Coach JAY-R
Just a kid who once dreamed of playing in the PBA… I never imagined I’d end up coaching instead—guiding young athletes to reach their potential and chase the very dream I once had.
Hindi man ako umabot sa PBA bilang player, pero naging tulay naman ako para sa iba na makarating doon. I believe that’s God’s purpose for me.
Dati, nanonood lang ako sa TV—kina Benjie Paras at Ronnie Magsanoc—at naiinis pa kapag kalaban ang Alaska. Ngayon, who would have thought na makakasama ko sila sa isang segment on national television? At ako pa mismo ang mapapanood sa TV—grabe, nakakakaba pala!
Hindi ito para ipagmayabang. Gusto ko lang sabihin: dreams make life powerful. You never really know where they’ll lead you, so keep pushing every day. Naniniwala ako—sa bawat suntok at tiyaga sa pangarap, darating din ang tamang oras.
Salamat, Lord, sa lahat ng blessings at sa mga taong ginamit Mo para matulungan akong makarating dito. At sa mga naniwala sa akin—maraming salamat.
From the ground up—this is Coach Jayr, sharing my story in hopes na ma-inspire ko kayo.
Tara, ensayo! 🏀 (At sana next time, hindi na ako kabado sa camera 😅)
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
Iriga City
4431