Scout-R Motivational

Scout-R Motivational

Share

10/05/2026

Ako si Master Sergeant Roy Kuenka, at ito ang kwento ng isa sa pinakamadugong laban na halos kumuha ng buhay ko ang engkwentro sa Surigao del Sur noong 1991, isang laban na kalaunan ay naging dahilan upang ako’y gawaran ng Medal of Valor.

Bandang alas-3:15 ng madaling araw nang bigla kaming magising sa sunod-sunod na putok ng baril.

“Commander! Inaatake tayo!”

Sigaw iyon ng kasama kong naka-duty.

Pero bago pa man magsimula ang impiyerno, may kakaiba na akong nararamdaman. Hindi ako makatulog noong gabing iyon. Mabigat ang pakiramdam ko na parang may paparating na trahedya. Sa maliit naming altar sa detachment, nagsindi ako ng kandila at tahimik na nagdasal.

Pero habang nakatitig ako sa apoy… bigla itong yumuko.

Doon ako kinabahan.

Parang may babala ang Diyos na may masamang mangyayari.

Ilang minuto lang ang lumipas, sumabog ang unang putok.

Agad akong tumakbo palabas ng detachment. Pero paglabas ko pa lang, sinalubong na kami ng napakalakas na putukan. Hindi ko man nakita kung anong armas ang unang tumama, ramdam ko agad ang matinding hapdi tinamaan ako ng shrapnel sa puwitan.

Masakit.

Pero tiniis ko.

Hindi ko sinabi sa mga kasama ko na sugatan ako dahil alam kong kapag nalaman nila, baka mawalan sila ng pag-asa.

Anim lang kami sa detachment.

Ako lang ang regular na sundalo na may dalang M14, habang ang lima kong kasama ay mga CAFGU lamang. Wala kaming machine gun. Wala kaming mortar. Wala kaming backup na mabibigat na armas.

Pero ang kalaban…

Mahigit isang daan.

May dalawang M60 machine gun, BAR, at iba’t ibang high-powered fi****ms.

Parang gyera na talaga.

Ang pwesto namin ay nasa patag na bahagi malapit sa dagat, napapalibutan ng basakan at kakaunting cover. Bawat galaw namin ay pwedeng maging huli.

Habang nagpapalitan ng bala, paikot-ikot lang ako sa trench.

Isang putok.

Isang target.

Tinitipid ko ang bala ko dahil alam kong kapag naubos iyon… katapusan na namin.

Habang tumatagal, lalong umiinit ang bakbakan.

Maya-maya, may malakas na pagsabog kaming narinig mula sa may tulay.

Doon ko nalaman…

Pinasabog pala ng kalaban ang tulay sa Tago para hindi kami agad mareinforce-an.

Ibig sabihin…

Kami lang talaga.

Walang sasaklolo.

Bandang umaga, may narinig akong mga babaeng gumagamit ng megaphone.

Tinatawag nila ako sa pangalan.

“Roy… sumuko ka na…”

Doon ko napagtanto na kilalang-kilala nila kami. May impormasyon sila tungkol sa aming detachment.

Pero kahit kailan, hindi sumagi sa isip ko ang pagsuko.

Dahil alam kong oras na sumuko ako… papatayin din nila kami.

Apat na oras kaming tuloy-tuloy na nakipaglaban.

Isa sa mga kasama ko ang napatay.

Ang isa naman ay nawalan ng armas.

Ako naman, sugatan na… paubos na rin ang bala.

Pero hawak ko pa rin ang sitwasyon.

Hinugot ko pa ang granada ko at sinabi sa kasama ko:

“Hindi tayo susuko.”

Habang papalapit nang papalapit ang kalaban halos tatlong metro na lang ang pagitan namin naririnig ko na silang sumisigaw:

“Sige na! Kunin mo na!”

Alam kong ako ang target nila.

Ramdam ko na anumang segundo, pwede na akong mamatay.

Pero sa mga oras na iyon, wala na akong ibang kinapitan kundi ang Diyos.

“Panginoon… Ikaw na ang bahala sa akin.”

Hindi ko alam kung mabubuhay pa ako.

Pero sigurado ako sa isang bagay

Hindi ako susuko nang buhay.

Pagsikat ng araw, unti-unting umatras ang kalaban.

Ayon sa report, nasa mahigit 120 sila.

Samantalang lima na lang kaming natitirang lumalaban.

Labindalawang bangkay ng kalaban ang naiwan sa paligid, kasama ang ilang armas.

Dumating man ang reinforcement, tapos na ang laban.

Natagalan silang makarating dahil kinailangan pa nilang dumaan sa tabing dagat matapos pasabugin ang tulay sa Tago.

Pagkatapos lang ng engkwentro nalaman ng mga kasama ko na sugatan ako.

Doon ko lang ipinakita ang tama ko.

Dinala ako sa ospital sa Tandag. Hindi naman kritikal ang sugat ko, pero hanggang ngayon, minsan sumasakit pa rin iyon parang paalala ng gabing muntik na akong hindi makauwi.

Hindi ko ginawa iyon para sa medalya.

Hindi para sumikat.

Ginawa ko iyon dahil iyon ang tungkulin ko bilang sundalo

Protektahan ang aking mga kasama…

At lumaban hanggang huling bala.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Koronadal?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address

Santo Niño, SouthCotabato
Koronadal
9509