BarBud
25/10/2025
PARA BA SA MGA BAKAL AT TIBO ANG CAGANDAHAN LAW?
Ang pinaka-simpleng sagot sa katanungang ito at HINDI dahil ang Cagandahan Law, na isang panukalang batas pa lamang (House Bill No. 5474), ay para sa mga inters*x.
Ang tanong ngayon, ano o sino ba ang inters*x?
Ayon sa House Bill No. 5474, ang "inters*x" ay ang "umbrella term used to describe a wide range of innate bodily variations in s*x characteristics. Inters*x people are born with physical s*x characteristics (such as s*xual anatomy, reproductive organs, hormonal patterns, and/or chromosomal patterns) that do not fit typical definitions for male or female bodies."
Upang atin pang mas maunawaan kung ano o sino ba ang inters*x, marapat nating alamin kung bakit ang House Bill No. 5474 ay pinamagatang "Cagandahan Law".
Dahil ba para ito sa mga miyembro ng LGBTQIA+ Community na magaganda? Marahil sila nga ay magaganda, ngunit hindi ito ang tunay na kadahilanan.
Hango ang pamagat ng House Bill No. 5474 kay Jeff B. Cagandahan, na ang pangalan noon ay "Jennifer B. Cagandahan".
Noong pinanganak si Jeff, siya ay nirehistro sa kanyang Certificate of Live Birth bilang isang babae, ngunit sa kanyang paglaki, siya ay nagkaroon ng mga katangian ng isang lalaki. Siya ay may kondisyon na tinatawag na Congenital Adrenal Hyperplasia (CAH).
Ang mga taong may kondisyon na CAH ay may mga katangian ng pang-lalaki at pang-babae.
Kung kaya't hiniling ni Jeff sa korte na i-tama ang nakasaad na kanyang kasarian sa kanyang Certificate of Live Birth mula sa babae or "female" at gawin itong lalaki or "male". Hiniling niya ring mapalitan ang kanyang pangalan mula sa "Jennifer" at gawin itong "Jeff".
Ayon kay Dr. Michael Sionzon (Dr. Sionzon) ng Department of Psychiatry, University of the Philippines-Philippine General Hospital, genetically, si Jeff ay isang babae, pero dahil ang katawan nya ay sobrang dami kung maglabas ng pang-lalaking hormones (androgen), hindi nabuo ng normal ang kanyang pang-babaeng ari. Dahil dito, siya ay maroong ari ng babae, at siya rin ay nagkaroon ng ari ng lalaki. Ayon pa kay Dr. Sionzon, walang gamot o lunas sa kondisyon ni Jeff.
Isa (1) sa sampu hanggang labing walong libo (10,000-18,000) na sanggol na pinapanganak ay may kondisyon na CAH.
Ayon sa ating Kataas-taasang Hukuman, kung ang isang tao ay "biologically" o "naturally" na inters*x, ang "determining factor" sa kanyang "gender classification" ay ang pipiliin niyang kasarian sa kanyang paglaki. Sa kaso ng mga inters*x na tao, hindi "conclusive" ang "gender classification" nila sa kapanganakan. Ang kasarian nila ay malalaman lamang sa kanila pang pagtanda.
Ayon pa sa ating Kataas-taasang Hukuman, hindi makatarungan kung mapipilitan si Jeff na sumailalim sa mga gamutan o uminom ng mga gamot para lamang siya ay manatiling isang babae, kung hindi naman niya ito kagustuhan. Si Jeff ang mabubuhay na may inters*x na kondisyon. Kaya si Jeff ang nararapat na mamili ng landas na kanyang tatahakin sa kanyang "s*xual development" at "maturation".
Sa makatuwid, pinahintulutan ng ating Kataas-taasang Hukuman na maitama ang kasaraian ni Jeff mula babae o "female" at ginawa itong lalaki or "male". Pinahintulutan din ang pagpalit ng kanyang pangalan mula sa "Jennifer" at ginawa itong "Jeff". (Republic of the Philippines vs. Jennifer B. Cagandahan, G.R. No. 166676, 12 September 2008, 586 Phil. 637)
Naisalarawan din ang inters*x sa pelikulang Conclave (2024). Sa nasabing pelikula, ang nahirang na Santo Papa ay ipinanganak na may obaryo at matris. Nalaman lamang niya ito noong siya ay sumailalim sa appendectomy, isang operasyon para tanggalin ang appendix.
Ang House Bill No. 5474 ay may maganda, malinis, at makatarungan na hangarin. Ito ay ipinapanukala para sa mga taong ipinanganak na may natatanging kondisyon at katangian na hindi nila pinili, ngunit ipinagkaloob sa kanila ng May Kapal. Ito ay pagsasabatas lamang ng desisyon o hatol ng ating Kataas-taasang Hukuman sa kasong Republic of the Philippines vs. Jennifer B. Cagandahan (G.R. No. 166676, 12 September 2008, 586 Phil. 637), na may hangarin na pabilisin at gawing hindi magastos ang proseso nito.
(Photo by Inters*x Philippines)
27/09/2025
2023 BAR EXAMINATIONS
POLITICAL LAW AND PUBLIC INTERNATIONAL LAW
My Suggested Answer:
No. The proposed provision is unconstitutional.
Under the Constitution [Sec. 2 (C), Art. IX (C)], the Commission on Elections shall "[e]xercise exclusive original jurisdiction over all contests relating to the elections, returns, and qualifications of all elective regional, provincial, and city officials, and appellate jurisdiction over all contests involving elective municipal officials decided by trial courts of general jurisdiction, or involving elective barangay officials decided by trial courts of limited jurisdiction."
In this case, the Proposed Electoral Code of the Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao grants to the Bangsamoro Parliament's Electoral Tribunal the exclusive original jurisdiction over "all contests relating to the election, returns, and qualifications of the members of the Parliament[,]" which was already granted to the Commission on Elections under the Constitution.
Therefore, the proposed provision is repugnant to the Constitution, and as such, unconstitutional.
23/09/2025
2023 BAR EXAMINATIONS
POLITICAL LAW AND PUBLIC INTERNATIONAL LAW
My Suggested Answer:
Yes. The "Ang Nars Incentives Act of 2023" is constitutional.
In a case (Carlos Superdrug Corporation v. Department of Social Welfare and Development, G.R. No. 166494, 29 June 2007, 553 Phil. 120), the Supreme Court stated that by virtue of its police power, the State, "in promoting the health and welfare of a special group of citizens" can validly compel private establishments to partly subsidize a government program. The Supreme Court further stated that although a tax deduction did not offer a full reimbursement of the extended senior citizen discount, as it "does not reduce taxes owed on a peso for peso basis but merely offers a fractional reduction in taxes owed[,]" the taking was still valid for being an exercise of the State's police power. For this reason, when the conditions so demand as determined by legislature, property rights must bow to the primacy of police power because property rights, though sheltered by due process, must yield to the general welfare. (Estoconing v. People of the Philippines, G.R. No. 231298, 7 October 2020)
In this case, the "Ang Nars Incentives Act of 2023" is a valid exercise of police power because it was enacted to give an incentive for Filipino nurses to remain and be employed in the Philippines, promoting the health and welfare of Filipino people in general.
Therefore, although the "Ang Nars Incentives Act of 2023" merely offers 50% reduction in taxes owed, the taking of the other 50% was still valid for being an exercise of police power.
21/09/2025
THE ORDER OF PRESIDENTIAL SUCCESSION
Ngayong araw, ika-21 ng Setyembre, taong 2025, sa "Trillion Peso March Against Corruption" na ginaganap sa EDSA People Power Monument sa Quezon City, at sa "Baha sa Luneta: Aksyon Na Laban sa Korapsyon!" rally against corruption na ginaganap naman sa Luneta Park sa Manila City, ay nanawagan ang mga raliyista na bumaba sa kanilang mga katungkulan sina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Romualdez Marcos Jr. (PBBM) at Pangalawang-pangulong Sara Zimmerman Duterte-Carpio (VP Sara).
Kung sakaling dinggin nina PBBM at VP Sara ang daing ng mga raliyista at bumaba nga sila sa kanilang mga katungkulan, sino ang hahalili sa kanilang mga katungkulan upang mamuno sa Pilipinas?
Ayon sa ating Saligang Batas (Sec. 8, Art. VII), ang pansamantalang hahalili sa kanilang mga katungkulan upang mamuno sa Pilipinas ay ang pangulo ng Senado, at kung sakaling wala itong kakayanan, ay ang Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas (House of Representatives), hanggang sa may maihalal na bagong Pangulo o Pangalawang-pangulo ng Pilipinas.
Paano naman kung manawagan rin ang mga raliyista na bumaba sa kanilang mga katungkulan ang pangulo ng Senado at ang Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas? Sino ang nararapat na pansamantalang mamuno sa Pilipinas?
Ayon ulit sa ating Saligang Batas (Sec. 8, Art. VII), ang Kongreso, sa pamamagitan ng isang batas, ang magtatalaga kung sino ang nararapat na pansamantalang hahalili upang mamuno sa Pilipinas.
Ngunit kung sisiyasatin, mapag-aalaman na mayroong dalawang naipasang batas kaugnay dito: 1.) ang Republic Act No. 181 na naipasa noong ika-21 ng Hunyo, taong 1947; at 2.) ang Batas Pambansa Blg. 882 na naipasa noong ika-3 ng Disyembre, taong 1985.
Mapapansin na walang batas kaugnay dito ang ipinasa ng Kongreso matapos maratipika ang ating kasalukuyang Saligang Batas noong ika-2 ng Pebrero, taong 1987.
Ano ang epekto nito?
Ayon sa Korte Suprema, ang isang batas ay mananatiling may bisa hanggang hindi ito ipinapasawalang-bisa ng isang kasunod na batas, o kung ito ay hindi taliwas sa ating Saligang Batas.
Ang Batas Pambansa Blg. 882 ay taliwas sa ating Saligang Batas dahil ito ay tumutukoy sa isang "Parliamentary System" na pamahalaan, samantalang ang ating Saligang Batas ay tumutukoy sa isang Republikang pamahalaan.
Ang Republic Act No. 181 ay tumutukoy sa isang Republikang pamahalaan kaya maaari nating gamitin ang probisyon nito sa ating kasalukuyang Saligang Batas. Ayon rito, ang Kongreso, sa magkasamang sesyon, ay magbobotohan upang maghalal ng isang Senador o isang miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas na siyang pansamantalang mamumuno sa Pilipinas, hanggang sa may maihalal na bagong Pangulo o Pangalawang-pangulo ng Pilipinas.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
4107