PSU Secret Files
Ito yun ee' ðŸ˜
Hindi na pwede!
San ba ako mag sisimula ? Haha share ko lang story about sa love life ko 😊. So ayun na nga may gusto ako sa mga classmate ko at ramdam ko rin na kung liligawan ko sya ay mukhang kaya ko naman tong pasagutin si pag-ibig ko . Di naman ako gwapo pero di naman pangit, siguro may kunting appeal lang kase Di naman sa pagmamayabang marami rami na rin akong Di pinansin na mga admirer ko para lang ki classmate na iniibig ko .
Nahulog ako sa lambing nya, concern nya at sa pag papamulat saken na mag aral ng maayos. Bago kase kami naging close ako yung tipong lalake na tamad pumasok at tamad gumawa ng mga Gawain sa eskwela, at nung simulang mag ka usap kami at nagi na ngang mag kaibigan ay lagi nya akong tinutulongan sa assignment sa mga activity, project at iba pa .. sa ganung bagay diko inakala na nahulog na pala ako Sakanya malaki din ang itinulong nya saken para mag aral ng mabuti naging good influence sya sa dating ako .
At dahil nga gusto ko na sya may time na nakakaramdam na ako ng selos tuwing may katabi sya na classmate namin na lalake, yung tipong gusto ko ako lang dapat lagi nyang katabi .. pero sympre wala naman akong karapatan kaya sinasarili ko nalang ang nararamdaman ko . at dahil nga sa gustong gusto ko na nga sya nag karoon na sana ako ng Plano para ligawan sya KASO biglang naging "DINA NA PALA PWEDE" kase naman ngayon ko lang nalaman na may boyfriend sya at matagal na sila 😠..
Bigla akong napaisip bakit pa kase ako nahulog sa kanya ?! Ngayon nasasaktan ako ng wala sa lugar .. mahal na mahal ko sya ng Di nya alam. Gusto ko syang yakapin tuwing malapit sya saken kaso dina pwede !! Wala akong magawa kundi ang maghintay at mag abang .. at ngayon inuumpisahan ko narin ang ibaling ang loob sa iba ng sa ganun Di ako makulong sa pang habang buhay na kabigoan. So yun na kwento ko na rin sana may makarelate haha 😂 at sorry kung nasayang oras mo sa pagbasa ng baduy na complicated love story ko haha 😊✌
at may tanung pa pala sa isip ko..
Na ako nga ba ang nag bibigay kahulogan sa mga ginagawa nya o sya ang gumagawa ng dahilan para mahulog ako at masaktan ? (Fafall kong baga)
2017
College of business management
Click here to claim your Sponsored Listing.