Basilan Unity Party - BUP
15/05/2025
๐๐๐ ๐ค๐๐ค๐๐ข๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ฅ๐๐ง ๐๐ข ๐๐จ๐ฏ๐๐ซ๐ง๐จ๐ซ-๐๐ฅ๐๐๐ญ ๐๐ฎ๐ฃ๐ข๐ฏ ๐๐๐ญ๐๐ฆ๐๐ง: ๐ ๐๐ญ๐๐ญ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ
Sa lahat ng halalang ating nilahukan, ito na marahil ang pinakamabigat. Hindi dahil sa ingay o init ng kampanya, kundi dahil sa pagkakataong ito, kaharap ko sa kabilang panig ang aking sariling kapamilya.
Sanay tayong harapin ang unos โ dahil sa pulitika, may panalo at may pagkatalo. Ngunit iba ang pakiramdam kapag ang unos ay bumangga sa mga ugnayang pinanday ng panahon, ng alaala, ng dugo.
Magkakapatid tayo sa lupaing ito. We grew up with the same dreams for Basilan. Weโve walked the same roads, heard the same stories and carried the same hopes for our people.
What divided us was not the love we held for this land, but the roads we chose to take in getting there.
Sa init ng kampanya, may mga salitang binitawan na maaaring nakasakit sa parehong panig. But let me say this clearly: hindi natin kailanman hinayaang sirain ng pulitika ang ating pinagsamahan.
Ngayong tapos na ang bilangan, kailangan nating balikan ang ating sinumpaang layunin: ang mapaglingkuran ang Basilan nang may pagkakaisa, dangal at katapatan.
I extend my hand not just as your governor-elect, but as your brother, your kaibigan, your fellow Basileรฑo. If words were spoken in the heat of the race that caused unintended hurt, I offer my regret and, more importantly, my readiness to rebuild.
We fought with conviction, but now, we must heal with compassion.
Marami pa tayong kailangang harapin bilang isang lalawigan. At ang Basilan, sa kabila ng lahat, ay nararapat sa mga pinunong marunong magsantabi ng sarili upang unahin ang kapakanan ng lahat.
Kung tunay nga ang ating pagmamahal sa Basilan, dapat itong makita hindi lamang sa panahon ng halalan kundi sa araw-araw na paglilingkod. Ngayon natin patutunayan ito: hindi sa salita kundi sa gawa.
The time has come to rebuild what the campaign may have strained. Let us repair what needs to be mended, and let us move forward together.
Nawaโy ito ang maging simula ng isang bagong yugto. Hindi lamang para sa akin, kundi para sa ating lahat na nananalig pa rin sa diwa ng pagkakaisa at pag-asa.
Maraming salamat, at nawaโy simulan nating tahakin ang landas sa nagkakaisang Basilan.
15/05/2025
Umpisahan ko na sa pagpapasalamat sa lahat ng tumulong sa atin sa Team Adil at Basilan Unity Party para maipanalo ang labang ito.
Hindi naging madali ang ating pinagdaanan sa kampanyang ito. Sa bawat araw ng kampanya, ramdam natin ang bigat ng hamon. At sa gitna ng lahat, ginamit natin ang pagkakataong ito para lalo nating makita ang mga bagay na kailangang itama, ituwid at itaguyod sa ating lipunan.
Ang halalang ito ay paalala sa ating lahat: ang kapangyarihan ay nasa taumbayan. Hindi ito para sa iilan lamang. Ang boto ng bawat isa ay tinig ng pag-asa, ng pagbabago at ng pagkakaisa.
Muli, maraming salamat sa lahat ng naniwala, sumuporta at lumaban kasama namin. Lalo na sa mga volunteer na walang sawang nagbigay ng oras, lakas at pagmamahal: kayo ang tunay na bayani ng laban na ito.
Hindi lang ito tagumpay ng Team Adil at ng buong Basilan Unity Party. Ito ay tagumpay ng bawat Basileรฑo na nangangarap ng mas ligtas, mas maunlad at mas masaganang pamumuhay sa ating lalawigan.
Maraming salamat sa tiwala. Simula pa lamang ito ng panibagong yugto ng ating serbisyong totoo.
Click here to claim your Sponsored Listing.