MDRRMC Datu Piang
27/05/2026
May 27, 2026 | Rainfall Advisory
22/05/2026
Noong May 16, 2026 ganap na alas-7:25 ng gabi, isang lindol na may lakas na Magnitude 5.2 ang naitala sa GSKP (Epicenter), habang naramdaman naman ang Intensity V sa bayan ng Datu Piang.
Bilang agarang pagtugon, noong May 17, 2026 ay nagsagawa ng building assessment ang MDRRMO katuwang ang BFP at Engineering Office, partikular sa mga konkretong gusali na umaabot hanggang tatlong palapag, upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan at maiwasan ang posibleng panganib dulot ng lindol. Nagpatuloy ang assessment noong May 18, 2026 bilang bahagi ng patuloy na inspeksyon at monitoring.
Patuloy po tayong maging alerto at makiisa sa mga paalala ng ating mga awtoridad para sa kaligtasan ng lahat.
21/05/2026
May 21, 2026
Isinagawa ng LGU Datu Piang mula sa direktiba ng ating butihing Hon. Mayor Datu Victor Samama, ang paglilinis at pag-aalis ng bara sa mga creek at kanal bilang bahagi ng paghahanda at pag-iwas sa posibleng pagbaha dulot ng patuloy na pag-ulan.
Layunin ng gawaing ito na mapanatiling maayos ang daloy ng tubig upang mabawasan ang panganib ng pagbaha at maprotektahan ang kaligtasan ng mamamayan.
Patuloy po nating panatilihing malinis ang ating kapaligiran at iwasan ang pagtatapon ng basura sa mga kanal at daluyan ng tubig. Sama-sama tayo sa pag-iwas at paghahanda laban sa sakuna.