Norie Ortile

Norie Ortile

Share

Photos from Norie Ortile's post 22/04/2026

ABRIL 22, 2026- MUNICIPAL COOPERATIVE DEVELOPMENT COUNCIL MEETING

Bilang Chairperson, Committee on Cooperative Development, dumalo tayo sa Municipal Cooperative Development Council Meeting sa paanyaya ng Cooperative Development Office ngayong araw, sa pamumuno ni Sir Ronaldo E. Legaspi, Senior Cooperative Development Specialist.

Tinalakay sa pulong ang mga updates, directives, at mga prayoridad ng iba’t ibang partner agencies na nakaangkla sa cooperative development program para sa taong ito. Ibinahagi rin ang mga mahahalagang updates mula sa CDA, kabilang ang reorganization ng council officers, sa tulong ni Sir Ramon E. Mendizabal, CDA Specialist, na nagbigay-linaw sa mga programa at serbisyong hatid ng CDA at CDO.

Dumalo din sa pagpupulong ang ating butihing Vice Mayor Alfredo J. Cielo Jr. para mag bigay ng kanyang suporta.

Patuloy nating sinusuportahan ang mga programang magpapalakas sa ating mga kooperatiba tungo sa mas inklusibo at sustenableng pag-unlad ng ating komunidad.

Photos from Norie Ortile's post 22/04/2026

Abril 21, 2026

Isang taos pusong pagbati ng Maligayang Kaarawan at isang makabuluhang pagbati sa inyong Retirement Day, Sec. Romeo “Omeng” G. Gamba.

Sa inyong mahabang panahon ng paglilingkod bilang Secretary to the Sangguniang, naging huwaran kayo ng dedikasyon, katapatan, at kahusayan. Ang inyong ambag sa pamahalaan ay hindi lamang nakita sa inyong trabaho, kundi naramdaman sa serbisyong taos puso ninyong ibinigay sa bawat mamamayan.

Maraming salamat sa inyong hindi matatawarang serbisyo. Nawa ay maging payapa, masaya, at puno ng biyaya ang bagong yugto ng inyong buhay.

Maligayang Kaarawan at maligayang pagreretiro, Sec. Omeng!

Photos from Norie Ortile's post 18/04/2026

ABRIL 18, 2026- IROSIN OPEN CHESS TOURNAMENT

Matagumpay na naisagawa ang Opening ng Open Chess Tournament na ginanap sa INACT, kung saan dinaluhan ito ng mga manlalaro mula sa Irosin at iba’t ibang bahagi ng Kabikolan. Ipinapakita nito ang patuloy na paglago at pagkakaisa ng komunidad ng chess sa ating rehiyon.

Pinangungunahan ito ng Presidente ng Irosin Chess Club na si Sir Nathaniel Balmes, katuwang ang One Chess Movement at Local Youth Development Office sa pagsasakatuparan ng nasabing paligsahan.

Photos from Norie Ortile's post 16/04/2026

Abril 16, 2026

Patuloy ang ating paghahanda para sa nalalapit na Community Pantry na inilaan para sa ating mga tricycle drivers at iba pang miyembro ng transport group. Isinagawa ang potting at pagtatanim ng iba’t ibang binhi bilang bahagi ng programang ipamamahagi sa bawat kabahayan, kasabay ng maayos na repacking ng mga gulay para sa pantry na gaganapin bukas.

Kasama ko sa paghahandang ito ang ilang masisipag na staff ng OMAG sa pamumuno ni Ma’am Aidel Cielo na patuloy na sumusuporta sa ating mga programang pangkomunidad. Hindi rin matatawaran ang walang sawang suporta ng ating butihing Mayor, Dra. Catalina Grace B. Hamor, sa mga ganitong inisyatibo para sa kapakanan ng ating mga kababayan.

Sa simpleng paraan, sama-sama nating pinapalakas ang suporta sa ating komunidad at sektor ng transportasyon.

Photos from Norie Ortile's post 15/04/2026

Abril 15, 2026

Dumalo sa isinagawang validation meeting kasama ang Caracdacan Irrigators Association, katuwang ang mga personnel mula sa Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization sa pangunguna ni Engr. Jerry Ilan, kasama rin ang mga kinatawan ng Department of Agriculture, mga opisyal at miyembro ng irrigators at ang mga masisipag na empliyado ng OMAG.

Tinalakay sa pulong ang kahilingan para sa mga makinaryang pansakahan upang higit na mapalakas ang produksyon at masuportahan ang ating mga magsasaka.
Isang hakbang tungo sa mas maunlad, episyente, at sustenableng sektor ng agrikultura sa ating bayan.

Photos from Norie Ortile's post 11/04/2026

ABRIL 10, 2026 • PAGBUBUKAS NG BAGONG ESKEDYOL NG OPEN MARKET (SAOD)

Isang makabuluhang araw para sa ating komunidad ang muling pagbubukas ng Open Market (SAOD) sa bago nitong pwesto sa Terminal Area, INACT Compound. Layunin ng inisyatibong ito na mabigyan ng mas maayos, maluwag, at komportableng lugar ang ating mga tindera at tindero, gayundin ang ating mga mamimili.

Bunga ito ng pagkakaisa at magandang ugnayan ng Open Market at Public Market, kung saan napagkasunduan ang patas na sistema ng pagbibigayan upang masig**ong lahat ay may oportunidad na kumita at umasenso.

Patunay ito na sa tulong ng kooperasyon at malasakit sa isa’t isa, mas napapabuti natin ang daloy ng kalakalan at kabuhayan sa ating bayan. Sama-sama sa patuloy na pag-unlad.

Photos from Norie Ortile's post 31/03/2026

MARCH 31, 2026
BUENAVISTA ELEMENTARY SCHOOL

Isang karangalan ang aking pagdalo bilang kinatawan ng ating butihing Mayor na si Dra. Catalina Grace B. Hamor sa pagtatapos ng mga mag-aaral ng Buenavista Elementary School.

Kaakibat ng temang “Filipino Graduates: Prepared to Lead with Competence and Character,” muling pinagtibay ang kahalagahan ng edukasyon sa paghubog ng kabataang may kakayahan at mabuting asal.

Sa pamumuno ni Sir Jophel E. Dometita, Head Teacher I, at sa confirmation of the candidates for graduation na isinagawa ni Ma'am Karen O. Mercado, Principal I ng Irosin Central School, naging maayos at matagumpay ang seremonya.
Lubos din ang pasasalamat sa mga g**o na walang sawang gumabay, nagturo, at naghubog sa mga mag-aaral upang maabot ang kanilang mga pangarap.

Taos-pusong pagbati sa lahat ng nagsipagtapos. Nawa’y maging inspirasyon kayo at patuloy na magsikap para sa kinabukasan.

Photos from Norie Ortile's post 30/03/2026

MARCH 30, 2026-
IROSIN NORTH HIGH SCHOOL

Isang karangalan ang aking pagdalo bilang kinatawan ng ating Vice Mayor Alfredo J. Cielo Jr., sa ginanap na Recognition Day ng Irosin North High School.

Sa pangunguna ni Sir Jose D. Ricafort Jr., School Principal I, matagumpay na nabigyang-parangal ang mga mag-aaral na nagsumikap at nagpakita ng kahusayan sa kanilang pag-aaral.

Maraming salamat din sa mga masisipag at walang sawang mag turo na mga g**o, na parte ng pag hubog at dedikasyon para sa lahat ng mag-aaral.

Ang pagkilalang ito ay patunay na ang sipag, tiyaga, at determinasyon ay nagbubunga ng tagumpay. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang lalo pang pagbutihin ang paglalakbay sa edukasyon.

Taos-pusong pagbati sa lahat ng mga pinarangalan. Ipagpatuloy ninyo ang inyong galing at maging huwaran sa kapwa kabataan.

Photos from Norie Ortile's post 29/03/2026

MARCH 29, 2026 • BARANGAY MACAWAYAN ASSEMBLY

Isang makabuluhang pagdalo sa ginanap na Barangay Assembly ng Macawayan sa pamumuno ng ating masipag na Punong Barangay, Hon. Avelino Mendones.

Patuloy ang ating pakikiisa at suporta sa mga programang naglalayong mapaunlad ang komunidad, mapakinggan ang boses ng mamamayan, at mapatatag ang samahan ng bawat isa.

Sa ganitong mga pagtitipon, mas lalo nating naipapakita ang tunay na diwa ng pagkakaisa at malasakit para sa ating barangay.

Photos from Norie Ortile's post 28/03/2026

MARCH 28, 2026
MACAWAYAN ELEMENTARY SCHOOL

Isang makabuluhang araw ang aking pagdalo bilang kinatawan ng ating butihing Mayor na si Dra. Catalina Grace B. Hamor sa pagtatapos ng mga mag-aaral ng Macawayan Elementary School.

Kaakibat ng temang “Pilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno Nang May Kakayahan at Mabuting Tao.” ipinapaalala ang mahalagang papel ng edukasyon sa paghubog ng may kakayahan at may integridad na kabataan.

Sa pamumuno ni Sir Eddie P. Gestiada, Principal I, at sa isinagawang confirmation of the candidates for graduation and completion ni Ma'am Andrea E. Glipo, Principal I ng Liang Elementary School, naging maayos at matagumpay ang seremonya.

Taos-pusong pagbati sa mga nagsipagtapos. Dalhin ninyo ang inyong natutunan at gamitin ito para sa ikauunlad ng inyong sarili at ng ating komunidad.

Photos from IROSIN INFONEWS's post 28/03/2026

Makilahok sa Earth Hour ngayong March 28, 2026 mula 8:30 PM hanggang 9:30 PM. Patayin ang ilaw, i-unplug ang mga hindi kailangang gamit, at maglaan ng isang oras para sa ating Inang Kalikasan.

Ngunit hindi lamang sa isang oras o sa isang araw dapat natin ito ginagawa. Araw-araw, responsibilidad nating pangalagaan, mahalin, at protektahan ang ating mundo. Maliit man na hakbang, kapag sama-sama, nagiging malaking pagbabago.

Para sa kalikasan. Para sa kinabukasan. Para sa ating lahat.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Irosin?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address

Buenavista
Irosin
4707