Prof. Jay's Vlog
WARNING!!! Pakibasa po.
Effective nga ba ang INTERVENTION na aking ginamit sa EXPERIMENTAL RESEARCH/ACTION RESEARCH?
Pwede na bang masabing EFFECTIVE ang aking INTERVENTION kapag nareject ko ang null hypothesis (H0) na “At 5% level of significance, there is no significant difference between the performance of the control and experimental group after the implementation of my INTERVENTION?
Tara pag-usapan natin.
Nakakatuwa na umuusad na ang larangan ng research at marami na ang utay-utay na nakaka-appreciate rito. Pasubali, kailangan nating maging maingat sa ating pagsusulat ng mga research results at conclusions sapagkat ang mga ito ay paniniwalaan ng mga tao bilang batayan ng kanilang desisyon sa mga bagay-bagay na kanilang gagawin.
Marami ngayong mga pag-aaral ang nakikita kong napakaganda ng hangarin ngunit hindi masyadong naaanalisa ang paraan ng pagkakasulat. Halimbawa, may mga pag-aaral na naisagawa na ang nagsasabing effective ang INTERVENTION na naisagawa ng mananaliksik pasubaling wala tayong makitang malinaw na ebidensya.
Marami sa mga researchers na gumagamit ng experimental na pamamaraan ay hindi masyadong oriented sa paggamit at limitation ng p value. Sa rule ng p value approach, kapag mas maliit ang p value (halimbawa 0.01) kumpara sa nakaset na level of significance (halimbawa 0.05) ay sinasabi nating may malaking pagkakaiba sa performance ng dalawang grupo (halimbawa control at experimental groups).
Ating nais ipaalala na hindi porket nagkaroon ng mas mababang p value ang comparison ng dalawang grupo (control at experimental) pagkatapos gamitin ang treatment sa experimental group ay epektibo na ang treatment na ginamit ng isang researcher.
Magbigay tayo ng halimbawa. Kunwari may isang pag-aaral kung epektibo ba ang paggamit ng isang bagong strategy o hindi sa mga mag-aaral. Sa sitwasyong ito ang highest possible score sa ginawang test ay 50 at nakakuha ang control group ng central tendency na 14 samantalang ang experimental group ay nakakuha ng central tendency na 21. Dito ay magkakaroon ng difference na 7. Gamit ang pinakatamang inferential test (test of significance difference), maaaring makitang may mababang p-value ang ginawang computation. Kunwari, ang p-value na nakuha ay 0.01. So ibig sabihin, may sapat tayong ebidensya para sabihing may significant difference ang performance ng control at experimental group.
ANG TANONG, PWEDE BA NATING MASABI NA EPEKTIBO ANG ATING GINAWANG INTERVENTION PARA SA MGA MAG-AARAL?
Ang sagot ay HINDI PO. Hindi nangangahulugang may significant difference ang dalawang grupo ay epektibo na ang ating intervention. Ano ang kailangan nating gawin para masabing epektibo ang ating INTERVENTION? Una, alamin muna natin ang ibig sabihin ng epektibo. Ang sabi ng Oxford Dictionary, EFFECTIVE means “SUCCESSFUL IN PRODUCING A DESIRED OR INTENDED RESULT”. Ano ba ang ang DISIRED OR INTENDED RESULT natin para sa mga bata? HINDI BA’T ANG PUMASA SILA. Pasado na ba kapag 21/50?
Kapag hindi pa, HINDI NATIN PWEDENG SABIHING EFFECTIVE ANG ATING INTERVENTION.
Ay ano lang ang pwede nating sabihin? ANG PWEDE LANG NATING SABIHIN AY “THE PERFORMANCE OF THE STUDENTS ARE HIGHER WHEN THE INTERVENTION IS IN PLACE KUMPARA KUNG WALA, GAYA NG SA CONTROL GROUP”.
Tandaan po palagi natin na ang p value ay hindi pwedeng maging sole source para masabi kung effective ang isang intervention o hindi. Marami na ang mga pag-aaral sa field ng medicine ang nagwa-warn sa atin sa maling paggamit ng p value. Maari nyu pong basahin ang article na “Using Effect Size-or Why the P Value Is Not Enough” na nakapublish sa National Library of Medicine ng US para sa paglilinaw na ito. Sabi nga sa isa pang pag-aaral na nakapublish pa rin sa National Library of Medicine ng US, bukod sa p value ay mas maganda na ipakita rin natin at suriing mabuti ang effect size, ang results ng descriptive part ng study, ang confidence interval, at ang iba pang mga bagay na dapat I consider kagaya ng “ano ba ang passing percentage” para masigurado natin na ang pagsusulat ng results o conclusion ng ating ginawang pag-aaral ay mas malinaw. Tandaan, ang bawat research approach ay may sinusunod na philosophy. Hindi sapat ang computation lang kapag gumagawa ng research.
Maging maingat po sana tayo sa pagsusulat sapagkat napakahalaga nito para sa pag-unlad ng bayan.
19/09/2023
Thank you sa feedback nyu, Sir.
Sa mga magpapa consult ng thesis/dissertation/practical research, pm lang po kayo.
11/09/2023
Maraming salamat po sa feedback ng aking client sa research noong linggo. Super appreciated po ito, Sir.
Pm lang po sa magpapa-guide sa practical research/thesis/dissertation.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Culinary Team
Attire
Contact the school
Address
Infanta
4336