DJ Rica Bonita

DJ Rica Bonita

Share

10/06/2026

True Chika:

Tawagin nyo na lang po akong Nini. Gulong-gulo ang puso ko ngayon.

May dalawa akong manliligaw na parehong malapit na sa puso ko at handa ko nang sagutin ang isa sa kanila—ang problema, hindi ako makapili.

Ang una ay si “Boy 1.” Subok ko na ang katapatan dahil matagal nang naghihintay. Sobrang maalaga siya at kampante ako kapag kasama ko siya. Ang ikalawa naman ay si “Boy 2.” Bago pa lang siya sa buhay ko pero napakabilis ng koneksyon namin. Puno ng saya at excitement kapag siya ang kasama ko.

Ayaw ko makasakit ng damdamin dahil pareho silang mabuting tao. Paano ko po ba malalaman kung sino sa kanila ang tamang piliin nang hindi ako magsisisi sa huli?

09/06/2026

DUYOG HINABANG: Donation drive para sa mga biktima ng malakas na lindol sa iba't ibang bahagi ng Mindanao, inilunsad ng Notre Dame Broadcasting Corporation o NDBC

MULING nagbukas ng pagkakataon ang Notre Dame Broadcasting Corporation para sa mga nais magpaabot ng tulong sa naapektohan ng lindol sa malaking bahagi ng Mindanao kasunod ng pagtama ng Magnitude 7.8 na lindol sa Sarangani sa pamamagitan ng paglulunsad ng kampanyang “DUYOG HINABANG: Isang Puso, Isang Bayanihan”.

Layon ng naturang donation drive na makalikom ng ayuda para sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng naganap na malakas na lindol sa iba't ibang dako ng Mindanao tulad ng Sarangani, General Santos City, Davao Occidental, at marami pang iba.

Nabatid na ang inistyatibong ito ay ilang beses nang pinangunahan ng NDBC sa tuwing may nararanasang kalamidad tulad ng Cebu and Manay Quake at bagyo sa Cebu at Surigao.

Bukas ang himpilan sa iba't ibang uri ng kontribusyon kung saan bukod sa cash donations ay tumatanggap din ang NDBC ng mga relief goods at inuming tubig na lubhang kailangan ngayon sa mga evacuation centers.

Para sa mga nais magpaabot ng tulong pinansyal, maaaring ipadala ang donasyon sa pamamagitan ng GCash account number na 0991-309-9387.

Bukod dito, maaari ring dalahin at iwanan ang mga donasyon sa mismong tanggapan ng Radyo BIDA at Happy FM Station sa Kidapawan City na matatagpuan sa DXND Building, Daang Maharlika Street, Barangay Poblacion.

Sa Oblate Media Center, Sinsuat cor. Quezon Aves., sa Cotabato City at Reyes Block 2, Brgy Morales, Gensan Drive, sa Koronadal City.

Umaasa naman ang pamunuan ng network sa mabilis na pagtugon at pagkakaisa ng publiko upang maipaabot ang agarang saklolo sa mga kababayang nawalan ng tirahan at kabuhayan.

Inaasahan na agad na ibabiyahe at ipamamahagi ng NDBC na pinamumunuan ni Fr. Rockmore Saniel, OMI at ng mga volunteer groups ang mga malilikom na tulong direkta sa mga pamilyang pinakapininsala ng kalamidad.

09/06/2026

Bibili ka ba ng sasakyan kahit wala kang sariling garahe?

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Kidapawan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address

DXND Building Daang Maharlika
Kidapawan
9400