Poetic Rhapsodies

Poetic Rhapsodies

Share

04/05/2023

kay lakas ng ulan,
ang sarap sa pakiramdam.
humagawi ang lamig sa aking balat,
ansarap maligo sa labas
habang iniisip parang wala ng bukas.
iniisip ang hinaharap habang naliligo sa daan
habang ang nakaraan ay kakalimutan,
itatapon at hayayaan sa agos ng tubig ulan.

01/05/2023

napadpad ako sa isang baryo,
ang sukal ng dinadaanan ko.
may narinig akong alulong ng a*o,
sa takot ko napatakbo ako.
at kahit napapagod na ay patuloy parin ako sa pag diretso.
at duon sa dulo, napuntahan ko na ang tahanan ko.

pero ang punto talaga ng tula na to,
kahit gaano nakakapagod ang mundo,
magpatuloy ka lang habang iniisip ang sarili mo.
tumakbo ka naparang hinahabol ng malaking a*o
para iligtas ang buhay na to.
maraming tao ang mang mamaliit sayo,
ngunit tumayo ka nang may dangal,
wag ka nang umangal,
kung kinakailangang sumugal,
gawin mo.
ito ang mas nararapat sayo,
magpatuloy ka lang, kaibigan ko.

29/04/2023

malalaman mo kaya ang pinagkaiba
sa buhay ko kung hindi ka nakilala?

27/04/2023

naging halimaw ng nakaraan,
ginusto lamang ang kapayapaan.
ika'y kanilang huhusgahan at pagtatawanan,
dahil iba ang landas na iyong dinaanan.

ayoko lamang matulad sa inyo,
paulit ulit ang ginagawa,
hindi ba kayo nagsasawa sa ganito?
kung gagaya ako sa ginagawa nyo,
mabubulag lamang ako,
sige isipin mo.

kahit anong gawing pagsisikap,
baliwala, hindi ito sapat.
dibdib ay sumisikip, hininga ay hinahagilap,
kung saan saan nalang sumisipat.
tulong, hindi ko na matanaw ang aking hinaharap.

Want your establishment to be the top-listed Arts & Entertainment in Dasmariñas?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address

Dasmariñas