Gharawi

Gharawi

Share

16/10/2026

RIP Maricel...

13/10/2026

AI DRAMA TIPS!

Alam mo ba
na kahit pareho ang subject at shot size,
puwedeng mag-iba ang itsura at dating ng eksena depende sa LENS na ginagamit mo?

Last time napag-usapan natin ang FRAMING at CAMERA ANGLES.
Punta naman tayo sa tinatawag na FOCAL LENGTH.

May mga lens na kayang magpalawak ng itsura ng environment,
mag-exaggerate ng perspective,
o mag-compress ng perspective.

Ang focal length ay sinusukat sa millimeters (mm).
May epekto ito sa kung gaano kalawak o kakitid ang view ng camera.

Here are some examples na madalas gamitin sa mga films:

14mm - ULTRA-WIDE ANGLE
Malawak ang view at mas exaggerated ang perspective,
lalo na kapag malapit ang camera sa subject.

24mm - WIDE ANGLE
Maganda para ipakita ang character kasama ang environment.
Maganda ito sa action scenes at establishing shots.

35mm - WIDE-NORMAL
Balanced ang view ng character at paligid.
Maganda para sa cinematic storytelling.

50mm - NORMAL LENS
Versatile para sa dialogue, portraits,
at mga eksenang gusto mong natural ang perspective.

85mm - PORTRAIT TELEPHOTO
Maganda para sa close-ups at portraits.
Puwede ring makatulong para maihiwalay ang subject sa background.

200mm - TELEPHOTO
Mas makitid ang field of view.
Kapag malayo ang camera para mapanatili ang parehong framing,
mas compressed ang dating ng background.

BONUS: FISHEYE LENS
May sobrang lawak na view at distinctive na distortion,
na kadalasang nagpapakurba sa mga gilid ng image.

TANDAAN:
EXAMPLES LANG ANG MGA FOCAL LENGTH NA ITO.
Puwede kayong mag-experiment sa iba't ibang focal length sa AI prompting.
Subukan din ang ibang values depende sa visual effect na gusto ninyong makuha.

Sa ngayon, hindi pa perpekto ang AI sa pagsunod sa focal length kumpara sa totoong camera.

Kahit ilagay mo ang exact millimeter sa prompt,
hindi guaranteed na eksaktong ganoon ang magiging resulta.

Pero sa pamamagitan ng mga examples na ito,
magkakaroon na kayo ng idea kung ano ang posibleng itsura ng isang eksena kapag nagpalit kayo ng lens.

Sa AI prompting, subukan n'yong i-combine dito yung FRAMING AT ANGLES na natutunan nyo last time.

Again, sample prompts ulit sa comment section.

'Yan lang muna ulit sa ngayon.

Adios!

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Gharawi posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.