Departamentong Filipino
19/11/2025
✨ Sa wakas, ito na ang sandali na pinangarap natin simula’t sapul—ang maging g**o! ✨
Alam nating hindi madali ang maging isang pre-service teacher. Maaaring may mga luha, pagod, at pagdududa, ngunit mas matimbang ang mga ngiti, tagumpay, at pagmamahal na ating matatagpuan habang hinuhubog natin ang ating mga sarili sa larangan ng pagtuturo.
Sa bawat hakbang natin sa paaralan, dalhin natin sana ang mga aral ng ating mga naging g**o, ang suporta ng ating pamilya, at ang pangako natin sa sarili: na hinding-hindi tayo susuko sa pagtulong sa mga batang nangangarap tulad natin.
Ito na ang simula ng ating pangarap. Sabay-sabay nating harapin at ipanalo ang laban na ito! 🎓 Isang semestre na lang, at makakamit na natin ang ating minimithing diploma—ang susi upang buksan ang pinto ng pagbabago sa edukasyon.
Sa mga kasamang future educators: Manalig tayo sa ating kakayahan. Ang bawat pagsubok ay hulagway ng ating paglago. Para sa mga bata, para sa bayan, kaya natin 'to! 💚🤍
Sail on SPCI! MABUHAY ANG DEPARTAMENTONG FILIPINO ✨🫶
TALENT NIGHT ✨
PAUBAYA | Imee Jarantilla Jobie Gomez
Tunay na NAKAKAMANGHA! 👏
DUET COMPETITION
IKAW LAMANG 🎶| Gleen Ansale Rhea Jane Baroy Ocol
Laban para sa Departamentong Filipino 🫶✨
30/09/2025
Decked out in finery, the Filipino Department's muse and es**rt led their department in the 79th Founding Anniversary and Intramurals Meet Kasadya 2025 parade of Southern Philippine College Inc.. The Filipino department marched with evident pride and unity. ✨
29/09/2025
Goodluck FILIPINO DEPARTMENT ✨🫶 Asahan niyo ang aming buong pagmamahal at suporta para sa coronation night!
28/09/2025
Isang maligayang pagbati sa mga kinatawan ng Departamentong Filipino na nagwagi sa pageant ng Education Day 2025! ✨🎉
Ang inyong pagiging first runner-up ay isang patunay sa inyong galing at determinasyon. Nawa'y magpatuloy kayong magtagumpay sa inyong mga susunod na pagsubok. At magsilbing inspirasyon kayo sa iba pang mag-aaral na ipaglaban ang kanilang mga pangarap!
Sa ating Departamentong Filipino, mabuhay tayong lahat! 🫶🥰
29/08/2025
Isang mainit na pagbati sa ating mga panalo mula sa Departamentong Filipino 👏🏻🎉
🥇1st - Pagsulat Ng Tula
🥇1st - Poster Making
🥇1st - Dagliang Talumpati
🥈2nd - Pinoy Henyo
🥈2nd - Pagsulat Ng Sanaysay
🥈2nd - Katutubong Sayaw
🥉3rd - Spoken Poetry
04/08/2025
Nawa’y patatagin tayo sa ating Field Study sa iba't ibang paaralan. Bigyan tayo ng sapat na lakas at sigla upang malampasan ang mga pagsubok at paghihirap sa araw-araw, upang makamit natin ang ating minimithing pangarap—ang natatanging DIPLOMA.
Sa pagsisimula ng ating Field Study, nawa’y magpursige tayo at magsumikap sa pag-aaral ng iba't ibang pamamaraan ng pagtuturo, upang lalo pang mapaigting at mapalago ang ating kakayahan bilang mga g**o.
Sama-sama nating harapin ang landas na ito nang may tapang, dedikasyon, at pagmamalasakit—sapagkat ang ating paglalakbay ngayon ang magiging pundasyon ng magandang kinabukasan ng mga batang Pilipino. Patuloy tayong magtagumpay! 🌟📚
Laban DEPARTAMENTONG FILIPINO 🤞✨
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Labason