Dong Padilla
02/06/2026
Bago po matapos ang araw na ito, nais ko pong ipaabot ang aking taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nagpaabot ng pagbati at pakikiisa sa aking kaarawan, lalo na sa aking minamahal na pamilya na naghanda ng napakagandang birthday surprise para sa akin. Lalong higit sa akin pong maybahay na si Shenet at sa aking mga anak na sina Anica, Don, at King. Lubos po akong naantig at napasaya sa inyong pagmamahal, oras, at pagsisikap upang gawing tunay na espesyal ang aking kaarawan.
Taos-puso rin po ang aking pasasalamat kay Vice Governor Engr. Joseph Ascutia, sa ating mga alkalde, mga bokal, mga kaibigan, taga-suporta, at mga kasamahan sa opisina na naglaan ng kanilang oras upang makiisa at makibahagi sa pagdiriwang. Ang inyong presensya, pagbati, at patuloy na suporta ay isang malaking biyaya na aking lubos na pinapahalagahan.
Maraming salamat po sa inyong lahat. Sa patuloy nating pagkakaisa at pagtutulungan, nawa'y mas marami pa po tayong maabot at mapaglingkuran sa mga darating pang mga taon.
Muli, mula po sa aking puso, maraming maraming salamat po! 🎂🎉❤️🙏🏻
02/06/2026
Ngayong umaga ay dumalo po tayo sa pagpapasinaya ng bagong Out-Patient Department (OPD) Waiting Area ng Labo District Hospital. Kasama po natin sa aktibidad na ito sina Vice Governor Engr. Joseph Ascutia, Provincial Administrator Don Padilla, Executive Secretary to the Governor Anica Padilla, at iba pang kawani ng pamahalaan. Nagkaroon din po tayo ng pagkakataong makumusta ang ating mga kababayang nagpapagaling at makita ang mga patuloy na pagbabago sa ating ospital.
Ang pasilidad po na ito ay bahagi lamang ng mas malawak naming layunin ni Vice Governor Engr. Joseph Villaverde Ascutia na mapabuti ang kalagayan ng ating mga pagamutan. Naniniwala po tayo na ang bawat pasyente ay nararapat lamang sa isang malinis, maayos, at komportableng lugar habang naghihintay ng kinakailangang serbisyong medikal.
Tandaan po natin na ito ay bunga ng ating sama-samang pagtutulungan. Sa kabila po ng nga hamon sa pondo, hindi po ito naging hadlang sa hangarin ng Pamahalaang Panlalawigan na ibigay ang kaginahawaan sa ating mga mamamayan. Patuloy rin po nating ipinaalala sa mga empleyado na higit sa mga gusali at kagamitan, mas mahalaga pa rin ang malasakit, pag-unawa, at simpleng ngiti na naibibigay ng bawat lingkod-bayan sa ating mga pasyente.
Alam po natin kung gaano kahirap ang magkasakit, kaya ayaw na po nating madagdagan pa ang pagsubok na nararanasan ng ating mga kababayan. Ang layunin po natin ay simple lamang, ito ay tiyaking may malinis, maayos, makatao, at maaasahang serbisyong pangkalusugan na naghihintay para sa bawat CamNorteño.
31/05/2026
31/05/2026
Sabi nga po nila, ang kaarawan ay paalala na ang buhay ay isang biyaya, at ang pinakamainam na tugon po dito ay ang magpasalamat at magbahagi sa kapwa.
Dahil kaarawan ko na po bukas, katulad ng ating nakasanayan, pinili po natin na ipagdiwang ito ng maaga sa piling ng ating mga kababayang kasalukuyang nagpapagaling sa mga ospital, mga kabataan sa bahay-ampunan, at ang mga kababayan nating nasa piitan. Sa pamamagitan ng munting pananghalian na ating ipinamahagi, nais po nating iparating na sa gitna ng kanilang pinagdaraanan, hindi sila nag-iisa at may komunidad na patuloy na umaagapay sa kanila.
Hindi rin po mapapantayan ng anumang yaman ang ligayang dulot ng inyong mga ngiti. Ang makita po kayong masaya sa kabila ng mga pagsubok ang tila isa sa mga pinakadakilang regalo na natanggap ko po ngayon.
Taos-puso po akong nagpapasalamat sa ating Mahal na Panginoon sa biyayang ito, at sa lahat ng nagpaabot ng kanilang maagang pagbati. Muli, maraming salamat po, at isang pinagpalang Linggo po sa inyong lahat.
Click here to claim your Sponsored Listing.