Wealthier Pinoy
24/06/2021
Marami ang hindi nakakaalam sa BPI QR code.
Pag meron kang BPI QR code, pwede mo itong gamitin sa mga online bank transactions mo na BPI to BPI para di ka na magbayad ng convenience fee na 10 pesos. The transaction is free of charge if you use QR code.
Click each photo to read the instruction on how to generate your own BPI QR code. I try to make it as simple as I can.
03/05/2021
IWAS SCAM TIP
May dalawa kong story na nabasa na mga nascam online gamit ang GCash. Yung isa artista at yung isa ay yung lalaking may sakit ang father nya na nagviral ang fb post.
Nakakalungkot na maraming nabibiktima kaya naman dapat maging mas maingat tayo.
PAANO MALALAMAN NA SCAMMER ANG KAUSAP?
-Hinihingi ang OTP mo.
Ito ang number 1 sign na scammer talaga ang kausap mo. HUWAG NA HUWAG NA HUWAG mong i-share sa kahit kanino ang OTP mo. Pag meron tayong transactions online, nagtetext ng OTP number satin ang GCash para i-allow ang transaction. Pag nakuha ito ng scammer, pwede nyang itransfer ang buong pera mo sa GCash sa ibang account kung ibibigay mo sa kanya ang OTP number. Hindi lamang GCash ang may OTP, kahit mga online banking tulad ng BPI, BDO at iba pa ay gumagamit din nito.
ANO ANG OTP?
-One-Time Password o OTP ay matatanggap mo sa pamamagitan ng text tuwing may transaction kang ginagawa tulad ng pag transfer ng pera sa ibang account, nagbabayad ng bills online, etc. Ang purpose nito ay para masiguro na pinapayagan mo ang isang transaction na mangyari sa account mo.
Laging paalala ng GCash:
IMPORTANT: Please do not share your MPIN and OTP to anyone. Sharing it means you are authorizing a transaction. GCash representatives will never ask for this information.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Opening Hours
| Monday | 9am - 6pm |
| Tuesday | 9am - 6pm |
| Wednesday | 9am - 6pm |
| Thursday | 9am - 6pm |
| Friday | 9am - 6pm |
| Saturday | 9am - 6pm |