐๐ฅ๐๐ง๐ฌ๐, at ๐ค๐จ๐ง๐ญ๐ซ๐จ๐ฅ ๐ง๐ ๐ค๐๐ญ๐๐ฐ๐๐ง. Sa pamamagitan ng ibaโt ibang galaw tulad ng ๐ญ๐ฎ๐ฆ๐๐ฅ๐ข๐ง๐ , ๐๐๐ฅ๐๐ง๐๐ข๐ง๐ , ๐๐ญ ๐ซ๐ก๐ฒ๐ญ๐ก๐ฆ๐ข๐ ๐ซ๐จ๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐๐ฌ, ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang ๐๐๐๐ข๐ค๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง, ๐ญ๐ข๐ฒ๐๐ ๐, at ๐๐ข๐ฌ๐ข๐ฉ๐ฅ๐ข๐ง๐ sa bawat pagsasanay.
Muling napatunayan ng Intrams na ang tunay na diwa ng palakasan ay hindi lamang nasusukat sa panalo, kundi sa ๐ฉ๐๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฆ๐ข๐ค๐๐ฉ at ๐ฉ๐๐ ๐ค๐๐ค๐๐ข๐ฌ๐ ng bawat mag-aaral.
๐๐ซ๐๐๐ข๐ญ๐จ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฅ๐๐ซ๐๐ฐ๐๐ง ๐๐ญ ๐๐๐ฉ๐ฌ๐ข๐ฒ๐จ๐ง| ๐๐๐ง ๐๐ฒ๐ซ๐๐ก๐ฌ
๐๐ข๐๐ฎ๐ก๐จ | ๐๐๐ง ๐๐ฒ๐ซ๐๐ก๐ฌ
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
Malolos