Barangay Carasuchi
26/05/2026
Patuloy pa din po ang pagpapatrolya ng ating mga Barangay Tanod at konsehal, upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng ating Barangay.
24/05/2026
Patuloy pa din po ang ating mga Barangay Tanod kasama ang Duty na Konsehal na mag bantay at magbisita sa ating Nayon upang mapanatili na mapayapa at tahimik ang ating Nayon sa gabi.
Kaya po sa mga nagbi videoke na umaabot ng lampas na ng 10PM, pasensya na po kung kayo ay napapakiusapan ng mga Tanod na tumigil dahil ito po ay utos mula sa DILG na panatilihing tahimik ang paligid sa dis-oras ng gabi.
24/05/2026
Mapagpalang araw po mga Ka-Nayon,
Sa pangunguna po ng ating Punong Barangay Cleofas O. Costelo kasama ng Sangguniang Barangay, Barangay Tanod at ang ating mga BHW, nagtulong tulong po muli para magtanim sa ating HAPAG ng Barangay. Upang isulong po na tayo ay magtanim ng gulay sa ating bakuran.
Sa mga gusto pong magtanim at magkaroon ng taniman ng gulay pwede po tayong makiisa sa pagtatanim sa ating HAPAG, makipag ugnayan lamang po tayo kay Konsehal Edward Cotoner.
Isang mapagpalang araw po sa atin mga kanayon.kayo po ay iniimbitahan sa gaganaping "CAVITE SERVICE CARAVAN" sa sa May 21,2026 sa ganap na 8am ng umaga sa Indang Cover Court. first come first serve.salmat po‼️CAVITE SERVICE CARAVAN‼️
🗓️ MAY 21, 2026, THURSDAY
📍INDANG COVERED COURT
⏰ 8:00AM registration
Program,assistance and services:
1. MEDICAL AND DENTAL MISSION
2. VACCINES (100 FLU Vaccine (15 years old & above), 100 Pneumococcal Vaccine (15years & above), deworming, flouride varnish)
3. CAVITE CAREER CARAVAN
4. LEGAL AID SERVICES (free legal services, may libreng notaryo para sa simple legal documents
5. SOCIAL WELFARE ASSISTANCE
6. VETERINARY SERVICES (consultation, free anti-rabies vaccination, free deworming and vitamin supplementation)
7. LIVELIHOOD, ENTREPRENEURSHIP AND COOPERATIVE ASSISTANCE
8. SEEDLINGS DISTRIBUTION
9. HEALTH AND FAMILY TALKS
10. DISABILITY ASSISTANCE
11. DISTRIBUTION OF COMMODITIES
12. BREAST SCREENING AND HIV TESTING (100 patients)
FIRST COME, FIRST SERVED
19/05/2026
Ngayong araw po ay nagkaroon ang BHW at BNS kasama ang RHU Indang ng Routine Immunization sa ating Health Center, at pagkatapos po nito ay nagkaroon ng meeting ang ating BHW with Kapitana Cleofas o. Costelo at ang ating Committee on Health na si Konsehal Tisoy hinggil sa mga kailangan ng ating mga BHW.
19/05/2026
Slamat po ating punong Barangay Carasuchi Hon. Cleofas Costelo sa walang sawa nyang pagtitiyaga at pagpapalow-up sa ating bagong Basketball court.
19/05/2026
Mapagpalang araw po mga Ka-Nayon, magandang balita mga Ka-Nayon, nabayaran na po ang 700sqm na tatayuan ng bagong covered court, nabisita na po ito ng Municipal Engr. at matatayuan na po ito ngayong taong ito.
Salamat sa pagtitiyaga ng ating Kapitana Cleofas O. Costelo sa pag aasikaso ng ating covered court.
19/05/2026
Ang ating Sangguniang Barangay ay laging nagsasagawa ng REGULAR SESSION tuwing una at ikatlong Lunes ng buwan. Ang session po sa Barangay ay open sa gustong umatend sa pagpupulong.
10th Regular Session
May 19, 2026
19/05/2026
Ang atin pong Kapitana ay nakipagpulong kay Mayor Menong Maligaya para po sa ika-uunlad ng ating minamahal na Barangay, at isa sa napag pulungan ay ang pagsasa ayos ng ating eskwelahan.
19/05/2026
Mapagpalang araw po, ang atin pong mga barangay tanod ay laging nagsasagawa tuwing gabi ng Foot Patroling, upang masiguro na ang ating barangay ay tahimik at ligtas para sa ating mga naninirahan dito.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Telephone
Website
Address
Indang
4122