DZMM Radyo Patrol 630

DZMM Radyo Patrol 630

Share

30/10/2025

Isang low pressure area (LPA) ang nabuo sa timog ng Guam, labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa PAGASA nitong Huwebes ng umaga. Matatagpuan ito 2,025 kilometro silangan ng timog Mindanao, at mababa pa ang tsansa nitong maging bagyo sa susunod na 24 oras.

Posible itong pumasok sa PAR sa Linggo o Lunes bilang isang tropical cyclone na papangalanang “Tino”, ang ika-20 bagyo ng taon.

May dalawang posibleng direksyon ang sistema: una, dahan-dahang kikilos pa-northwest patungong Northern Luzon, o kaya’y pa-west northwest na maaaring tumama sa Eastern Visayas sa susunod na linggo.

Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na patuloy na mag-monitor ng mga update, dahil may mataas na antas ng hindi tiyak sa forecast ng sama ng panahon.

30/10/2025

Muling sumingaw ang Bulkang Kanlaon 12:36PM hanggang 12:57PM Oktubre 30, 2025 ayon sa PhiVolcS.

Umakyat ng 300 meters ang ash emission mula sa bunganga ng bulkan bago ito tinangay ng hangin pa-Kanluran.

Nakuhanan ito ng Kanlaon Volcano Observatory - Canlaon City (KVO-CC) IP Camera.

Nananatili naman sa Alert Level 2 ang Bulkang Kanlaon.

Photos from DZMM Radyo Patrol 630's post 30/10/2025

ON-TIME ⛴️⚓️

Nananatiling maluwag ang sitwasyon aa Northport Passenger Terminal.

Sa kasalukuyan ay wala ring naitalang mga biyahe na naantala. |via Angela Babad /DZMM, PRTV News

Want your business to be the top-listed Media Company in Makati?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


3F Universal RE Bldg, 106 Paseo De Roxas
Makati
1226