Mary’s Journey

Mary’s Journey

Share

24/06/2026

What happen to those “KABATAAN ANG PAG ASA NG BAYAN”?

Unang araw ng pasukan na dapat ay masaya mong sasalubungin ang mga kaklase mo ng kagalakan at hindi ng karahasan. Laganap ang mga school incidents, stabbing, shooting pati panununtok gamit ang brass knuckle. Takot at pangamba ang nararamdaman sa halip na kagalakan ang maramdaman sa tuwing papasok sa paaralan.
Nakakalungkot isipin na ganito na sila ngayon. Bakit kailangan itong gawin? Hindi porket hindi makukulong eh tama na gawin nyo yung mga bagay na makakasakit sa kapwa nyo. Kung mayroon ka mang pinagdaraanan, kumausap ka ng taong iyong mapagkakatiwalaan tulad ng iyong magulang, g**o o mas maigi ang Panginoon. Mabibigyan ka nila ng tamang gabay ukol sa iyong dinaranas.

Lahat ng bagay na ating ginagawa sa ating kapwa ay may kaakibat na consequences. Maiging pag isipang mabuti bago gumawa ng mga hakbang na maaari mong pagsisihan sa huli. Huwag kang magpapadala sa kung ano man ang nakikita o napapanuod mo online. Dahil hindi lahat ng iyong nakikita, ay makakabuti para sayo.

Bata ka pa, marami pang magandang bagay ang pwedeng mangyari sayo. Napakasarap MABUHAY at MANGARAP. Mabuhay ka ng masaya kahit na ang mundo ay magulo. Sayang ang mga araw na sanay masaya mong tinatahak ang iyong pangarap sa labas at hindi sa loob ng rehas.

02/05/2026

Soooo cute 😍 makikiuso lang palaging ganito nakikita ko eh 😅

Want your business to be the top-listed Media Company in Imus?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address

Imus