SIKLaB
19/12/2025
𝐏𝐚𝐠𝐛𝐚𝐭𝐢 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐆𝐮𝐫𝐨 𝐬𝐚 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨! ✨👨🏫👩🏫
Malugod naming ipinapaabot ang aming taos-pusong pagbati sa mga bagong Lisensiyadong Propesyonal na G**o (LPT) na may espesyalisasyon sa Filipino sa matagumpay na pagtamo ng lisensya sa Licensure Examination for Teachers (LET). Ang inyong pagkakaloob ng propesyonal na lisensiya ay patunay ng inyong komprehensibong kahandaan sa larangan ng pedagogiya, lingguwistika, at pananaliksik na nakatuon sa epektibong pagtuturo ng wikang Filipino. ✍️📜
Ang tagumpay na ito ay bunga ng sistematikong pagsasanay, akademikong disiplina, at patuloy na paglinang ng kritikal na pag-iisip na mahalaga sa pagpapaunlad ng kasanayang komunikatibo at kamalayang kultural ng mga mag-aaral. Bilang mga ganap na propesyonal sa larangan ng edukasyon, inaasahang kayo’y magsisilbing mga tagapagtaguyod ng mataas na pamantayan ng pagtuturo, etikal na pananagutan, at makabayang adhikain sa pagpapalaganap ng wikang pambansa.
Nawa’y maging instrumento kayo sa patuloy na intelektuwal, sosyokultural, at edukasyonal na pag-unlad ng ating bansa.
𝐿𝑢𝑏𝑜𝑠 𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑚𝑖𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔𝑏𝑎𝑡𝑖 𝑠𝑎 𝑖𝑛𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑘𝑎𝑠𝑎𝑦𝑠𝑎𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑔𝑢𝑚𝑝𝑎𝑦!🥳💛🖤
'tlagiparasaSIKLAB
11/11/2025
Kaarawan na ni Paul!
Maligayang kaarawan sa ating masigasig na Tagapangulong Teknikal! Salamat sa iyong talino at sipag na patuloy na nagbibigay inspirasyon sa buong organisasyon. Nawa’y maging makulay, makabuluhan, at puno ng tagumpay ang panibago mong taon!
10/11/2025
Kaarawan na ni Evelyn!
Isang masiglang pagbati ng maligayang kaarawan sa aming masipag, maasahan, at kahanga-hangang kasamahan! Nawa’y maging makulay, makabuluhan, at puspos ng kagalakan ang iyong espesyal na araw. Salamat sa iyong dedikasyon at ngiti na nagbibigay sigla sa ating organisasyon.
08/11/2025
𝗠𝗮𝘁𝗮𝗴𝘂𝗺𝗽𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗴𝗽𝗮-𝗦𝗜𝗞𝗟𝗔𝗕! 🏅 🔥
Isang maalab na pagbati sa lahat ng ACADEMIC AND NON-ACADEMIC ACHIEVERS mula sa SIKLAB! Ang inyong pagsisikap, tiyaga, at dedikasyon ay tunay na kahanga-hanga! Patunay ito na sa puso ng bawat Filipino Majors ay mainit na nagliliyab ang apoy ng tagumpay! 🔥
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the school
Website
Address
Goa
4420