Hayyy
Maniwala, Manalangin at Magtiwala ❤️☝️
Perfect Crown
Ano kaya ang nararamdaman ng araw sa tuwing makita ang sarili n'ya—
Matayog, puno ng liwanag, at simbolo ng saya?
Naranasan din kaya n'yang malungkot at mangamba,
Na baka sa bawat pansamantala n'yang paglubog,
Ay wala nang muling maging umaga?
Sa tuwing gabi, ano kaya ang ginagawa n'ya?
Totoo bang nagpapahinga,
O nananatiling gising at naghahanda
Para sa muli naming pagkikita?
Sapagkat kahit gaano kakapal ang ulap
At kalalim ang kadilimang humahadlang sa kan'ya,
Napapanatili ng magiting na araw
Ang liwanag at pag-asang dala n'ya.
Marahil kaya paulit-ulit kong binabalikan ang eksaktong lugar na ito, at paulit-ulit ding kinukunan ng larawan, ay hindi lamang upang ipunin ang alaala ng tanawin.
Kundi upang masaksihan ang mga pagbabagong hindi laging nakikita ng mata—ang paglipas ng panahon, ang pagbabago ng liwanag, at higit sa lahat, ang unti-unting pagbabago sa lalim ng pagpapahalagang natutunan ng puso.
Sapagkat may mga lugar na nananatiling pareho, ngunit sa bawat pagbabalik, ibang tao na ang tumitingin. At marahil, doon ko higit na natutunang pahalagahan ang mga bagay na noon ay bahagi lamang ng aking paligid.
Tapat ang Diyos sa Kanyang mga pangako, bagama't maaaring hindi ito mangyari ayon sa ating inaasahang oras.
"Hindi obligasyon ng anak ang kanyang mga magulang."
Bagkus ay biyaya't responsibilidad ng magulang ang kanilang mga anak.
May pananagutan na ang ama't ina bago pa man sila ipanganak.
Ang totoo, nagsisimula na ito sa panahong sila pa lamang ay nagbabalak-
Na bumuo ng pamilya, dapat handa sa lahat upang ang kinabukasa'y matiyak.
Ang kanilang mga pangangailangan ay dapat na matugunan.
Di lamang pagkain at tubig, kundi atensyon at oras, dahil higit nila itong kailangan.
Dapat silang gabayan sa tamang landas, mahalin, pag-aralin, at alagaan.
Hindi bilang pamumuhunan, kundi paggalang sa kanilang karapatan.
Kaya, hindi obligasyon ng anak ang kanyang mga magulang.
Hindi siya isinilang upang maging tugon sa mga pagkukulang.
Habang bata pa, turuan silang maging disiplinado, may respeto at paggalang.
At higit sa lahat, magkaroon ng takot sa Diyos na Maylalang.
Ang mabuting magulang ay nagbibigay nang walang hinihintay na kapalit.
Sapat nang makita ang mga anak na ang mga pangarap ay unti-unting nakakamit.
Ang mabuting anak ay kusang tutulong kahit hindi mo ipilit.
Sapagkat pinalaki nang maayos, nagbubunga ito ng pusong kusang lumalapit.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
4710