Ang Gabay
18/10/2022
Kasalukuyang ginaganap ang screening para sa mga unang grupo ng mga batang journo na nilahukan ng 54 na Grade 5 mag-aaral. Layunin nitong matukoy ang mga mag-aaral na sasabak sa nalalapit na Journalympics ngayong Nobyembre, 2022. Pinangunahan ito ni Leonard Gelacio, tagapayo sa pagsulat ng The Beacon, ang opisyal na pahayagan (English) ng Cordon South Central School Main.
17/10/2022
Nakiisa ang mga mag-aaral ng Cordon South Central School sa Global Handwashing Day ngayong October 17, 2022
na may temang "United for Universal Hand Hygiene" gamit ang mga school handwashing facilties.
15/10/2022
Brownout man ay tuloy pa rin ang training ng Art of Coaching in Journalism na dinaluhan ng mga School Paper Advisers at Coaches ng Cordon South at North, bilang paghahanda para sa Division Journalympics, na ginanap sa Cordon South Central Conference Hall, ika-15 ng Oktubre, 2022.
Resource Speaker:
Dr. Harold Gallo
PSHS- Cagayan Valley Campus
10/10/2022
Walang pasok ang mga mag-aaral ng kindergarten hanggang senior high school ngayong Oktubre 11, 2022 dahil sa bagyong Maymay