Tutor Jude

Tutor Jude

Share

21/02/2026

May mga paglalakbay na hindi para tumakas, kundi para makahinga.
May mga sandaling paglayo na hindi pagtalikod, kundi panunumbalik.

“Sulyap-Laya”
ni Hudgel

Isang maikling pagtakas upang buuin muli ang sarili, upang sa pagbabalik ay mas handa, mas buo, at mas matatag.

19/02/2026

Ang Filipino ay sa iba't ibang larang at Filipino bilang larang.

06/02/2026

Isa na namang makabuluhang balitaktakan ang ating natapos. Maraming salamat po sa inyong lahat! Lagi't lagi, ang pag-ibig ay parang batis, payapa tulad ng dagat at malaya gaya ng ibong lumilipad sa himpapawid.

28/01/2026

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard! Lisa Matibag Garcia, Ellie Mac, Tristan Josh Sarmiento, Jewel Aliona Apuya, James Del Mundo, Angelina Shalom, Cyrus James Reyes, Princess Emerald De Castro, Mia Arellano

27/01/2026

May nagsasabing walang kuwenta raw ang BA Filipino at BSEd Filipino dahil wala umanong trabaho pagkatapos.
Hindi totoo iyan. At kung iisipin, napakababaw ng ganoong pananaw.
Ang kursong Filipino ay hindi pang-display. Pang-laban ito.
Ito ang kursong humuhubog ng mga g**o na nagtatanim ng kamalayan sa silid-aralan, mga manunulat at editor na humuhubog ng diskurso sa midya, mga tagapagsalin na nag-uugnay ng wika at kapangyarihan, at mga mananaliksik na nagbibigay-boses sa karanasan ng Pilipino.

May trabaho sa Filipino.
G**o sa basic at higher education.
Manunulat, editor, at content specialist.
Tagapagsalin at interpreter.
Researcher at curriculum developer.
Media practitioner, communication officer, at cultural worker.
Maging sa gobyerno, NGO, publishing, at creative industries, may puwang ang may malalim na kaalaman sa wika.

Ang BA Filipino at BSEd Filipino ay para sa mga taong pumipili ng saysay kaysa papuri.
Para sa mga naniniwalang hindi lahat ng mahalaga ay nasusukat sa pera.
Para sa mga handang ipaglaban ang wika ng bayan kahit minamaliit ito ng iba.
Hindi kami nag-aral ng Filipino dahil wala kaming choice.
Pinili namin ito dahil may paninindigan kami.

Habang may Pilipinong nagsasalita, nagsusulat, at nag-iisip sa Filipino,
may kinabukasan ang kursong ito.
At hindi iyon kailanman mawawala. ❤️

17/01/2026

Narinig mo na ba ang salitang bungesa?

Ang isang salita, kahit balbal o bagong usbong ay nagiging katanggap-tanggap kapag ito’y nauunawaan at ginagamit ng isang pangkat. Sa ganitong paraan, patuloy na nabubuhay at yumayabong ang wika bilang salamin ng ating karanasan.

Maraming salamat Bungesa sa pagpapakilala at palaging paggamit ng salitang ito❤️

16/01/2026

Paalala ni Tutor Jude
Hindi kasalanan ang huminga. Hindi kahinaan ang magpahinga. Sa bawat sandali ng pahinga, nag-iipon tayo ng lakas para muling harapin ang mundo!

Mga g**o at kawani, relax muna! ‘Wag masyadong magpaka-stress, baka bigla na lang kayong maging NATURAL VACANCY😂

Want your school to be the top-listed School/college in Lobo?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


N. Babao Street
Lobo
4229